kung mapapansin nyo, medyo naglagay ako ng ads dyan sa sidebar ko at konti doon sa footer. nagkaroon na rin ng google search bar dyan sa sidebar ko at sa footer ko. di naman masyado nakakabagal ng pagloload ng blog, medyo trip ko lang maglagay dahil may bayad pala yan, depende kung gaano karami ang bumibisita sa blog mo at kung gaano karami gumagamit nung search bar. medyo nasa ilalim lang yung mga ads ko, pero kapag nagcomment kayo, makikita nyo, di ba? kung trip nyong magdownload ng firefox, click nyo lang yang link sa baba, kung gusto nyo ring magkaroon ng ads yung blog nyo at mabayaran for displaying their ads, click nyo rin yung link sa baba, yung tungkol sa adsense. magkano ba kinikita? ewan ko, yung adsense account ko, nung umpisahan ko ito nung friday, meron na akong $0.13 sa account ko. ipapadala daw yung cheke kapag naka $100. ok lang di ba? wala namang kahirap-hirap, nilagay ko lang yung konting ads nila sa baba. kelan kaya ako makaka $100? 10 years from now? ok lang, hehehe. sabi ko nga dun sa officemates ko dati, kung magsesearch kayo sa google, dito na lang sa blog ko kayo magpunta, same din naman yung search results, nakatulong pa kayo sa akin. kung gusto nyo ring magkaroon ng adsense account, click nyo lang yung link sa footer ko at magopen ka ng account. paulit ulit na ako. sige, tapos na.
yun lang.
No comments:
Post a Comment