Sunday, January 15, 2006

sabado night

kagabi, nagkita-kita ang mga magagaling na computer engineer ng batangas.. hahaha. dumating kasi ang barkada naming si owen galing sa nigeria. kaya hayun, nag get-together ulit ang barkada. lahat kami, graduated on the same school, computer engineer nga. lahat naman ay nakapasok sa IT industry, iba't ibang specialization, from lotus notes, to networking, web programming to blogging... hehehe.

medyo iba na lang ang setup, kasi, nag-asawa na si owen... iblinog ko pa nga yung about sa kasal nya... tinatamad na lang akong ilagay yung link... halukayin nyo na lang yung archives.. hahaha! iba yung setup, kasi, sa halip na bahay nilang nakasanayan naming puntahan, syempre, doon na kami ngayon sa tinitirahan nilang apartment sa isang subdibisyon sa batangas city, malapit sa sm batangas. pagdating namin doon, kagaya ng dati... inumpisahang laruin ang pambansang laro ng barkada... hahaha. Playing Tekken 5 on PS2. para kaming mga bata.

kainan, kwentuhan, lokohan at picturan. yung isa naming kabarkadang nasa saudi ngayon, nag-online at nakijoin din sa amin thru yahoo messenger. nasa saudi kasi sya, 2 years ang contract. may natitira pang 17 months na lang daw... hayun, pinaiyak namin.. hahaha. syempre, nahomesick ang loko, yahoo chat with voice and webcam pa naman sya... nagtatawanan na lang kami kapag nakikita naming umiiyak na ang loko.. hahaha.

nagpaalam kami kay owen around 10PM na yata. isinasama pa namin sya sa gimikan, kaso, di na yata pwede. gabi na kasi, magagalit na si misis... hehehe. sabi nga nila... may laban pa daw kasi.. hehehe. babalik na kasi sya sa nigeria on wednesday, kailangang sulitin ang mga natitirang gabi... hahahaha!

nagtuloy ang barkada sa starbucks sa sm batangas. gabi na yun, pero open pa, at meron pang tumutugtog na banda doon sa parking space ng sm, maraming tao. pagdating sa starbucks, kwentuhan lang ulit... until mapansin namin na south border pala yung bandang tumutugtog. hayun, sa halip na pauwi na kami... nanood pa hanggang sa matapos.

ito pala ang isa sa mga pictures... they are (from left to right, nasa taas muna bago nasa baba)... cris, owen, ron, leoncio, excel, nanad, morlan at uknowho. hehehe.


yun lang!

4 comments:

yen said...

ang saya naman.. natawa naman ako at pinaiyak nio tlga ung tropa nio sa saudi ah haha! ganyan dn kmi pg ngkakasama2 ng tropa ko pro mahirap n nga hagilapin ung iba, lalu n ung mga may asawa na.. minsan ksma p ung baby sa lakwatcha hehe.

Joy said...

Marhgil, hindi lang pala kayo magagaling, mga gwapo pa!

South Border?? Di ba ang vocalist nila ay iyong mahaba ang buhok na ang pangalan ay Joey? Solid pa pala ang grupo nila. I liked their songs way back then.

Yun lang! :-)))

VemSan said...

grabe kinasal na pla si sir owen... di man lang ako hinintay...harharhar

hi sir marhgil! bored na naman po ako.. =)

starrfish said...

hello! wow, yung sa pic.. iba ka talaga kuya! kitang-kita! angat ka sa iba!