Tuesday, January 31, 2006

close

Close To You
Carpenters

Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me, they long to be
Close to you

Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me, they long to be
Close to you

On the day that you were born
The angels got together
And decided to create a dream come true
So they sprinkled moon-dust
In your hair of gold
And starlight in your eyes of blue

That is why all the boys in town
Follow you all around
Just like me, they long to be
Close to you

On the day that you were born
The angels got together
And decided to create a dream come true
So they sprinkled moon-dust
In your hair of gold
And starlight in your eyes of blue

That is why all the boys in town
Follow you all around
Just like me, they long to be
Close to you

Just like me, they long to be
Close to you

(Ah, aahh, aahh) Close to you
(Ah, aahh, aahh) Close to you
(Ah, aahh, aahh) Close to you
(Ah, aahh, aahh) Close to you



napapakanta lang ako... yun lang!

marahuya

andito lang ako sa bahay sa batangas, nakahubad habang nakaharap sa laptop at electric fan. grabe sobrang init dito. bahay naman namin ito, so, anong paki nila kung nakahubad akong nagcocomputer? hehehe. picture? wag na... baka ma-inlove lang kayo sa aking katawan.. hahahaha!

may marahuya dito, bigay ng kapitbahay namin. alam nyo ba kung ano yung marahuya? kamoteng kahoy na nilutong parang hotcake.. yun. masarap. yan ang wala sa manila... yung meryenda ng kapitbahay nyo, meryenda nyo na rin.. hehehe. kasi, magkakamag-anak ang magkakapitbahay. minsan nga, kamag-anak ko pala, hindi ko pa kilala. hindi kasi ako masyadong gumagala dito sa barangay namin. wala akong masyadong barkada. yun kasing mga elementary na barkada ko, mga wala na dito... may kanya-kanya nang buhay. ang natira na lang dito ay mga tambay.

ewan, wala akong magawa dito kaya kung ano ano na naman ang tinatype ko. ang ganda kasi ng kachat ko ngayon.. hahaha.

again

tomorrow, i will submit the remaining technical documents doon sa sideline ko... isosoli ko na rin itong laptop na ipinahiram sa akin. syempre, babayaran na nila ako ng natitira pa. bukas din, pinatawag na ako noong japanese company, salary negotiation daw, kapag nagkasundo, job offer na. sana nga, magkasundo kami. hehehe. sakto, wala na akong sideline, umpisa ng bagong trabaho. about kay korean boss... ewan ko, hindi na bumalik sa pilipinas. di naman tumatawag, di nagrereply sa email. bahala na sya sa buhay nya, tutal naman ay wala pa ako kahit katiting na papeles na pinirmahan sa kanya. basta, makikipag-usap naman ako sa kanya if ever na uuwi pa sya ng pilipinas. life has to go on...

smile

para sa iyo ang awit na ito.... kaya smile ka lang palagi, ok?

When I See You Smile
Bad English

Sometimes I wonder
How I'd ever make it through
Through this world
without having you
I just wouldn't have a clue
Cause sometimes it seems
Like this world's closing in on me
And there's no way of breaking free
And then I see you reach out for me
Sometimes I wanna give up
Wanna give in
I wanna quit the fight
and one at look at you baby
can make everything all right
can make everything alright

When I see you smile
I can face the world
Oh you know I can do anything
When I see you smile
I see a ray of light
Oh I see it shining
right through the rain
When I see you smile
Baby when I see you smile at me
Oh yeah

Baby there's nothing in this world that could ever do
What the touch of your hand can do
It's like nothing that I ever knew
ooooohhhh
And when the rain is falling
I don't feel it
Cause you're here with me
and one look at you baby
It's all I'll ever need
All I'll ever need

When I see you smile
I can face the world
Oh you know I can do anything
When I see you smile
I see a ray of light
Oh I see it shining
right through the rain
When I see you smile
Baby when I see you smile at me

Sometimes I wanna give up
I wanna give in
I wanna quit the fight
Then one look at you baby
can make everything alright
can make everything alright
It's alright

When I see you smile
I can face the world
Oh you know I can do anything (that i can do anything)
When I see you smile (when i see you smile)
I see a ray of light
Oh I see it shining
right through the rain (baby when i see you smile)
Yeah
When I see you smile
Yeah I can face the world (everyday)
Oh you know I can do anything (everyday)
When I see you smile
Oh yeah
Baby when I see you smile at me
when i see you smile.. baby when i see you smile..
aaaattt me..

Monday, January 30, 2006

high school get together

last saturday night, an unknown (to me) scheduled get-together party happened. may nagtext na lang sa akin around 6PM... hey, asan ka, andito kami kina sherwin, punta ka. ako naman ay nagpunta, and to my surprise... nadatnan ko ang aking mga former high school classmates!!!

noon ko lang ulit sila nakita. well, kahit medyo matagal nang hindi nagkita, e syempre, at home pa rin... hehehe. dumating kasi si sherwin galing canada, sa winnipeg daw sya, e hayun, nag-invite sa kanila para magpakain daw. di ko na binilang kung ilan kaming bisita nya, basta ang nangyari, napag-usapan namin na lumipat ng venue nang lumalim na ang gabi dahil medyo maingay na kami at masikip sa lugar. hayun, dahil may malapit lang naman na beach resort doon, dun kami nagbalak lumipat, pero biglang nagbago ang plano at doon na lang kami lumipat sa bahay nina leila, tabing dagat din ang bahay nila. so libre na nga naman sa entrance, may videoke pa!

hanggang umaga kaming nagdaldalan habang may kumakanta doon sa videoke. kwentuhan to the max, inalala ang nakalipas... kung sino daw ang mga kras nila nung high school kami, etc.. etc. napag-usapan kung sino ang kani-kanilang mga katipan ngayon, kung anong status na at kung ano ano pa. syempre, napag-usapan din ang mga classmates namin na wala doon... hahaha! yan, tip yan, kung may reunion kayo or get together ay aatend kayo.. ok? kasi, kapag wala kayo, kayo ang pag-uusapan! hahaha! ang haba ng kwentuhan hanggang sa malaman namin na umaga na pala... straight, walang tulugan ang ilan sa amin kasama na ako, sa kakadaldal... hahaha!

well, masaya naman. kaso, wala pa akong picture na maipost dito. lowtech kasi itong cellphone ko, ang labo kapag gabi, wala pang flash! hintayin ko na lang ang email ng iba at makapagpost ng kahit isang picture dito. ngapala, sa makakabasa nito na umattend dun, when you asked me kung sino ang kras ko nung high school... isa lang ang sinabi ko, di ba? i lied! ok? hahahaha! hanggang ngayon, torpe pa rin ako.. hahaha, e kasama natin e, baka madevelop kami! actually, may dalawa pa at naandun, present nga sila. sayang nga at hindi ko nakuha ang number... hehehe! leila, alam ko, nagbabasa ka nito.... bawal ang makulit... hahaha! pero kung ibibigay mo sa akin ang number nya... halika, usap tayo.

yun lang!

370HSSV-0773H

a forwarded joke from a friend in Kuwait... medyo binago ko lang ng konti para ako ang bida... hahaha! here it goes...

After numerous rounds of "We don't even know if Bin Laden is still Alive",

Osama Bin Laden decided to send George W. a letter in his own hand writing to let him know that he was truly still in the game.

Bush opened the letter and it appeared to contain a coded message:

37OHSSV-O773H

George W couldn't figure it out so he typed it out and emailed it to Colin Powell.

Colin and his aides had no clue either so they sent it to the FBI .

No one could solve it so it went to the CIA and then to MIT, then The Secret Service and eventually on to NASA.

This list got longer and longer. Even the British MI5 could not solve the problem and Tony Blair had no idea.

Eventually, as things got desperate they decided to ask 'marhgiL's kukote' for help.

marhgil's kukote took one look at it and replied:

"Tell the President he is holding the message upside Down."

Saturday, January 28, 2006

photomosaic ulit


natuwa lang ako sa bagong software na ipinamana sa akin ng friend kong si morlan. sabi nya kasi, pag-aralan ko raw, magandang business, hehehehe. o ayan, isa pang sample, photomosaic ng pamangkin ko. syempre, mga baby pics nya ang ginamit ko. di ba, ang ganda? 41 pictures lang yan na pinagpaulit-ulit. plano kong gumawa ng isang malaki at ipaprint nang malaki at ipaframe, mairegalo sa first birthday nya sa june. medyo matagal-tagal pa, mag-iipon pa ako ng karagdagang pictures. to see a larger version, just click the picture, ok? kung gusto nyong magpagawa... just contact me dito, mura lang. hahahaha! you can see the original picture here.

yun lang!

Friday, January 27, 2006

photomosaic



sino kaya ang taong nabuo matapos kong pagdikit-dikitin ang mga picture na nakuha ng aking camera? tingnan sa malayo...

yun lang. happy weekend everyone!

marhgil in the palace

unti-unting mararating... kalangitan at butuin... napapakanta na naman ako... naalala ko kasi si jang geum, hahaha! noong nakaraang gabi, muntik na akong mamatay. habol lang naman ang aking hininga matapos akong magising. ewan ko ba, sigaw daw ako ng sigaw, pagod na pagod, hanggang sa magising nga ako na habol ang hininga. buti na lang at nagising ako. buti na lang.

i stayed awake till 4AM kanina, tinapos yung aking sideline. at ngayon, kaya ako ay nakakapagblog dahil andito ako sa kliyente ko, nakiconnect sa kanilang network kaya eto, active sa pagboblog. hahaha. uuwi na ako ng batangas bukas ng umaga at babalik na lang dito sa manila kapag kelangan nang bumalik.

gaano na kaya ang ibinawas ng timbang ko. skyflakes diet pa rin ako hanggang ngayon eh. iL check my weight tomorrow pagdating ko sa batangas.

random ramblings

medyo matagal-tagal din akong hindi nakapag-update. it's almost 3 years! hahaha! walang internet connection eh, medyo nagtitipid pa ako kasi naman itong boss kong koreano ay hindi pa umuuwi, hindi pa ako pinapasweldo. tsk tsk. yun namang japanese company na nag-interview sa akin, next week ko pa raw malalaman kung ano bang kinahinatnan. sana ok. basta, sana, umuwi na si koreano or matanggap na ako dun sa japanese company.. unti-unti nang nauubos ang aking ipon eh. ang tanging pinagkakaabalahan ko muna ngayon ay yung project ko na hindi pa rin tapos dahil ang daming pinapabago. tsk tsk.

wala namang bago sa akin. as usual, cute pa rin. hahaha. medyo nadagdagan lang ng konti ang bilbil at nagkaroon ng wrinkles sa noo, pero ganun pa rin, cute pa rin. hehehe.

tama na. nababaliw na ako dito.

Tuesday, January 24, 2006

kwentong pacquiao

kwentong pacquiao pa rin. ikwento ko lang ang mga nangyari noong nakaraang linggo sa panonood ng laban ni pacquiao.

hindi ako umuwi ng batangas dahil kakaluwas ko lang nung byernes, so, sabi ko sa sarili ko, doon na lang ako sa boarding house manonood. kahit medyo may kaliitan yung tv. ang problema, noong linggo, bukod sa malabo, e kita mo pa yung kaluluwa ng mga tao. yun bang nagdodoble, para kang duling... hehehe. so problema nga ito. sinubukan kong panoorin yung mga unang laban, pero ang sama, hindi ko makita clearly kung sino ba ang tumatama. so sabi ko na lang sa sarili ko, mamaya, kapag laban na ni pacquiao, sigurado, manonood si landlord... hehehe, makikigulo na lang ako dun.

dumating nga yung oras ng laban, lumabas ako sa room namin at nakita ko nga, andun na ang mga kainuman ni landlord, magkakasamang nanonood sa kanyang tv. e di pumasok na rin ako ng bahay at nakigulo... hehehe. nung makita nga ako ay binigyan pa ako ng upuan.. syempre naman, loyal boarder for the past 2 years? hehehe.

maganda talaga yung laban. pati yung mga reaction ng manonood. sigawan everytime na ginagawang punching bag si eric morales. hehehe. napapaaray everytime na tinatamaan ng sunod sunod na suntok si pacquiao. nakakatuwa, as in, talagang bawat isa, kahit hindi sila yung nakikipagsuntukan, feel nila ay sila yung sinusuntok kapag tinatamaan si pacquiao.

nung pumasok si morales, pang mr. pogi ang dating, nung matapos ang laban, panghorror movie na. may mga SMS messages, napatumba raw ni pacquiao sa round 3, meron namang nagsabi na round 5, merong round 8 at merong round 10. since magkakaiba yung result ng text, ok lang.. meaning, puro yabang sila. though nalaman din namin na hanggang round 10 lang talaga nang tumawag yung kamag-anak ni landlord at sinabi sa amin ang result... detalyado pa... 2x daw matutumba si morales... hahaha. kaya nung dumating ang round 10, lahat ay tumutok na at inabangan na lang kung paano napatumba ni pacman si el terible. lahat nagsigawan sa tuwa nang for the first time in the history of morales career ay na knockout sya. hahaha! el terible.. el terible ang kinahinatnan nya. ang kanyang matangos na ilong, naging pango. ang kanyang makinis na mukha, naging bakubako, bukolbukol at kung ano ano pa. talagang naging panghorror movie ang mukha nya.

after the fight, bumalik sa room ko. tapos, natulog ng konti. nung magising, isinuot ang aking No Fear shirt at lumabas, gumala sa glorieta. hahaha. wala lang, nakakabato sa bahay eh.

yun lang.

what if everyday is pacquiao day?

zero daw ang crime rate sa pilipinas from 10AM to 3PM noong nakaraang linggo, dahil sa laban ni pacquiao. lahat ng uri ng tao ay nakatutok sa tv, magnanakaw, mandurukot, bata, matanda, holdaper, snatcher, rapist at kung ano ano pa. hehehe. kakaiba talaga, galing mo talaga pacquiao!

imagine philippines kung araw-araw ay may laban si pacquiao? una, walang traffic. lahat ng tao ay nasa kani-kanilang bahay, nanonood ng tv. wala ring bumabyahe, kasi, yung mga driver ay nanonood rin. lalong yayaman ang may-ari ng SM, biruin nyo naman, araw-araw sold out ang ticket na 300 pesos. titigil ang bangayan ng mga pulitiko. wala nang oposisyon at administrasyon. lahat, pro pacquiao. wala nang krimen sa bansa, kagaya nga nasabi ko sa unahan, lahat ay tumigil ang mundo, ang magnanakaw ay hindi na nagnakaw, ang mandurukot ay hindi na mandurukot, etc. etc... anong mangyayari sa pilipinas? uunlad ang pilipinas dahil sa tax na ipapasok ng laban ni pacquiao. hehehe. araw-araw, ikaw na ang kumita ng guaranteed $2M dollar. magiging mabenta ang alaxan, no fear shirts, at kung ano ano pang produkto na ineendorso ni pacquiao. magiging national anthem ng pilipinas ang para sayo ang laban nato... aangat ang music industry, milyon-milyong kopya ang mabebenta, lahat, original cd. wala na kasing time mamirata ang mga namimirata, kasi nga, busy sa panonood ng laban ni pacquiao. babagsak ang movie industry, kasi, lahat na lang ng sinehan, laban ni pacquiao ang palabas, sino pang gustong gumawa ng pelikula? hahaha. wala nang manila film festival. malulugi si mother lily.. hahaha. mawawala na ang wowowee... conflict kasi yung schedule sa laban ni pacquiao. sa wakas, matatalo din ng abs-cbn ang eat-bulaga. hahaha! wala nang pakialam ang pilipinas tumaas man ang presyo ng gasolina... wala na kasing aalis ng bahay, lahat, nakatutok sa laban ni pacquiao. tama na, puro kabaliwan na itong sinusulat ko... hahaha!

kung pwede lang sana na ang mga pilipino ay laging kagaya noong linggo. nagkakaisa, walang bangayan, lahat masaya. at least, nangyari ng isang beses. imposible naman kasi na araw-araw ay laban ni pacquiao, maawa naman tayo sa kanya... hehehe. napapagod rin yung tao. sana lang, magkaisa nang tuluyan ang mga pilipino, lalo na yang mga pulitikong wala nang ginawa kundi magbangayan.

yun lang.

Monday, January 23, 2006

Sunday, January 22, 2006

panalo!


ang saya! panalo si Pacquiao! yehey! TKO at round 10! mabuhay ang pilipinas!

-----
This message was sent using TextMail. To know more about TextMail, visit http://www.mysmart.com.ph/

Friday, January 20, 2006

gtg

in 30 minutes, i'm going to drive papunta sa manila. friday na, ngayon lang ako luluwas. interview kasi bukas. di na ako uuwi ngayong weekend. dito na lang sa manila manonood ng laban ni pacquiao. ubos na pala ang ticket sa megamall, sa boarding house na lang ako manonood, doon sa napakalaki naming tv. hehehe. go pacquiao go! pabalato!!! hahahaha!

yun lang!

Thursday, January 19, 2006

weird

ako ay tinag ni coin operated boy... here is the tag..

Just list top-5 of your Weird Habits
Pass to 5 friends
Leave a comment or tag on 5 friends informing that you tagged them.

  1. kakaiba akong maglakad. yan ang number 1. hindi ko naman mabago, may sariling utak yata ang mga paa ko. kung babaguhin ko, everytime na maglalakad ako, yun na lang ang iisipin ko, kasi, kapag nawala na sa isip ko, automatic yun, bumabalik sa dati. so, tinanggap ko na lang na talagang ganito akong maglakad. weird talaga.
  2. can't last a day without knowing the news. basta, hindi ako makakatulog kung hindi ako nakapakinig/nakabasa ng balita. i usually stay late at night waiting for the late night news (saksi or insider), ewan ko ba.
  3. pilosopo ako. weird ba yun? be careful when talking to me... kasi, lahat na ata ng sabihin nyo, masyado kong literally iniinterpret.. hehehe. pero hindi naman all the time ay namimilosopo ako... around 50% of the time lang naman. hehehe.
  4. dati, addict ako sa softdrinks, pero itinigil ko na coz of my health condition. pero hindi ko pa rin mapigilan, coke light, diet pepsi at kung ano-anong light softdrinks naman ang tinitira ko.... dont worry, there's no sugar. hehehe.
  5. tinuruan ko ang mga pamangkin ko to call me tito aga. totoo. so, nasanay na rin ako being addressed as tito aga ng mga pamangkin ko... itanong nyo pa kay francis. hehehe. weird ba yun? siguro, kasi, may sarili naman akong pangalan. kasi naman po, hindi nila mapronounce ng maayos yung marhgil, mga bata kasi, so, tito aga na lang.. hehehe.
i'm passing this to ning, mayang, mildred, yen and amgine. kayo naman ang maglista ng inyong kaweirduhan! hahaha!

estudyante blues

naintindihan nga ni sir eh, ako pa? e pareho lang naman kaming tao na may utak, ang kaibahan lang namin, una syang ipinanganak sa akin... baka nga kung kaklase ko sya ngayon, nagpapaturo o nangongopya pa sya sa akin eh...

yan ang iniisip ko nung estudyante ako kapag medyo mahirap intindihin ang lesson.. hehehe. maliitin ba si sir? hindi naman, maganda lang challenge para sa akin yun, na naintindihan nya yung lesson, bakit hindi ko maiintindihan e pareho lang kaming may kukote? (medyo nasobrahan lang ata ako dahil minsan, kapag magkaiba kami ng pagkakaintindi sa lesson, dinidebate ko si sir... hehehe.)

si tutut nga, nakagraduate, ako pa ba ang hindi?

maganda ring challenge yan. mag-isip kayo ng taong nakagraduate sa course na kinukuha nyo na kung iisipin nyo, kung kaklase mo ay nangongopya pa sa yo. hehehe.

yun lang!

pinoy abroad

sa mga nakabasa at nagtaka kung bakit dinelete ko yung post ko entitled frenzy, well, dinelete ko na para huwag nang lumaki pa ang gulo, wala din naman itong magandang patutunguhan. i posted it out of rage siguro? ewan ko, nung mabasa ko yung post nya, can't help myself not to react... after some thinking, dinelete ko na. yun na nga, para wag nang lumaki pa ang gulo. anyway, we all have to move on naman. di naman ako mamamatay kung pababayaan ko na lang sya sa kung anuman ang gusto nyang sabihin about me. kagaya nga ng sinabi ko... gasgas na linya ng ito.. kung saan ka masaya, suportahan taka.

ok, so wazzup with me? 3 weeks na akong bakasyon! yung boss ko kasing koreano na umuwi ng korea noong nakaraang new year ay hindi pa umuuwi. sabi nya, tatawagan na lang daw nya ako pag-uwi nya by January 10. pero hanggang ngayon, di pa sya umuuwi. tinawagan nya ako kahapon, next week pa raw ang uwi nya. so i've decided na dito na lang muna ako sa batangas. next week pa ako magwowork sa kanya... kung sa kanya pa nga ako magwowork. hehehe. nito kasing mga nakaraang araw na wala akong magawa ay itinuloy ko rin ang pag-aapply sa ibang company, sayang naman, baka mas maganda yung opportunity sa iba. tutal naman ay wala pa akong pinipirmahan dito sa koreano kong boss. i will have my final interview sa isang japanese company on saturday. kung matanggap ako doon at mas maganda yung offer, hindi naman siguro masama na pag-uwi ni korean boss, kakausapin ko sya para magpaalam. anyway, hindi pa rin naman sure si japanese, wala lang, gusto ko lang makasiguro sa kinabukasan ko habang bata pa at mabenta pa.. hahaha

lovelife? hindi ko masyadong ibinablog ang lovelife ko dito. alam nyo na, parang artista.. i also need some privacy pagdating sa ganyang mga bagay. hahahaha! tama na siguro yung konting mga parinig at pasaring... hehehe.

yung title ng post ko, yan kasi ang pinapanood ko ngayon sa gma 7 at this point in time.

para sa special person sa buhay ko ngayon... see you soon! text text na lang, ok? 4056830968.

yun lang!

Tuesday, January 17, 2006

moving on

for that special person that i just met and get along with recently... you know who you are...

I call you and you call me
It's funny how we get on so easily
We're just friends aren't we
You've got yours, I've got mine
And friends are all we ever could be

( But ) We're getting to know each other
A little too well
( Getting to know each other )
( A little too well )
We're starting to show our feelings
And people can tell
( Ooh, people can tell )
Ev'ry time that your eyes meet mine
I light up like a neon sign
Yes, We're getting to know each other
A little too well...
( Getting to know each other )
( A little too well... )

excerpt from Getting To Know Each Other
by Ariel Rivera

to lighten things up here... download this video and see my nieces have fun with the webcam.. hahahaha! pati pala ako, kasali dyan.. hahaha. kailangan, may sounds para masaya. yun lang!

Sunday, January 15, 2006

sabado night

kagabi, nagkita-kita ang mga magagaling na computer engineer ng batangas.. hahaha. dumating kasi ang barkada naming si owen galing sa nigeria. kaya hayun, nag get-together ulit ang barkada. lahat kami, graduated on the same school, computer engineer nga. lahat naman ay nakapasok sa IT industry, iba't ibang specialization, from lotus notes, to networking, web programming to blogging... hehehe.

medyo iba na lang ang setup, kasi, nag-asawa na si owen... iblinog ko pa nga yung about sa kasal nya... tinatamad na lang akong ilagay yung link... halukayin nyo na lang yung archives.. hahaha! iba yung setup, kasi, sa halip na bahay nilang nakasanayan naming puntahan, syempre, doon na kami ngayon sa tinitirahan nilang apartment sa isang subdibisyon sa batangas city, malapit sa sm batangas. pagdating namin doon, kagaya ng dati... inumpisahang laruin ang pambansang laro ng barkada... hahaha. Playing Tekken 5 on PS2. para kaming mga bata.

kainan, kwentuhan, lokohan at picturan. yung isa naming kabarkadang nasa saudi ngayon, nag-online at nakijoin din sa amin thru yahoo messenger. nasa saudi kasi sya, 2 years ang contract. may natitira pang 17 months na lang daw... hayun, pinaiyak namin.. hahaha. syempre, nahomesick ang loko, yahoo chat with voice and webcam pa naman sya... nagtatawanan na lang kami kapag nakikita naming umiiyak na ang loko.. hahaha.

nagpaalam kami kay owen around 10PM na yata. isinasama pa namin sya sa gimikan, kaso, di na yata pwede. gabi na kasi, magagalit na si misis... hehehe. sabi nga nila... may laban pa daw kasi.. hehehe. babalik na kasi sya sa nigeria on wednesday, kailangang sulitin ang mga natitirang gabi... hahahaha!

nagtuloy ang barkada sa starbucks sa sm batangas. gabi na yun, pero open pa, at meron pang tumutugtog na banda doon sa parking space ng sm, maraming tao. pagdating sa starbucks, kwentuhan lang ulit... until mapansin namin na south border pala yung bandang tumutugtog. hayun, sa halip na pauwi na kami... nanood pa hanggang sa matapos.

ito pala ang isa sa mga pictures... they are (from left to right, nasa taas muna bago nasa baba)... cris, owen, ron, leoncio, excel, nanad, morlan at uknowho. hehehe.


yun lang!

hindi ako Dyos

ganun pala ano? after the break-up, at hindi maganda yung dahilan ng break-up, lalo na at ikaw ang nakipagbreak, kung ano-anong parinig ang gagawin sa iyo. na kesyo hindi ka raw marunong magpatawad, etc.. etc. ikumpara ba ako sa Dyos? ang Dyos nga raw, nakakapagpatawad, ako pa? eh yun nga eh, hindi naman ako Dyos eh, and you cannot just forgive a person ng ganun-ganun na lang, lalo na kung niloko ka at pinagmukhang tanga sa medyo mahabang panahon. darating din yung time na mapapatawad ko sya, pero ngayon, ganun kabilis? time will heal all wounds.... yeah, but it takes time. i can forgive her... but to bring back the trust just like before at balikan ko sya? hindi na mangyayari yun. mahirap daw magsalita ng tapos... pero sasabihin ko.. TAPOS. hindi na mangyayari yun. buti na lang at hindi ako padalus-dalos ng pagdedesisyon, kung nagpakasal kaagad ako, e pano ngayon, annullment? pwede siguro, yung ginawa nya kasi sa palagay ko is a ground for annullment. pero buti na lang, habang maaga, natuklasan ko. hindi ko na kailangang bumayad pa ng abogado.. hehehe.

anyway... this will be the last. i don't want to talk about this anymore. magparinig ka na kung gusto mong magparinig. isulat mo nang lahat nang gusto mong isulat. and be happy, kung dyan ka masaya, suportahan taka!

yun lang.

Friday, January 13, 2006

600

this is my 600th post. naalala ko lang... dahil sa skyflakes diet... i lost 5 kilograms... that's 11 pounds! nagulat lang ako... kasi, 90 kgs ako... after 1 week, 85 na lang. wala lang.. wala naman akong balak magpapayat... skyflakes diet? kasi, wala lang, trip ko lang kumain ng skyflakes sa halip na magtanghalian or maghapunan. parang gusto kong subukan yung kay jaycee parker... pancit canton diet naman... hahahaha. buti na lang, maganda sya... naalala ko na naman si mel tiangco.

malas nga ba ang friday the 13th? nasa tao yan... nagkakataon lang. bakit, wala bang minamalas ng friday the 12th? kung lahat ng araw, swerte at friday the 13th lang may minamalas, malas talaga yun. kaso, hindi naman eh. ang kamalasan ay dumarating sa kahit kaninuman friday the 13th man o hindi.

yun lang !

coke

nung isang araw, pag-uwi ko sa boarding house, may bagong kalendaryo... beer na beer yata yun, so, what do you expect.. a picture of someone on her two-piece bikini. ok, oo na, si cheska garcia sya... ang comment ko.... wow... ang ganda ng katawan, ang puti... kaso, korteng coke sya.. sexy?? nope..... korteng coke in can.. hahahaha!

wala lang... napasipag lang magpost... namiss kong magblog eh!

sidemirror

while talking to someone for an EB...

saan ako magpapark dun? pwede ba sa tabi ng kalye?... oo, pwede dun.... di ba delikado dun? baka pagtingin ko, wala na yung sidemirror ko... i mean, sidemirror ng kotse ko.... hindi, safe dun..... sabagay... mas mabuti na yun, kesa naman pagtingin ko, sidemirror na lang ang natira... hahahaha!

yun lang!

gameknb magpakailanman

kung ako lang yung nasa gameknb kanina... one million pesos richer na ako ngayon! hindi na ako pupunta sa tarantarium at sasagutin ko si kris directly... FRIDAY.. sure na! hahaha! natatawa talaga ako, ang dali nung tanong, napakaobvious nung sagot kahit noon ko lang din narinig yung term. ewan, siguro, kapag andun na, iba rin yung pressure. ano bang tanong? ano daw ang ibig sabihin ng paraskevi sa term na paraskevidekatriaphobia. dekatria... obvious na 13. e friday the 13th ngayon... una ko pa lang nakita,naisip ko na kagad , fear of friday the 13th yun, and paraskevi means friday. ewan ko, sana, kung makasali ako dun, yun ulit ang itanong... hahahaha!

mga natutunan ko sa gameknb lately... ang middle name ni andres bonifacio ay de castro. birch tree ang karaniwang ginagamit sa paggawa ng toothpick. ang salitang janitor ay galing sa greek God na si Janus.

about sa magpakailanman kagabi... yung buhay ni jaycee parker. natawa ako sa sinabi ni mel tiangco... "ang hirap pala ng pinagdaanan mo... buti na lang at maganda ka"... hahahaha. ang dating sa akin ng sinabi nya, pasalamat ka at maganda ka, kung pangit ka, napakamalas mo na.. hahaha. nag-iisip ako ngayon? ano kayang brand ng pancit canton ang kinain nya nung magpancit canton diet sya? hehehe.

yun lang!

Thursday, January 12, 2006

sari-sari

someone asked me... life sucks, is it true? sabi ko... kung linta ka.. it's true, habambuhay kasi, they suck.

someone asked me... saan ka nakatira? i answered... 165 ilat south, san pascual, batangas, philippines, south east asia, earth, solar system, milky way galaxy, universe. yan ang complete address ko. hehehe.

nalilibang akong manood ng jewel in the palace... kaso lang, pagkatapos manood, nakakagutom. kung pwede lang sanang makitikim doon sa mga niluluto ni jang geum eh. hahahaha! sabi sa balita, dumami raw ang nagpupunta sa mga korean restaurant dahil sa palabas na yun... hhmmm, subukan ko rin nga sa isang araw. ang gusto kong matikman, yung ligaw na berry at yung sabaw ng miso nila.. hahahaha.

single and available

i am officially single... and available. i don't want to elaborate... basta ang sa akin lang, if I can't trust you anymore... how could I love you? ang tiwala, kapag nawala... babay na.

Sunday, January 08, 2006

i am infected

parang virus na kumakalat ang tag na ito... at ako ay isa ring biktima... at ang nakahawa sa akin... dalawa pa! si coin operated boy at si des. at dahil dito, manghahawa na rin ako.. pero bago ako manghawa e sasagutan ko muna syempre. here it goes..

Rules:

* The tagged victim has to come up with 8 different points of their perfect lover/partner.
* Need to mention the sex of the target.
* Tag 8 victims to join this game & leave a comment on their Comments saying they've been tagged.
* If tagged the 2nd time, theres no need to post again.

Target: Female Homo Sapiens

* physically - basta mukhang babae... ang sama naman kasi na ang gf mo, mas mukha pang lalake sayo.. hahaha.
* emotionally - marunong mag-emote? hahaha. basta she can express her feelings, ok na yun.
* psychologically - tama si des... dapat, psychologically stable. hindi psychotic.
* spiritually - dapat, kilala nya kung sino ang Dyos ko, or she's willing to listen, hindi sarado ang utak pagdating sa pananampalataya.
* mentally - marunong mag-isip.. mentally stable.. hahaha. basta nakakaintindi ng aking sinasabi, ok na sa akin, mahirap naman na pati ako, hindi nya maintindihan. basta kailangan, ganun... ibig sabihin ko, pareho kaming mag-isip.
* financially - wala akong paki, mayaman man o mahirap, basta marunong maghawak ng pera.
* socially - marunong makipagkapwa tao, pero hindi plastik.
* others - i can put my trust on her. o, iba iniisip ng mga berde ang utak dyan.. hahaha. dapat, mapagkakatiwalaan. yun na yun!

hayan, tapos na.. manghahawa na ako. at ikinakalat ko ang tag na ito kay... ewan ko.. lahat na ata, nakapagsagot eh. yung hindi na lang nakapagsagot, sya na lang ang magsagot. ok? ok

that's all folks!

Saturday, January 07, 2006

para sa mga wrestling addict

para sa mga fans ng WWE sa pilipinas kagaya ko... i think, this is a once in a lifetime chance, ang mapanood sila ng live! matagal na ulit bago sila bumalik dito, so, sasamantalahin ko na ang pagkakataon. magpapareserve na talaga ako ng ticket, doon sa unahan.. P3500 lang naman ang pinakamahal, gagawa ako ng malaking banner para siguradong makita nyo ako doon.. hahahaha.

here is the link ng sinasabi kong ito!!! sa mga WWE fans, kita kits na lang tayo sa araneta sa feb 24!!!

yun lang!

update!!! mahal pala ng ticket..di lang pala 3500. nagcheck ako sa ticketnet... eto, ang mahal, Php 10,000!!! pero gusto ko pa rin sa ringside!!! putek... kailangan ko nang maningil ng pautang... hahaha!

banyo queen

nakakatawa ang balita kanina sa channel 2... imelda papin, nadulas sa banyo! talagang wala na ata silang maibalitang maganda at pati naman yung pagkadulas ni imelda papin ay ibalita pa? hahaha. ako, ilang beses nang nadulas sa banyo, di man lang nabalita... hahaha. a ewan, mga baliw sila.. hehehe.

food for thought...habang buhay pa sila at malakas, tell them that you love them... hindi na nila maririnig ang inyong mga iyak at sigaw nang i love you kung sila ay malamig na bangkay na. ano bang sinasabi ko? wala lang. this is the reason na kapag nakadama ako ng pag-ibig, di ko na inililihim pa, time is gold, ika nga, e kung mamatay na ako bukas, e di hindi nila nalaman na mahal ko pala sila. hahaha. hay, puro kamatayan ata laman ng utak ko ngayon. wala lang, nalungkot lang ako kasi naalala ko ang tiyo ko, kasama pa namin sya last 2005, ngayon, wala na sya.

advanced happy valentine's day sa inyong lahat!

Thursday, January 05, 2006

white board eraser

babay na... aalis ka na.. babay na rin ba... sa ating alaala? wala lang, kumakanta lang ako. hehehe.

just an update with my mom, ok na sya. magaling yung ipinainom sa kanyang gamot. ang akala naming sandamakmak na nana (kasi naman ay kulay green) ay natuyong balat na lang pala. wala nang impeksyon. nilinis na lang daw at kinalikot nung doktor yung paa nya, sabi nung tiya ko na sumama na pinanood mismo ang ginagawa. hindi ko yata kayang manood nun, mother ko nga, hindi makatingin eh. matapos mapanood, sukat ikwento pa sa amin ang buong detalye... hehehe.

ok, now, an update with myself. 2006 na, buhay pa ako!!! nagpunta pala ako sa enchanted kingdom nung isang araw. first time sumakay ng space shuttle... grabe to the maximum power ang feeling. nagsisi muna nga ako ng mga kasalanan ko bago ako sumakay doon.. hahaha. parang ewan ko! masayang mamatay dun!! hehehe, ok lang. payo ko lang sa mga pupunta dun, unahin nyo munang sakyan yung mga simpleng rides, kasi, kapag inuna nyo yung space shuttle, wala nang thrill sakyan yung iba, kasi naman, yun na ang pinaka sa lahat. maganda yung 4D movie nila, bitin nga lang, masyadong maigsi.

about sa title ng post.. wala lang, yan lang yung words na nakita ko nung lumingon ako sa kaliwa. nasa tabi kasi ako ng white board.

ang bilis ng araw nga naman, nung isang linggo ay 2005 lang, 2006 na ngayon. hahaha!!!

Monday, January 02, 2006

year of the fire dog

kita nyo yang post ko nung january 2? delayed na nga, nag-advertise pa sila.. hahaha! dati, real time, pagkasend ko ng post sa cellphone ko, andyan na kaagad, nakapost na. isinend ko yan 10:00PM ng december 31... january 2 pa nakarating! hahaha! naligaw siguro, natraffic, hindi malaman kung saan ang kanyang destinasyon sa lakas ng putukan nung new year. hehehe.

anyway.. ito talaga ang una kong post for the year 2006. delayed nga kasi yan. hindi ko aalisin, souvenir ng smart para sa akin.. hehehe. ang daming pangyayaring naganap... ano ba? syempre, kumpleto ang aming pamilya except for my father na andun sa bahrain. umuwi ang kuya ko kasama ang kanyang pamilya. kumpleto ang aking mga pamangkin. ang daming handa! nakakaasar lang dahil hindi talaga ako pwedeng kumain ng marami, lalo na nung fruit salad at leche flan na dala ng kapatid ko! di kasi sya diabetic.. tsk tsk tsk. ang dami ding dalang paputok, sigaw nga nung kapitbahay namin sa kapatid ko nung nagpapaputok na sya... "parang may pabrika kayo ng paputok ah" hahahaha! dami kayang binili... ako, hindi humawak ng paputok, kahit isang beses. katwiran ko... mahirap nang maputukan, kailangan, kumpleto ang daliri ko for the rest of my life... mahirap kayang pumindot sa keyboard kapag putol na ang daliri, eh di hindi na ako makakapagcode, hindi na makakapagprogram, at higit sa lahat, hindi na makakapagblog! hehehe. wala naman yan sa lakas ng paputok, nasa nagpapaputok yan. kahit gaano kalakas ang paputok mo, kung tamad naman yung nagpapaputok, mailap pa rin ang swerte. agree? disagree? i don't care.. hehehe

bad news...

nayayamot talaga ako sa sakit na diabetes. grabe na ito! my mother will go an operation tomorrow. namaga kasi yung isa nyang paa. ang laking paga, after ilang days, nagnana na ang loob. dinala namin sa doktor, binigyan ng antibiotic. isang lingguhang gamutan. nawala ang sakit. pero may nana pa rin. kahapon, pumutok na sya. dinala ulit namin sa doktor... ipapaopera na daw. wag daw mag-alala, lilinisin lang daw, aalisin yung nana. di naman daw mapuputol. sana naman, ganun nga lang yun. ang dahilan ng pamamaga.. sabi nung doktor... nagbara daw kasi yung ilan sa mga ugat sa paa ng mother ko... hindi na magcirculate yung blood dahil nga ng blood sugar... kaya hayun, namaga at nagkanana. sana nga, maging maayos ang lahat. sana...

new year


Happy New Year sa inyong lahat!!!

-----
To know more about textmail, visit http://www.mysmart.com.ph/