This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Friday, December 23, 2005
crazy in love
i don't post articles of this kind here in my blog, pero hindi ko na kaya. i need to release this, kung hindi, baka maloko ako. the identity of the person involved was kept secret, sa akin na lang yun. anyway, she knows who she is. ok? ok. senti mode ako ngayon...
nakilala ko sya sa blogworld. the usual link exchange after nyang madalaw sa blog ko. and then, from blogmates, we became chatmates. and then, naging textmates.
first time naming nagkita, sabi ko sa sarili ko... maganda sya. this will not be the last na magkikita kami. after naming magkita, tuloy ang texting at chatting nang mga sumunod na araw. and then, sunod naming pagkikita, we went to *nch*nt*d k*ngd*m. a friendly date, since pareho naming first time na nagpunta doon. we stayed there from around 3PM till closing, i.e. 12MN. it was one of the happiest day in my life. ewan ko ba, kahit 2nd time pa lang naming nagkasama, parang ang tagal na naming magkakilala. i enjoyed that day, sobra, as in.
nasundan pa ang mga pagkikita. pumupunta ako malapit sa boarding house nya, lumalabas kami, eat out, and talk for the rest of the night. as in magdamagan kaming nag-uusap. kahit kung ano-ano lang naman ang pinag-uusapan. hindi nauubusan ng pinagkekwentuhan. lumalabas kami at least once a week. either we eat somewhere, drink coffee at starbucks, or nagkekwentuhan lang sa parking lot ng isang building. masaya ako, masaya sya. masaya kami.
may problema lang. may boyfriend sya. i know from the very start na may boyfriend sya. so what? wala pa naman syang asawa. during that time, nagkakalabuan na sila. at dumating yung point na nakipagbreak na sya sa boyfriend nya. oo, nakipagbreak sya. after the break-up, tuloy ang pagkikita namin. at abot tenga ang ngiti ko coz finally, i can legally court her.
hanggang sa malaman ng ex nya ang aming paglabas-labas sa gabi at magsumbong sa parents nya. ewan ko ba, siguro, ganun na kaclose yung ex nya sa parents nya. after that, nagbago na ang lahat. naging madalang ang text at chat. at yung pagkikita, hindi ko alam kung masusundan pa. bigla pa syang nagtext sa akin na all she can offer for me is friendship daw, nothing more. ang masakit pa, nakipagbalikan pa sya sa ex nya! putek!
ang dami kong tanong. hindi naman nya sinasagot. mahirap daw ipaliwanag. ano ba talaga ang nangyari? hindi ko alam, as in. right now, we still text each other. pinagbawalan syang makipagtext sa akin, pero after less than a day, hindi sya nakatiis. and now, ganun na ulit ang setup. we text and chat. pero yung pagkikita, hindi ko alam. almost two weeks na kaming hindi nagkikita. damn! i miss her. tinamaan talaga ako eh. magkikita pa ba kami? ewan ko. i miss those moments na magkasama kami, magkausap, nagkekwentuhan. as in.
mahirap talaga kung ikaw ang third angle sa love triangle. minsan, naiisip kong lumayo na lang. forget her. idelete lahat ng ala-ala, kalimutan na ang lahat and go on with my life. but still, hindi ko maintindihan ang sarili ko. umaasa pa rin ako na magkikita kaming muli. magkikita at magkakasama. at magiging kami. hanggang kelan ako maghihintay? hindi ko alam. nababaliw na ata ako. oo, baliw ako ngayon. as in, i'm totally crazy. crazy in love. why? why not?
yun lang po.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
mensahe ko dun sa babae: "dapat me sarili kang paninindigan oi! wag mong hayaan parents mo ang pumili ng magiging asawa mo o ka-relasyon.. mukhang nakipagbalikan ka sa ex mo dahil sa TAKOT. Pero sino nga ba tinitibok ng puso mo?! pakilala mo nalang mo ako dyan sa dyowa para wala ka ng probelema --- hahah JOKIES!"
yun lang.
wag mong gaguhin yang si Sir Marhgil at susugurin ka ng mga taga Ilat...=p
vemsan.. puso mo. hahaha! i don't know kung dahil sa takot or what, whatever it is, sya lang nakakaalam. anyway, kumusta daw, sabi ni ronald ;) and please, stop calling me Sir.. tumatanda ako eh. hehehe. tito aga na lang, hahaha!
i added the gif file to complement the mood. wala lang... hehehe, para balanse.
yun lang!
Syanga naman, wag sir, Aga dapat, Tito Aga he he he..
Mas nakakasuka pala ang love story mo Tito, akala ko eh the best na yung akin, mas pang-award winning pala to, pedeng-pede isali sa Ma-ala-ala mo Kaya ni Tita Charo o di kaya eh sa Love Notes ng Daily Inquirer.
There must be some unfortunately good reason for that Tito..
Naks naman si kuya marhgil nagbibinata na, naiinlove narin hehehe. Sayang nga lang dahil sa mga circumstances, parang you have the right love at the wrong time.
eh mas kagalang galang ang "Sir" eh...
o cya cge na nga Tito Aga...padala ka naman dito ng jaribee =p
alam mo, kung walang kasiguraduhan, wag na ituloy.
konti lng ang believers nito pero love shouldn't hurt.
Post a Comment