just recently, i heard that our company is planning to "renovate" our website. my first reaction... "Again??" ang sa akin lang, ok naman yung website, nababasa naman, hindi naman mukhang mumurahin yung dating, andun naman lahat ng information, e bakit kailangang gumastos na naman ng malaki para baguhin? will changing the face of the website generate more clients? i don't think so. sa halip na gumastos sila sa website, bakit hindi na lang sila magsubscribe sa mga search engine para maging mas madaling hanapin yung website namin. yun bang tipong pagtype mo ng "ivr" e pag click mo ng "im feeling lucky" sa google e yung site namin ang lalabas. or kahit hindi number 1, kahit dun lang sa "sponsored links" sa right side ng google. i think, it can generate more visitors, and more visitors means more possible clients, di ba? pede rin na sa mga popular news site, magsponsor sila ng link. like sa inq7, manila bulletin or philstar. kasi, kahit gaano kaganda yung website mo, kung hindi naman popular, wala din. kung gagastos din lamang, sana, dun sa makakatulong ng malaki sa company, or kung wala lang talaga silang magawa sa pera e gamitin na lang nila para increasan ang aming transportation allowance, since magmamahal na yung pamasahe... di ga? ayos yun!
siguro, iniisip nyo, e bakit dito mo sinasabi yan at hindi sa mga boss mo? e ano gang paki nyo? hehehe. seriously, hindi pa naman nila ako tinatanong eh, (ewan ko lang kung balak nila akong iconsult regarding this matter). pero kung tanungin ako, e di yan ang sasabihin ko, pero kung hindi, alangan namang pangunahan ko sila. wala pa naman akong rights dahil yung stocks na balak na ibigay nila sa akin e naririnig ko lang pag may nagreresign na empleyado, e hanggang ngayon naman e wala pa akong natatanggap na stocks... (asa pa!)
other matters...
pag nagkatime ako this week, magpapakabit na ako ng E-pass card dun sa kotse ko, para hindi na ako natatrapik dun sa SLEX tollgate.
last week, dalawa sa aking kamag-anak ang namatay. ewan ko ba, nung lumuwas ako nang manila, nakaburol yung lolo ben ko, pag-uwi ko last saturday, sabi ng inay, namatay din daw yung pinsan namin, biglaan. sabi ko, "kelan ang libing, maglalamay na naman pala ako.." sagot nya... "nailibing na rin kanina." hay ang buhay nga naman, una-unahan lang. katabi mo lang kanina, bukas, minumulto ka na... hehehe
taas na naman ng sugar ko... kung pede lang itong iextract sa katawan ko at ibenta, e di mayaman na siguro ako, makapagtayo ng azucarera (tama ba?)...
pag naiinitan ako, iniisip ko na lang ang kuwait... mas impyerno ang temperature dun, umaabot ng 50 degrees. nakasurvive nga ako dun, e dito pa kaya? di pa nga umaabot ng 40 degrees.
salam.
No comments:
Post a Comment