Thursday, December 22, 2005

inaantok ako

wala akong pasok. kahapon pa. nung magpunta kasi ako sa office, wala pa palang kaayos-ayos yung office. as in, nag-uumpisa pa lang si company. kinausap ako ni CEO. kaya daw nya ako hinire kahit december na ay dahil nga may activity sa client na kailangang tapusin. e ang nangyari, nung first day ko, natapos na namin yung dapat tapusin. so, wala na syang maipagawa sa akin. hindi pa naman ako pedeng mag-opisina dahil inaayos pa nga ang opisina, by january pa maaayos yung office, at doon pa lang magstart yung operation ng company. sabi sa akin ni CEO, just stay at home dahil wala naman ngang gagawin, tatawagan na lang daw nya ako kung may dapat ayusin doon sa client na pinuntahan namin. so, work at home ako, standby mode... tuloy naman daw ang sweldo ko after 15 days. so, tambay mode ako... pero hindi pa rin.

hindi ko pa kasi nauumpisahan yung project ko, yung ipinaoutsource sa akin. isang documentation pa lang ang naisubmit ko. hinihanapan na nila ako ng output ulit... so, ginawa ko na yung application kagabi. nagstart ako after ko manood ng balita ni mike enriquez kagabi... natapos ako kaninang 6AM. ngayon, andito ako sa company at isinubmit ko na yung application. kinaya ko nga ng isang upuan, parang gumawa ng isang school project. hehehe. tamang tama, makakasingil na naman ako.

habang pinapasweldo ako ng bago kong company sa pagtambay dito sa manila... ginagawa ko naman yung project ko. di na masama... tumataba na naman ako, ang daming pangkain eh. hahaha!

tama na. ang yabang ko na. humahangin na ang kapaligiran... marhgil. behave. salamat sa panginoon sa lahat ng biyayang kanyang ipinagkakaloob.

kanina pala sa wowowee... sabi nung isang contestant... "nagpapasalamat ako sa lahat ng TFC screwdrivers!!!" hahaha! TFC subscribers dapat. e loko si willie, pina-ulit-ulit pa. ang saya!

yun lang.

4 comments:

Anonymous said...

Marhgil, pautang naman! Sarap ng buhay mo ngayon, may sweldo kahit walang trabaho. :-))

I visited your group blog at nakita ko ang bago mong picture. Pumayat ka na pala, at ang gwapo pa (sipsip!).

Paano ba sabihin and Merry Christmas sa Koreano? :-)

Happy holidays!

Yen Prieto said...

ang sarap buhay.. sumusweldo ng hndi nagwo2rk..kainggit naman..

sarap kumain ngyn dahil holidays hehe..

meri xmas 2 u..

Anonymous said...

MERRY CHRISTMAS!

emjoy said...

wahahaha

alam muh nararansan koh din ean dito xa company..

super kakaantok! minan lng mei gawin..

haist..:(