it was a near hit. muntik na kaming paglamayan ngayon. buti na lang at nasa katinuan pa ako sa pagdadrive kagabi at madasalin ang kasama ko. nope, wala akong inom. alcohol-free ako kagabi. anong nangyari? ito ang aking pagkakaalam. three-lane yun. nasa gitna ako. may dyip sa kaliwa ko at may kotse sa kanan. pareho silang ahead ng konti sa akin. hindi yata nakita nung driver nung jeep ang concrete barrier doon sa kalye... yung mga barrier sa u-turn slot. nung mapansin nya, malapit na syang mabangga, so, ang ginawa nya, kumabig sya ng bigla sa kanan. buti na lang at ahead sya ng konti, at nakaiwas pa rin ako sa kanya... kumabig din ako sa kanan, at buti na lang... ahead sa akin yung kotse sa kanan ko kaya hindi ko sya nabangga. buti na lang. kung hindi ako nakaiwas... bangga ko sya, or kung katabi ko mismo yung kotse sa kanan, bangga ko rin sya nung bigla akong umiwas sa dyip. buti na lang.
sa nakita ko, ang may kasalanan... ang MMDA! i know those barrier were put there to serve a purpose. kung bakit ba naman hindi nilalagyan ng ilaw yang mga barrier na yan na nakaharang dyan sa mga u-turn slot. e kapag gabi at medyo umuulan, hindi na basta basta nakikita yan. madilim po kasi kapag gabi. at hindi po lahat, kasing linaw ang mata ni bayani fernando. ang dami nang naaksidente dyan, at kagabi nga, muntik na rin kami. buti na lang at hindi pa namin oras yun. buti na lang. hihintayin nyo pa bang magkaroon ng malaking aksidente bago nyo ayusin yan??? kung wala kayong pambili ng ilaw... kahit reflector, lagyan nyo! mura lang ang ilaw.. kahit yung isang buwang tax ko, dyan nyo na lang ilaan kesa sa kurakutin pa ng mga pulitikong corrupt.
yun lang.
2 comments:
Tsk tsk. Exactly. Hope you're ok though. :)
Ay! kakatakot naman nun... Buti nalang walang nagyari sa inyo. Bat di mo kaya i report sa Citizen Patrol sa ABS? hehehehe....
Post a Comment