Tuesday, December 27, 2005

dollar at pyroolympics

kanina, nagpapalit ako ng dollar sa money changer doon sa may buendia corner taft.. tabi-tabi kasi ang money changer doon.. pagpasok ko dun sa una...

ako: magkano po ang palit ng dollar.
sya: 53, magkano ipapalit mo?
ako: 100 dollar (binigay ko yung dollar)
sya: (kinilatis yung dollar) series 1996 po ito... mas mababa ang palitan, 52 lang po ito
ako: bakit ganun, pareho lang namang 100 dollar yan
sya: talaga pong ganun
ako: sige, sa iba na lang ako magpapapalit (sabay kuha ng dollar at alis, walang lingunan)
sya: sir, pwede po hanggang 52.50, yun na po ang sagad
ako: (tuloy tuloy umalis) hehehe

pagpasok ko dun sa katabing money changer

ako: magkano po ang palit ng dollar.
sya: 53, magkano ipapalit mo?
ako: 100 dollar (binigay ko ulit yung dollar)
sya: (kinilatis yung dollar) series 1996 po ito... mas mababa ang palitan, 52 lang po ito
ako: bakit ganun, pareho lang namang 100 dollar yan
sya: talaga pong ganun
ako: sa kabila ko na lang ipapalit... 52.50 ang bigay nila sa akin dun (sabay kuha ng dollar)
sya: sir, dito na lang... ibibigay ko sa inyo ng 52.80.
ako: sige.. payag... hehehe

at dun nagtatapos ang kwento ko.

pahabol... kagabi... malapit ako dito (i call it as the modern way of burning your money.. hehehe) kaya napanood ko rin kahit hindi ako nagbayad ng ticket... di naman nila pwedeng takpan ang mga mata ng mga tumatanaw lang.. hahaha. actually, ivinideo ko pa nga... ang masasabi ko.. ang ganda! amazing! nood kayo, ang dami pang araw na natitira. hint: sa mga gustong makapanood ng libre... tambay lang kayo sa Blue Wave sa may Macapagal at around 9:00PM, punta kayo ng mas maaga, kasi, sobrang traffic to the maximum power... hehehe

isa pang pahabol para kay insang nao na andito na sa pilipinas... insan! magparamdam ka naman! hahahaha!

yun lang!

10 comments:

yayam said...

hahaha! ang ganda ng tactic mo ha!! :) enjoy the rest of the year! :D

jinkee said...

Sa SM ka na lang magpapalit. Mas convenient doon, tama pa ang exchange rate.

Yax said...

uy, we watched the world pyro olympics also... yung first day.. and tama ka, sobrang traffic!!! although, isa ako sa mga nagbayad (100 pesos), eh i think it's worth it, kse, kitang kita mo pati yung fireworks display na tumatalon sa tubig (galing!) and even the reflection sa dagat, ang ganda. i might post some pics soon... ;)

happy new year! :)

binx said...

sobrang traffic nga daw. and tama ka, sa blue wave ka nga dapat tumambay.

hay, wish i had the time! :)

Unknown said...

Sana sa SM ka na lang nagpapalit. Wala pang discrimination ang dollars mo. Hahaha!

Anonymous said...

Hi, Marhgil! What's wrong with the 1996 series ba? Ang labo ano?

I saw the link to the pyro olympics. Ang galing naman! Sana makakita din ako ng ganyan.

Happy new year to you and family! Best wishes for the year 2006 and all the years ahead!

Anonymous said...

feliz año nuevo, marhgil!

i already sent my kris kringle gift.

Anonymous said...

that i wonder too what is wrong with the 1996 dollar ba?? happy new year marhgil!

Yen Prieto said...

hapi nyuyir muna kay kuya...weeee...

Ladynred said...

Happy New Year to you and your family. All the best in 2006.