Tuesday, September 12, 2006

pinindot na link

i hate mondays. tinamaan na naman ako ng sakit ng ulo. ewan ko ba. ang hirap talaga ng diabetic. napasarap lang ng kain nung linggo, tumaas na kagad ang sugar ko kinabukasan. ang sarap ng pinindot eh. may nagbigay kasing kapitbahay. ang daming atang asukal nun. pero masarap talaga sya, promise. yun nga lang, isang sick leave ang aking nakunsumo dahil sa pinindot na yun.

may nag-email sa aking amerikano, asking for a link to his website dito sa blog na ito. PR4 na kasi ang blog na ito, at malamang, ang sa inyo rin. pero ayaw nya ng reciprocal link, ayaw nya maglink sa akin, babayaran na lang daw nya ako ng $50. isang text link dyan sa sidebar for 1 year, $50 daw. ok ba yung deal na yun? aba, P2500 din yun. sige na nga, payag na ako, magrereply na ako sa kanya mamaya. ang bayad ay thru western union. madali lang naman yan, ililink ko yung website nya. kung hindi dumating ang bayad, ay di tatanggalin ko. hehehe. kung dumating, salamat ng marami. may pera talaga sa blog. hehehe. o, sino pa sa inyong gustong magpalink? libre lang kung link exchange, pero kung walang reciprocal link, bayaran nyo rin ako, ok? hehehe.

siguro, naiisip nyo, bakit sila gumagastos ng ganun sa simpleng link lang? dahil nga po sa search engine marketing. they realized the value of a link. isang link kasi sa isang website na mataas ang PR can boost their ranking on search engine. pagtaas ng ranking sa search engine, syempre, pagdami ng bisita, pagdami ng kliyente nila. yung nagpapalink sa akin is an insurance company sa uk. nacute-an ata sa blog ko. hahaha! target daw nya is to get a thousand links from different blogs. if you have a PR4 blog at interesado kayo sa kanyang offer, e-mail me at ibibigay ko ang e-mail address nya, aba, sayang din yung P2500 di ba? hehehe. note: you can check the PR of your blog here.

sige, back to work na ako at may mga dapat tapusin.

yun lang!

4 comments:

Anonymous said...

Ahahaha! Nakakatuwa naman. Ano ba ang itsura ng pinindot na yan? Di pa ata ako nakakakita nyan. =)

Wow. Binibili na lang po yung link sa inyo? Siguro po ang yaman nyo na. =)

lheeanne said...

naku kakaiba tlga ang kagwapuhan mo ah! haha! sabihin mo link kodinn sya bayaran din ako! hahah

Yen Prieto said...

ako din ako din ako din! link ko cia pero bayaran nia ko haha. ako tlaga kuya turuan m naman ako maglagay ng ad sa blog ko pra kumita dn ako. extra income dn yun e syang dn! pero saka na pg ok na blog ko kc under renovation pa din siya ngyn.

Anonymous said...

ay ako rin ako rin insan dali!!!!
hahahahaha.