recently, i signed-up for amazon's affiliate program. lahat na ng pwedeng pagkakitaan sa blog, papasukin ko. sayang naman ang kita. hehehe. hmmm, baka isang araw, pagbukas nyo ng blog na ito, puro ads na lang, wala nang post? hehehe. hindi naman mangyayari yun. ok lang naman na ad-infested itong blog, ang mahalaga, nababasa nyo pa rin ang mga post ko. bumagal ba yung loading? sa akin, walang ipinagbago eh. kung bumagal sa inyo, pasensya na, galit ako sa pera nyo eh, gusto kong kunin. hehehe.
ang kaibahan ng amazon sa google adsense, kahit isang libong beses mong iclick yung ads ng amazon, wala akong kikitain kung hindi ka bibili. sa amazon din, ikaw ang pipili ng keywords para sa mga ads na ididisplay. kagaya sa blog na ito, puro aklat tungkol sa pagsasalita ng tagalog at tungkol sa pilipinas kong mahal ang pinili ko. natural, para kung may maligaw na gustong matutong magtagalog, baka magkakainteres syang bilhin yung aklat, dahil wala syang maintindihan sa blog na ito. hehehe. dun sa textmates, ang nilagay kong ads, mga libro ng quotations. doon sa blogtimizer, mga aklat tungkol sa search engine optimization at google adsense. sa photoblog ko naman, tindahan ng digital cam. hehehe. so, kung balak nyong mag-online purchase, daan muna kayo dito. may search box dun sa textmates at blogtimizer, search kayo dun ng gusto nyong bilhin, para may porsyento ako. ok? ok.
naipublish na pala yung blog ni batjay, ginawa nang aklat. ang galing naman nya. may mga koneksyon kasi. yung publisher na kausap ko dati, after several weeks na dumaan sila dito sa blog ko at magpakasasa sa pagtawa sa mga sinulat ko, biglang nireject. walang kwenta daw. hahaha! ok lang. wala naman talagang kwenta, puro kwento lang. eh sa ayaw nila eh, di wag. ako pa. huwag lang silang hahabol-habol kapag sikat na ako at nanalo na sa philippine web awards! (asa pa!) hahaha!
yun lang!
UPDATE: Nagtayo na ako ng sarili kong pwesto. Hehehe. See Kukote's Online Sari-Sari Store here! Lumabas na pala yung Guinness 2007, kaso, wala pa akong makita sa National Bookstore. Dito na lang kaya ako bumili?
3 comments:
haha! :) hello! yung textmates.blogspot.com napadaan sa account ko so i wanted to pass by and say thanks sa handler nun. salamat! :)
link ex? :0
Aba aba ibang level na tlga ito! hehe! kinarir mona lahat tlga! hehe! Naku kakabili kolang ng 2 DVD ng smallville last month sa Amazon, edi sana nag ka porsyento ka.. sayang din yun... nahuli kalang men.. ung season 5 hindi ko muna sa amazon bibilhin kc medyo mahal pa sya kc nga sa sept.12 pa ang release nya kaya medyo may kamahalan pa.. bibilhan daw ako ni Rho-anne nun para sa bertdey ko.. ang saya no? heheh! kahit may account at store na ako dun counted parin ba ung porsyento mo pag kinlick ko ung ad mo? haba ng comment ko ah, sagutin mo to! hahah
kapatid, kinareer mo na! pati tindahan pinatos mo haha!!!
hmm... makapag window shop nga sa iyong sari-sari store. may discount ba?
Post a Comment