Tuesday, January 24, 2006

kwentong pacquiao

kwentong pacquiao pa rin. ikwento ko lang ang mga nangyari noong nakaraang linggo sa panonood ng laban ni pacquiao.

hindi ako umuwi ng batangas dahil kakaluwas ko lang nung byernes, so, sabi ko sa sarili ko, doon na lang ako sa boarding house manonood. kahit medyo may kaliitan yung tv. ang problema, noong linggo, bukod sa malabo, e kita mo pa yung kaluluwa ng mga tao. yun bang nagdodoble, para kang duling... hehehe. so problema nga ito. sinubukan kong panoorin yung mga unang laban, pero ang sama, hindi ko makita clearly kung sino ba ang tumatama. so sabi ko na lang sa sarili ko, mamaya, kapag laban na ni pacquiao, sigurado, manonood si landlord... hehehe, makikigulo na lang ako dun.

dumating nga yung oras ng laban, lumabas ako sa room namin at nakita ko nga, andun na ang mga kainuman ni landlord, magkakasamang nanonood sa kanyang tv. e di pumasok na rin ako ng bahay at nakigulo... hehehe. nung makita nga ako ay binigyan pa ako ng upuan.. syempre naman, loyal boarder for the past 2 years? hehehe.

maganda talaga yung laban. pati yung mga reaction ng manonood. sigawan everytime na ginagawang punching bag si eric morales. hehehe. napapaaray everytime na tinatamaan ng sunod sunod na suntok si pacquiao. nakakatuwa, as in, talagang bawat isa, kahit hindi sila yung nakikipagsuntukan, feel nila ay sila yung sinusuntok kapag tinatamaan si pacquiao.

nung pumasok si morales, pang mr. pogi ang dating, nung matapos ang laban, panghorror movie na. may mga SMS messages, napatumba raw ni pacquiao sa round 3, meron namang nagsabi na round 5, merong round 8 at merong round 10. since magkakaiba yung result ng text, ok lang.. meaning, puro yabang sila. though nalaman din namin na hanggang round 10 lang talaga nang tumawag yung kamag-anak ni landlord at sinabi sa amin ang result... detalyado pa... 2x daw matutumba si morales... hahaha. kaya nung dumating ang round 10, lahat ay tumutok na at inabangan na lang kung paano napatumba ni pacman si el terible. lahat nagsigawan sa tuwa nang for the first time in the history of morales career ay na knockout sya. hahaha! el terible.. el terible ang kinahinatnan nya. ang kanyang matangos na ilong, naging pango. ang kanyang makinis na mukha, naging bakubako, bukolbukol at kung ano ano pa. talagang naging panghorror movie ang mukha nya.

after the fight, bumalik sa room ko. tapos, natulog ng konti. nung magising, isinuot ang aking No Fear shirt at lumabas, gumala sa glorieta. hahaha. wala lang, nakakabato sa bahay eh.

yun lang.

2 comments:

Yen Prieto said...

ako walang napanood jan.. nasa ofc ako ng linggo at tinex lang sakin ng friend ko na nasa tate ang result.. ang saya2!! sana araw2 may laban nga c pacquiao pra manahimik ang sambayanang pinas hehe

Empress Kaiserin said...

iba naman... kwentong wrestling naman! ;)