Monday, December 12, 2005

half half

mahirap nga namang pag-aralan ang english. kung gagawa ako ng isang text-to-speech application para sa pagbabasa ng tagalog language, mukhang simple lang. kasi, kung anong basa, syang sulat, di ba? pero sa english, ang gulo, ang labo. basahin nyo nga ito ng tuloy-tuloy, mabilis, babaguhin ko lang ang unang letter, pero mag-iiba na ang pronunciation.

one
bone
cone
done
fone
gone
lone
none
tone
zone

di ba, ang gulo? unang letter lang ang binago, iba na ang pronunciation.

is the glass half-full or half-empty? minsan, itinatanong sa akin yan. ang alam ko, ang sagot dyan, depende sa sitwasyon. example, umiinom ka ng tubig, sabi ng mother mo.. "ubos mo na ba yung tubig mo?"... syempre, sasabihin mo, "malapit na po.. half empty na po." pero kung nagpapakuha ng tubig sa baso ang mother mo at tinanong ka nya... "hindi pa ba puno yang baso? uhaw na ako.", isasagot mo naman.. "sandali lang po... half-full na sya"

tama ba? a ewan. wala lang akong maipost kaya sinulat ko yan. ehehehe.


1 comment:

velvet said...

hellooooo, tagal kong 'di nkadalaw d2, a.

my tanong rin ako: "bkit pagmadali lng ang isang bagay gawin, sinasabi na 'chicken lng' or 'sisiw lng'"?

;)