Thursday, December 01, 2005

catch me if you can

mga joke na narinig ko sa pakikisalamuha sa araw-araw.. hehehe.

sabi nung kasama ko sa bahay sa isa pang kasama ko sa bahay... ok lang yan na nakasabit lang yan dyan... yan naman ay dyan lang pansamantagal.

kwento ng kasama ko sa bahay tungkol sa boss nya.. nagroll call daw sa meeting, nasa building sila... tinawag yung isa... "pedro." may sumagot... "bumaba ho at may binibili lang" sagot nung nagrorollcall... "ha? bumabaho na sya? kelan pa???"

narinig ko sa love radio nung isang araw... bakit daw mas matataba ang lalaking may-asawa kesa sa mga binata? ang sagot nya... ang binata, pag dating sa bahay, sisilipin ang ref, kapag walang laman, matutulog na lang sa kama. samantalang ang lalaking may-asawa... pagdating sa bahay, sisilipin ang kama, kapag nakita si misis... pupunta na lang sa kusina at pagdidiskitahan ang laman ng ref. hehehe.

tanong sa akin sa interview... bakit ka nagresign? gusto ko sanang sagutin... bakit hindi? hehehe.

nakita ako nina francis ngayon dito sa office, comment nila... gumagwapo ka yata ngayon. hehehe. sagot ko... kelangang akitin ang HR para madaling matanggap. hahaha!

yun lang muna. wala na akong maisip.

1 comment:

Laureen Jean said...

Hahaha!!! Natawa ako sa post mo. Eto may joke din ako:

May friend ako na kagagaling pa lang sa Maynila...Mga 3 weeks din syang nag stay don. Nagulat ako pati ibang friends ko nung pagbalik nya eh di na marunong mag-Bisaya. Panay ang Tagalog nya. Eh, nainis bigla yong isang kaibigan ko, sabay sabi.... Wag ka na, alam ka na nakin.... Ano daw? Yon lang! Hahahaha!!!