Wednesday, December 14, 2005

traffic at gameknb

andito na ako sa manila. umalis ako ng 1:30PM, andito na ako around 4:30PM, dumiretso na ako sa nagpapaoutsource sa akin. tatlong oras din na byahe, traffic kasi. may aksidente sa SLEX, may nabanggang kotse, ewan ko lang kung anong lagay nung driver, may ambulansya eh. yung kotse, wasak na wasak. tatlong beses na nagpa-ulit-ulit yung ultraelectromagneticjam habang nagdadrive ako at naipit sa traffic. buti at hindi sila namalat sa kakakanta. syempre, yun muna ang pinakinggan ko, itinago ko muna yung halina sa parokya at mga album ng mymp at pinagsawaan nga ang album na yun. hindi pa rin ako sawa... hehehe.

kanina, nanonood ako ng gameknb, tapos, pinalipat nung mother ko sa channel 7, sa eat bulaga, may kilala daw kasi syang kasali ngayon sa laban o bawi. pag lipat ko sa eat bulaga... may game show sila. hindi ko alam kung anong title. since hindi pa naman laban o bawi, sabi ko sa mother ko, ilipat ko muna sa gameknb. wala kasing kabuhay-buhay maghost si joey de leon. ewan ko, nakakaantok eh. ibang-iba dun sa paghohost ni kris sa gameknb. siguro nasanay lang ako sa paghohost ni kris?? siguro nga.

1 comment:

yen said...

sori bt i dnt like kris.. pro i dnt hate her, ang dal2 nia kc masyado e hehe.. laging may opinyon s lahat ng bagay hehe.. pro in fairness ok tlga ciang host.. at open tlga cia public eh, lahat alam ang buhay nia hehe