Friday, September 15, 2006

todo tipid

byernes na naman! TGIFAS! Thank God It's Friday And Swelduhan! hehehe. nakahinga rin ako ng maluwag. nito kasing nakaraang dalawang linggo, talagang lahat ng klase ng pagtitipid ay ginawa ko magkasya lang ang budget ko. paano naman kasi, nagkasunod-sunod ang gastusan. blow-out sa birthday, gastos sa gasolina dahil sa ilang beses na pabalik-balik sa batangas nung lamay ng lola ko, at ang matindi, nakaltasan ako ng 1 day salary ko dahil hindi ko pala naifile yung birthday leave ko. as in, saktong sakto lang talaga yung sweldo ko sa mga gastusin ko, nabawasan pa. eh nahihiya naman akong humingi pa ng pera sa bahay, kaya hayun, todo tipid.

kung dati, kumakain ako sa kenny roger's bago umuwi sa boarding house, nakuntento na lang ako sa skyflakes bilang hapunan. minsan, punta rin ako sa jollibee, kung dati, supermeal ang inoorder ko, ngayon N3 na lang, yung spaghetti ang burger na lang. kung dati, halos gabi-gabi, tumatawag ako sa gf ko, hayun, text-text na lang, minsan pa ay hindi na nagtetext dahil naubusan na ng load, patrenta trenta na nga lang ako ng load sa cellphone. itanong nyo pa kay yax. hehehe. sa kanya ako bumibili eh. kung dati, basta may makita akong libro na magustuhan ko sa national bookstore, bili agad ako, ngayon, dun ko na muna binabasa. hehehe. nung isang araw ko pang gustong bilhin yung Guinness 2007 sa national bookstore, hindi ko talaga binili. ayaw ko na kasing gamitin yung credit card ko, dahil mas mahirap magbudget, ready na ang pambayad, nagagastos pa minsan.

dahil sumweldo na ngayon, back to normal buhay na ulit ako. yung kinaltas sa akin dahil sa hindi ko naifile na birthday leave, ibinalik na ngayon, buti na lang at maabilidad ang aming accountant. hehehe.

mamaya, uuwi na kami sa batangas. kasabay ko si penoi at saka yung isa ko pang kasama sa bahay. ngayong gabi na ako uuwi para may kasabay naman ako sa byahe, ang hirap din kasing magdrive ng solo.

patalastas muna, bagong bihis yung photoblog ko. nakakita kasi ako ng magandang template, kaya hayun, binihisan ko ng bago. nag-update na rin ako sa blogtimizer at sa textmates. sa mga may google adsense, try nyong gawin yung latest post ko dun sa blogtimizer, totoo yun.

yun lang!

5 comments:

Anonymous said...

ang hirap mag tipid ano! hahaha.... naku alam mo bang mas mahirap magtipid kung marami kang tinitipid LOL kaya sabuyan mo kame ng grasya!!! mag blow out ka ulit hahahaha

Anonymous said...

been there done that... yung pagtitipid that is! bat pa kasi ako nagtrabaho sa makati eh! hahahaha

tintin said...

Ako meron rin akong post sa pag pa-budget naming mag-asawa. Naku, extra-challenge talage (on pa rin ba yung show na yan?). Nahihirapan akon lalu na ng pagtipid sa pagkain! LOL. Pero talagang napaka saya pag nakita ko sa end of the month na nag-reconcile ang accounts namin. Whee!

Anonymous said...

insaaaaaaaaaaaaaaaaaan!!!!!

lheeanne said...

Minsan tulong sakin ang kulang sa budget kc diet din ang beauty ko at skyflakes lang ang kain ko! heheh