uuwi na dapat ako sa batangas kanina, tutal, wala na naman akong gagawin dito sa manila at sa dec 19 pa ako magstart sa bago kong work. yung pinapaoutsource naman sa akin ay pwede kong gawin sa batangas at email ko na lang sa kanila yung source code. kaso, pag labas ko ng bahay kanina, umuulan. tinamad tuloy ako, nakakatamad magdrive kapag umuulan tapos solo ka. bukas na lang ako uuwi, baka may makakasabay pa ako sa aking mga housemates.
ang ginawa ko maghapon, inumpisahan ko na yung pinapa-outsource sa akin. mga documentation muna, yun kasi ang madaling gawin, may pattern na kasi ako ng mga documentation, edit edit na lang.. hehehe. apat na documentation ang kailangan kong isubmit by the end of the project, tinapos ko na yung isa kanina. 3 more to go. tapos, saka ko gagawin yung application, madali lang naman nga yung application, kaya ng 24 hours, para lang nagrush ng isang project sa school. hehehe.
2 weeks na akong tambay, at next week, tambay pa rin. pero ok lang, kahit tambay ako. buti na lang at may nakuha nga akong project. biruin nyo, yung nakuha kong project, mahigit pa sa doble sa monthly salary ko ang bayad, na gagawin ko lang ng 1 week. well, talagang swerte lang siguro ako. mabait pa rin si lord sa akin kahit paminsan minsan ay hindi ko nasusunod ang kanyang mga utos. on dec 18 will be our thanksgiving day sa church namin. ang dami ko talagang dapat ipagpasalamat.
since ang dami kong pinagpasahan ng resume, tuloy pa rin ang tawag ng mga nag-aapply na maging boss ko.. hehehe. hindi pa rin nawawala yung mga unprofessional na hr na nag-iinvite ng exam or interview thru text, na hindi ko naman pinapansin. if you can't afford to call me thru phone for the interview, i'm sure you can't afford my expected salary, di ba? hehehe. napakadelikado ng panahon ngayon, bakit ako pupunta sa isang lugar dahil may nagtext lang sa akin na hindi ko naman kilala? malay ko ba kung ano talagang pakay nila... baka marape pa ako. hahaha!
yung title ng post na ito, wala lang. baka may gustong magregalo dyan sa inyo ng sapatos... yan ang size ng paa ko. hehehehe!
yun lang.
No comments:
Post a Comment