Friday, December 16, 2005

abat garci

natatawa na lang ako sa mga balita ngayon, lalo na sa pulitika. circus na ang nangyayari. kanya kanyang eksena. yung recent development kung saan pinatulan ng gobyerno ang kababawan ni abat, natawa talaga ako. hindi raw sila natatakot kay abat, pero pinatulan nila at hinuli. at natatawa rin ako sa gimik ni abat... kumpleto paraphernalia pala sila... may mga sticker pa ng we love gen abat. hahaha. sabi ni penoy kagabi... saan kaya makakakuha ng sticker nun.. ehehehe. saan nga kaya? makisakay kaya ako at maidikit sa kotse ko... hahaha. baka hulihin din nila ako. wag na. pero ok din yung ginawa ni abat... biruin mo, nawala sa eksena si garci. nawala din ang mga oposisyon na sina escudero... ang laman ng balita, tv man o dyaryo.. si abat. hahaha! at least, naging sikat sya sa pilipinas kahit papaano.

natawa rin ako kay garci. sumusulat daw sya ng aklat ng kanyang buhay. para daw maisapelikula... hahahaha. sige, ituloy mo, nang magkaroon na ng starring role sa pelikula si bentong. hahaha. di ba, magkamukha sila.

yun lang

5 comments:

Anonymous said...

nakatutok ang publiko ngayon kay abat, ang hindi natin alam, minadali ang pagpapasa ng anti-terror bill sa Kamara at unti-unti na ring naluluto ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno. hindi dapat tayo magpabulag sa mga nangyayari sa ating paligid. anong sey mo? :)

Yen Prieto said...

haha anu ba onga noh magkafes nga cla ni bentong

Anonymous said...

sa totoo lang, politics in the philippines is a laughing stock. kakahiya.

Anonymous said...

happy holidays! ikaw papunta dito pinas, ako naman paalis. nde man tayo magtagpo, here's wishing you all the best. :)

Anonymous said...

naku, ano ba yan?! para ke sis nao yung naunang comment ko eh.

anyway, ang message ko talaga eh kitakits na lang bukas sa glorietta gitnang-gitna. nde nagpaparamdam si kapatid tin eh. oh sha, yun lang.