Tuesday, January 24, 2006

what if everyday is pacquiao day?

zero daw ang crime rate sa pilipinas from 10AM to 3PM noong nakaraang linggo, dahil sa laban ni pacquiao. lahat ng uri ng tao ay nakatutok sa tv, magnanakaw, mandurukot, bata, matanda, holdaper, snatcher, rapist at kung ano ano pa. hehehe. kakaiba talaga, galing mo talaga pacquiao!

imagine philippines kung araw-araw ay may laban si pacquiao? una, walang traffic. lahat ng tao ay nasa kani-kanilang bahay, nanonood ng tv. wala ring bumabyahe, kasi, yung mga driver ay nanonood rin. lalong yayaman ang may-ari ng SM, biruin nyo naman, araw-araw sold out ang ticket na 300 pesos. titigil ang bangayan ng mga pulitiko. wala nang oposisyon at administrasyon. lahat, pro pacquiao. wala nang krimen sa bansa, kagaya nga nasabi ko sa unahan, lahat ay tumigil ang mundo, ang magnanakaw ay hindi na nagnakaw, ang mandurukot ay hindi na mandurukot, etc. etc... anong mangyayari sa pilipinas? uunlad ang pilipinas dahil sa tax na ipapasok ng laban ni pacquiao. hehehe. araw-araw, ikaw na ang kumita ng guaranteed $2M dollar. magiging mabenta ang alaxan, no fear shirts, at kung ano ano pang produkto na ineendorso ni pacquiao. magiging national anthem ng pilipinas ang para sayo ang laban nato... aangat ang music industry, milyon-milyong kopya ang mabebenta, lahat, original cd. wala na kasing time mamirata ang mga namimirata, kasi nga, busy sa panonood ng laban ni pacquiao. babagsak ang movie industry, kasi, lahat na lang ng sinehan, laban ni pacquiao ang palabas, sino pang gustong gumawa ng pelikula? hahaha. wala nang manila film festival. malulugi si mother lily.. hahaha. mawawala na ang wowowee... conflict kasi yung schedule sa laban ni pacquiao. sa wakas, matatalo din ng abs-cbn ang eat-bulaga. hahaha! wala nang pakialam ang pilipinas tumaas man ang presyo ng gasolina... wala na kasing aalis ng bahay, lahat, nakatutok sa laban ni pacquiao. tama na, puro kabaliwan na itong sinusulat ko... hahaha!

kung pwede lang sana na ang mga pilipino ay laging kagaya noong linggo. nagkakaisa, walang bangayan, lahat masaya. at least, nangyari ng isang beses. imposible naman kasi na araw-araw ay laban ni pacquiao, maawa naman tayo sa kanya... hehehe. napapagod rin yung tao. sana lang, magkaisa nang tuluyan ang mga pilipino, lalo na yang mga pulitikong wala nang ginawa kundi magbangayan.

yun lang.

2 comments:

Unknown said...

walang masyadong na-holdup nung laban ni pacquiao. nakatutok sa tv lahat eh. haha!

Anonymous said...

balita ko nga okei daw laban ni pacman..too bad wala kaming TFC eheheh kaya hanggang balita lang ako online! tsk tsk tsk