tapos na ang job hunting ko. oo. tapos na. got the job i want at the salary i want. someone from pl*t referred me to this company. nagkita kami kanina nung CEO, lunch meeting, kinausap ako, and since impressed siya sa resume ko, pinag-usapan na lang namin ay yung sweldo ko at kung kelan ako magstart.
to give you an idea, company sya sa korea na nagstart pa lang ng business dito sa philippines. pero nakapagclose na sila ng deal sa pl*t. may income na. ang mga programmer nila ay from korea, yun ang unang project nila with pldt. since magastos na mga programmer pa nila ang pupunta dito to do the programming and technical support, gusto nya, maging independent sila. hayun, at naghahanap nga sila ng magagaling daw na programmer... hehehe. at nagtagpo nga ang aming landas. i'll start as system analyst daw, pero sa totoo lang, ako pa lang ang programmer, ako ang mag-uumpisa ng development team. ako magiging team leader. ako ang didiskarte ng lahat. ako daw bahala maghanap ng mga programmer ko. hahahaha! mukhang mamimirata ako ng magagaling na programmer doon sa dati kong company. hhmmm.
ngapala... isa syang malaking kakumpetensya nung dati kong company, same product lines. hehehe. ginusto pa nilang yung mga natutunan ko sa kanila ay pakinabangan ng iba. pinakawalan nila ako eh, sorry na lang sila.
sa december 19, umpisa na ako. sana ok ito!
No comments:
Post a Comment