Thursday, January 19, 2006

pinoy abroad

sa mga nakabasa at nagtaka kung bakit dinelete ko yung post ko entitled frenzy, well, dinelete ko na para huwag nang lumaki pa ang gulo, wala din naman itong magandang patutunguhan. i posted it out of rage siguro? ewan ko, nung mabasa ko yung post nya, can't help myself not to react... after some thinking, dinelete ko na. yun na nga, para wag nang lumaki pa ang gulo. anyway, we all have to move on naman. di naman ako mamamatay kung pababayaan ko na lang sya sa kung anuman ang gusto nyang sabihin about me. kagaya nga ng sinabi ko... gasgas na linya ng ito.. kung saan ka masaya, suportahan taka.

ok, so wazzup with me? 3 weeks na akong bakasyon! yung boss ko kasing koreano na umuwi ng korea noong nakaraang new year ay hindi pa umuuwi. sabi nya, tatawagan na lang daw nya ako pag-uwi nya by January 10. pero hanggang ngayon, di pa sya umuuwi. tinawagan nya ako kahapon, next week pa raw ang uwi nya. so i've decided na dito na lang muna ako sa batangas. next week pa ako magwowork sa kanya... kung sa kanya pa nga ako magwowork. hehehe. nito kasing mga nakaraang araw na wala akong magawa ay itinuloy ko rin ang pag-aapply sa ibang company, sayang naman, baka mas maganda yung opportunity sa iba. tutal naman ay wala pa akong pinipirmahan dito sa koreano kong boss. i will have my final interview sa isang japanese company on saturday. kung matanggap ako doon at mas maganda yung offer, hindi naman siguro masama na pag-uwi ni korean boss, kakausapin ko sya para magpaalam. anyway, hindi pa rin naman sure si japanese, wala lang, gusto ko lang makasiguro sa kinabukasan ko habang bata pa at mabenta pa.. hahaha

lovelife? hindi ko masyadong ibinablog ang lovelife ko dito. alam nyo na, parang artista.. i also need some privacy pagdating sa ganyang mga bagay. hahahaha! tama na siguro yung konting mga parinig at pasaring... hehehe.

yung title ng post ko, yan kasi ang pinapanood ko ngayon sa gma 7 at this point in time.

para sa special person sa buhay ko ngayon... see you soon! text text na lang, ok? 4056830968.

yun lang!

2 comments:

Coin Operated Boy said...

di mo pa pla masyadong binoblog ung lovelife mo ha, pano pa kya kung ginawa mo na yun haha... kainggit ka boy todo relax, kami lagare dito.. painom ka may utang kpa samen :-)

lukin4gf said...

ayos yan, magandang salubong ke Boss yan ha ha ha.

Tipong, "Boss, how was your flight? BTW, I'm planning to resign". Ako din eh, nagpaplanong lumipat ng kompanya.