nothing unusual, kain tulog lang ako dito sa bahay. nanood ng tv maghapon. inumpisahan sa home boy, tapos, rubi, gameknb, tapos wowowee. mukha bang kapamilya ako? ewan. nanonood rin naman ako sa kapuso eh. pero mas trip ko panoorin sa gabi, HBO... or Cinemax, kahit anong pelikula. ehehehe. kakasawa din pala ang tumambay maghapon, hindi ako sanay. lalo tuloy akong nagmumukhang santa claus. lumalaki ang tyan.. hehehe.
parang may sore eyes ata ako. sore eye, isang mata lang eh. itong kaliwa kong mata, ang kati. luha ng luha. sino kaya ang kumulam sa akin? hehehe. hindi tuloy ako nakapagfocus sa aking project. puro panonood na lang ng tv ang inatupag ko. siguro, bukas, uumpisahan ko na para may maisubmit na ako sa wednesday.
someone asked me kung may sun cellular number daw ako. dati, meron. pero nawala yung SIM ko at mula nun ay hindi na ulit ako nakabili. dito sa baranggay namin sa batangas, walang gumagamit ng sun cellular. dead spot kasi ang sun cellular dito. smart at globe lang ang umaabot na signal dito. at ang landline, globe lang. wala atang balak maglinya ang pldt.
nag-iisip akong magtayo ng computer shop dito sa barangay namin. lapit lang kasi sa barangay high school itong aming bahay. ang mga estudyante kasi, nagpupunta pa doon sa bayan makapagcomputer lang. yun ang sabi ng mga pinsan kong doon pumapasok. e kung meron dito, hindi na sila mamamasahe ng 15 pesos makapagcomputer lang, di ba? hhmmm.. pag-isipan ko. para naman magkaroon ng trabaho ang kapatid ko, sa halip na nagpapasada ng dyip, magbantay na lang sya ng computer shop. siguro, mid 2006, kung makakaipon ako ng sapat na halaga, itutuloy ko ito. syempre, pakakabitan ko rin ng dsl line, di ba? pumapasok na rin naman ang kabihasnan dito sa baranggay namin... natututo na ring mag-internet ang ilan sa mga tao. kahit ang iba ay kuntento pa rin sa patambay-tambay na lang, pero ang mga kabataan, marunong na ring mag ragnarok. hehehe.
yun na lang muna. tuloy pa rin ang pagtetext ko sa gameknb. ayaw pa rin akong tawagan. ayaw yatang may manalo ng 1 million nila. hehehehe!
No comments:
Post a Comment