ganun pala ano? after the break-up, at hindi maganda yung dahilan ng break-up, lalo na at ikaw ang nakipagbreak, kung ano-anong parinig ang gagawin sa iyo. na kesyo hindi ka raw marunong magpatawad, etc.. etc. ikumpara ba ako sa Dyos? ang Dyos nga raw, nakakapagpatawad, ako pa? eh yun nga eh, hindi naman ako Dyos eh, and you cannot just forgive a person ng ganun-ganun na lang, lalo na kung niloko ka at pinagmukhang tanga sa medyo mahabang panahon. darating din yung time na mapapatawad ko sya, pero ngayon, ganun kabilis? time will heal all wounds.... yeah, but it takes time. i can forgive her... but to bring back the trust just like before at balikan ko sya? hindi na mangyayari yun. mahirap daw magsalita ng tapos... pero sasabihin ko.. TAPOS. hindi na mangyayari yun. buti na lang at hindi ako padalus-dalos ng pagdedesisyon, kung nagpakasal kaagad ako, e pano ngayon, annullment? pwede siguro, yung ginawa nya kasi sa palagay ko is a ground for annullment. pero buti na lang, habang maaga, natuklasan ko. hindi ko na kailangang bumayad pa ng abogado.. hehehe.
anyway... this will be the last. i don't want to talk about this anymore. magparinig ka na kung gusto mong magparinig. isulat mo nang lahat nang gusto mong isulat. and be happy, kung dyan ka masaya, suportahan taka!
yun lang.
1 comment:
nakarelate dw ako bgla.. bsta i agree w/ everything u wrote. like i said in my blog, mapapatawad ko dn cguro ung ex ko na niloko dn ako ng mejo mahabang panahon, darating dn ung time na yun. hndi porket humingi ng tawad ay obligado tayong magpatawad. yun lang. at ako dn magsa2lita n ng tapos... TAPOS NA! haha!m nakigaya daw! nice 2 hear ur doin good, though!...
Post a Comment