Friday, September 01, 2006

koya's kuya carinderia

unang una, nagpapasalamat ako sa lahat ng nakiramay sa amin at sa buong pamilya sa pagkawala ng aking nanay. maraming salamat. awa naman ng Diyos ay naihatid na namin sya sa huling hantungan noong nakaraang miyerkules. salamat sa lahat ng nakipaglibing. salamat sa lahat nang barangay officials ng ilat south, kasama na ang mga barangay tanod na tumulong sa pagsasaayos ng traffic. maraming salamat sa inyo.

noong nakaraang miyerkules din, minalas na naman ang kotse ko. noong libing kasi, naglakad na lang ako, at yung kotse ko, ang tatay ko ang nagdrive. ok naman, dahil talaga namang usad-lakad lang yung takbo nung sasakyan. ang problema, nung tapos na ang libing at pauwi na kami. nabangga lang naman ng tatay yung isang pader ng tapat-bahay namin habang ipinapark nya yung kotse. ok lang, hindi naman nasira, nagasgasan lang, medyo malaki ring gasgas. pero ok lang din... dahil ang tatay ko ang nakagasgas, sya ang magpapaayos. kaya bukas ay maaga akong uuwi ng batangas sapagkat dadalhin daw sa pagawaan.

ineng's quotable quotes noong lamay sa amin...
ineng (pamangkin ko, 4 years old, nakita nya yung mga ilaw sa harap ng kabaong, nagandahan ata) : daddy, kapag namatay ako, may ganyan din?
daddy nya (kapatid ko) : (nagulat) ano ka ba naman? tumigil ka nga!

-----

ineng (kumakanta, ewan ko kung sinong nagturo) : natutulog, natutulog, si nanay, si nanay! atin nang gisingin, atin nang gisingin, oras na, oras na!

-----

ineng (nakita yung abuloy sa ibabaw ng kabaong ng nanay) : inay, bakit ang daming pera ng nanay? aanhin nya pa yun e patay na sya?
inay : (nag-iisip ng isasagot)
ineng : kami, wala kaming pera.

maiba ako... dito sa opisina, medyo nakatipid ako ngayon sa lunch. kung dati ay nasa P100 ang lunch ko, ngayon ay nasa P50 na lang! salamat sa koya's kuya carinderia. hehehe. dahil nagdedeliver na ng pagkain si koya galing sa carinderia ng kuya nya, nakatipid ako ngayon. sing sarap, pero di sing mahal! wais. hehehe. si koya po ay officemate ko.

yun lang!

2 comments:

SarubeSan said...

hahah natutulog nga naman si nanay..LOL mga bata nga naman oo..di mo alam kung matatawa ka o magagalit sa kakulitan..

DanieL said...

nakikiramay ako. nakikibasa lang ako ng blog mo, at hinde mo ako kilala, but i'm terribly sorry for your loss.