babay na... aalis ka na.. babay na rin ba... sa ating alaala? wala lang, kumakanta lang ako. hehehe.
just an update with my mom, ok na sya. magaling yung ipinainom sa kanyang gamot. ang akala naming sandamakmak na nana (kasi naman ay kulay green) ay natuyong balat na lang pala. wala nang impeksyon. nilinis na lang daw at kinalikot nung doktor yung paa nya, sabi nung tiya ko na sumama na pinanood mismo ang ginagawa. hindi ko yata kayang manood nun, mother ko nga, hindi makatingin eh. matapos mapanood, sukat ikwento pa sa amin ang buong detalye... hehehe.
ok, now, an update with myself. 2006 na, buhay pa ako!!! nagpunta pala ako sa enchanted kingdom nung isang araw. first time sumakay ng space shuttle... grabe to the maximum power ang feeling. nagsisi muna nga ako ng mga kasalanan ko bago ako sumakay doon.. hahaha. parang ewan ko! masayang mamatay dun!! hehehe, ok lang. payo ko lang sa mga pupunta dun, unahin nyo munang sakyan yung mga simpleng rides, kasi, kapag inuna nyo yung space shuttle, wala nang thrill sakyan yung iba, kasi naman, yun na ang pinaka sa lahat. maganda yung 4D movie nila, bitin nga lang, masyadong maigsi.
about sa title ng post.. wala lang, yan lang yung words na nakita ko nung lumingon ako sa kaliwa. nasa tabi kasi ako ng white board.
ang bilis ng araw nga naman, nung isang linggo ay 2005 lang, 2006 na ngayon. hahaha!!!
2 comments:
yan ba yung parang gagawin kang tirandor.. huwaaa! nakakatakot talaga yan!!
pero pag nagkachance ulit ako ng pumunta sa ek.. sasakyan ko ulit yon.. hehe!
nagkapa henna tatoo nga ako dun,.
enjoyyy!
space shuttle!? wagi nga sa lahat ng rides yan!! nung last ek trip ko, nag-tatlong space shuttle in a row ako, hehe. kaaddict yung adrenalie rush. tas 2x naman sa anchor's away. adik rin eh! :)
Post a Comment