This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Tuesday, December 20, 2005
first day funk
ang unang araw ko sa kumpanya ay nakakaloko, hehehe. hindi pa ako nakakarating sa office nila, pinapunta na kaagad ako sa client site, doon na raw ako tumuloy at doon kami nagkita ni CEO. Pinaghintay lang naman nya ako ng 1 oras bago sya dumating. Pagdating nya, bago kami nakapasok doon sa server room...hinanapan ako ng company id. e wala nga ako, kakaumpisa ko nga lang eh. pero pinapasok din kami. pagdating doon sa loob, inexplain nya yung setup nung system sa akin. medyo di ko maintindihan yung iba... kagaya ng sinabi nya na "there are 2 e1, on 1 e1, there are 15 rand ryn" naguluhan ako at napakunot ang noo, sabi ko, "sorry, i don't know what rand ryn is..."... yun pala ay land line.hehehe. ang mga koreano pala ay mahilig sa R. parang ako...sangkatutak na R ang laman ng bibig. hehehe. after some discussions at nang magkaintindihan na kami, nagsetup kami ng isang server under Windows 2000. Ang problema,Korean version...di ko maintindihan. Iniimagine ko na lang yung mga message kung ano sinasabi sa English version... hehehe. successful din naman, nakapagformat at nakapag-install din ng Windows 2000. after namin masetup, umalis na kami,sabi sa akin ni CEO, 10AM daw ang pasok ko kinabukasan.... yung nangyari kanina, bukas ko na lang ikekwento.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
ayy bago na company mo?
sabihan m ung ceo ng "bo go ship da" heheh o kya "annyonghaseyo"...
good luck on your new job!
happy holidays!
Post a Comment