Grabe, ang lupit ng bagyo. Ang daming sinira, ang daming winasak. Ang daming punong natumba at billboard na nagbagsakan. May isa pa ngang bus dun sa may magallanes ang nabagsakan mismo ng billboard. Ang dami ring naestranded na pasahero. At ang matindi, buong Luzon, nagbrownout! Tinamaan daw yung Luzon grid ng Meralco, at ang sabi sa balita, it will take 45 hours bago maibalik ang kuryente. Ang init nga dito sa boarding house ngayon, walang kuryente, wala pang tubig! Bukas, walang pasok ang mga estudyante, public and private. Yung mga empleyado ng gobyerno, wala ring pasok. Pero kaming nasa pribadong sektor, back to normal na bukas. Sana lang ay magkakuryente na dahil hindi naman de-pedal yung computer namin sa opisina. Hehe. Sige, adik talaga ako sa pagboblog. Gprs ulit gamit ko eh, at nakinig ako ng news sa radyo.
Yun lang!
1 comment:
uu nga grabe ang bagyo jan ngyn, nanood ako ng news kanina sa gma pinoy tv.. ang lakas ng hangin at naglipana ang mga yero katakot... mag ingat kyo!
Post a Comment