Sunday, December 11, 2005

sunday post

talo ang bet ko sa pbb, pero ok lang. 2nd naman sya.. hehehe. and nene deserves to win. nagulat ako, biglang ipinakita yung total votes sa halip na percentage lang kagaya ng nakaugalian nila. buti naman.

bukas, lunes, hindi muna ako luluwas ng manila. dito na lang muna ako sa batangas. dito ko na lang gagawin yung project ko. sa wednesday na lang ako punta sa manila.

nanonood ako ng rated K sa channel 2, biglang naisip ko, makapagsideline din nga. santa claus for hire. hehehe. kaso, ang mura naman ng bayad, 200 per day.

nagpunta kami kanina doon sa kapatid ko sa lipa, para mabisita na rin ang pamangkin ko. habang tumatagal, gumagwapo si totoy, mana ata sa tito aga nya. hehehe. ito ang latest picture nya...



namamana ang kagwapuhan... hehehe!!!



4 comments:

tin said...

oo nga eh. actually, day 1 pa lang, may feeling ako na si nene ang mananalo. gusto ko sya.

pero syempre, may soft spot ako para kay jason. kababayan eh. tsaka, he seems to be a really really nice guy talaga. sobra akong proud sa kanya! =)

starrfish said...

yahoooo!! im so happy! bet ko kasi talaga si nene eversince!!!

but then again, jason is my 2nd choice!.

don't worry kuya, marami namang offers si jason e. sa comedy, sa soap.. si nene, heard ko, hirap daw sya i-package.. kaya OKs na rin na sya ang nanalo...

velvet said...

lungkot nga kme ng pamangkin ko, ndi c jayson ang big winner... but its okay!

nene deserves to be the winner (sabi nila-bitter kasi 2nd place lng c jason... hehehe)

Anonymous said...

Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!