Monday, January 02, 2006

year of the fire dog

kita nyo yang post ko nung january 2? delayed na nga, nag-advertise pa sila.. hahaha! dati, real time, pagkasend ko ng post sa cellphone ko, andyan na kaagad, nakapost na. isinend ko yan 10:00PM ng december 31... january 2 pa nakarating! hahaha! naligaw siguro, natraffic, hindi malaman kung saan ang kanyang destinasyon sa lakas ng putukan nung new year. hehehe.

anyway.. ito talaga ang una kong post for the year 2006. delayed nga kasi yan. hindi ko aalisin, souvenir ng smart para sa akin.. hehehe. ang daming pangyayaring naganap... ano ba? syempre, kumpleto ang aming pamilya except for my father na andun sa bahrain. umuwi ang kuya ko kasama ang kanyang pamilya. kumpleto ang aking mga pamangkin. ang daming handa! nakakaasar lang dahil hindi talaga ako pwedeng kumain ng marami, lalo na nung fruit salad at leche flan na dala ng kapatid ko! di kasi sya diabetic.. tsk tsk tsk. ang dami ding dalang paputok, sigaw nga nung kapitbahay namin sa kapatid ko nung nagpapaputok na sya... "parang may pabrika kayo ng paputok ah" hahahaha! dami kayang binili... ako, hindi humawak ng paputok, kahit isang beses. katwiran ko... mahirap nang maputukan, kailangan, kumpleto ang daliri ko for the rest of my life... mahirap kayang pumindot sa keyboard kapag putol na ang daliri, eh di hindi na ako makakapagcode, hindi na makakapagprogram, at higit sa lahat, hindi na makakapagblog! hehehe. wala naman yan sa lakas ng paputok, nasa nagpapaputok yan. kahit gaano kalakas ang paputok mo, kung tamad naman yung nagpapaputok, mailap pa rin ang swerte. agree? disagree? i don't care.. hehehe

bad news...

nayayamot talaga ako sa sakit na diabetes. grabe na ito! my mother will go an operation tomorrow. namaga kasi yung isa nyang paa. ang laking paga, after ilang days, nagnana na ang loob. dinala namin sa doktor, binigyan ng antibiotic. isang lingguhang gamutan. nawala ang sakit. pero may nana pa rin. kahapon, pumutok na sya. dinala ulit namin sa doktor... ipapaopera na daw. wag daw mag-alala, lilinisin lang daw, aalisin yung nana. di naman daw mapuputol. sana naman, ganun nga lang yun. ang dahilan ng pamamaga.. sabi nung doktor... nagbara daw kasi yung ilan sa mga ugat sa paa ng mother ko... hindi na magcirculate yung blood dahil nga ng blood sugar... kaya hayun, namaga at nagkanana. sana nga, maging maayos ang lahat. sana...

8 comments:

JO said...

hi marhgil,

hope the operation will be a success... will be praying for your mother.

Anonymous said...

ganyan din ang dad ko. diabetic din kasi. namamaga rin yung paa nya kapag hindi nya minomonitor yung blodd sugar level nya at mataas. nangyari nga when we were there.

we will pray for your mom, marhgil.

anyway, did you receive my gift na? via courier yon hindi sa post office.

Anonymous said...

Hope ur mom will get well soon pare.

Unknown said...

Totoo yan. Diabetes runs in our family too. My father has it and his right 4th toe was amputated because of it. Sabi nga nila, sakit daw yan ng mayayaman. Totoo rin kasi ang mahal magpagamot. For life and maintenance. Tapos marami pa pwedeng complications. Tapos pati pagkain kelangan special at maingat dapat lesser salt and no sugar. Hirap talaga. Hope your mother gets well soon!

Anonymous said...

hi, marhgil. happy new year! will be praying for you and your family, esp ur mom. ingat palagi.

Anonymous said...

Hi, Marhgil! Happy New Year! I hope your mom will be A-okay after the operation. My in-laws are diabetic too. My father in-law just had his 4th (!!) leg operation last month. Good thing, the operation saved him from the amputation. Kakaawa talaga lalo na ang matatanda.

Let's take care of our health. We just have to.

Ingatz palagi!

Mayet said...

God bless sa mama mo at happy new year na rin sayo pareng marhgil :D

Yen Prieto said...

i hope ur mom gets better.. ill pray for her..

god bless :)