nagmamaneho na ako ng sasakyan mula nung high school pa ako, nag-umpisa sa motorsiklo, then, naging tricycle, naging kotse, naging dyip, pajero, at ngayon, yung kotse ko nga. sa tinagal-tagal ko nang nagmamaneho, first time ko kagabi nahuli for violating traffic rules. as in yun ang first offense ko, pero hindi pa rin ako natiketan, though aminado ako na it was really a traffic violation.
ito ang nangyari... malapit na kami sa intersection kung saan may stop light. 3 lane yung kalye and my aim is to turn right. nasa 2nd lane ako, gitna. nung mag-green ang traffic light, yung kotse sa harapan ko e nakatigil pa rin at hindi makaabante kasi merong isang bata na nililinis yung windshield nya. (tama ba naman yun, sa gitna ng traffic, papalinis ka ng windshield?) so, ang mali ko, sumingit ako sa left, then, nung malampasan ko yung car na yun, pinilit ko namang kumanan since dun nga ang punta ko. successful naman ako sa pagkanan ko, pero pagdating dun, pinara na ako ng apat na MMDA, 2 yung nakauniform, 2 na nakaT-shirt lang. syempre, first reaction is to defend myself, right? kaso, nagpapaliwanag kami, e sinisigaw-sigawan kami nung isa, at di nakikinig. sabi pa, yung kanina nga, doktor, hinuli ko, kayo pa ba? akala yata, naging MMDA lang sya e sya na ang may-ari nung kalye at lahat ng huhulihin nya ay pede na nyang sigaw-sigawan. yung isang yun, yun pa yung nakatshirt lang. kind of irritated with the treatment we are getting, tinawagan ko yung boss ko. well, papunta kami sa site nun kaya malakas ang loob ko tumawag sa kanya, we are in the line of duty, ika nga... hehehe. yung boss ko kasi, kamag-anak yung vergel de dios na mataas daw ang position sa MMDA. nung matawagan ko, ipinakausap ko sa kanila, ayaw pa kausapin nung isang naninigaw. nung magkausap sila nung kasama nya, maya lang e nawala na yung si maangas, di ko alam kung saan nagpunta. sabi ko dun sa kasama nya, since ganyan sila manghuli, "tiketan na niyo ako pero kukunin ko mga pangalan nyo, humanda kayo bukas," sabay bigay sa kanila ng lisensya ko. e medyo natakot na siguro yung isa, ang sabi ba naman sa akin, "sir, pede naman natin tong pag-usapan eh.", nag-init pa ako nun, sabi ko, "ngayon, nagpaparinig pa kayo na bigyan ko na lang kayo, irereklamo ko talaga kayo! humanda kayo bukas!" well, to make the long story short, ibinalik din nila yung lisensya ko, hindi ako tiniketan, walang kotong na nangyari at nakaalis din kami, hehehe.
well, i am not against the MMDA. talagang dapat ay nandyan sila, pero sana naman, they should educate their people, turuan nang tamang paghuli at pakikipag-usap. hindi yung naninigaw sila na akala mo e sila ang dyos. di ba, dapat, nakauniform sila kung manghuhuli sila? ano ba qualification para maging isang traffic enforcer ng MMDA? they should raise the standard, dapat, turuan silang magpaliwanag, kung talagang may mali ako, e dapat, maipaliwanag nila sa akin ng husay at hindi yung naninigaw sila. nakakuha sila tuloy ng katapat. well, i learned my lessons too... sa panahon ngayon, unahan lang yan, kung papasindak ka sa kanila, talo ka. mali nga yung ginawa ko, pero mali din yung ginawa nila, kwits lang kami.
adios.
No comments:
Post a Comment