Tuesday, May 17, 2005

harangan man ng sibat, kakain pa rin ako sa KFC

may nakaschedule sana kami ngayong maintenance support sa isang client namin dito sa pilipinas, ngayong gabi mismo. nung iconfirm ko kaninang umaga sa tech support nila kung tuloy as scheduled... ang reply nya... "tuloy tayo, harangan man ng sibat". kaso, ngayon, papunta na sana kami dun, kaso, hindi sibat ang humarang sa amin. isang malakas na ulan na may kasamang hangin, pagkulog at pagkidlat. hindi nga ako makalabas, nakakatakot bumyahe.... ang tatalim ng kidlat eh. so tinawagan ko na lang sya, sabi ko, "sir, resched na lang natin... wala ngang sibat... pero hinarang kami ng kidlat." yun, ngayon, andito pa ako sa office, naghihintay na pumayapa na ang panahon para makauwi na. malas pa kasi coding ako ngayon, hindi ko dala ang kotse at wala akong payong!!! anong oras kaya ako makakauwi?? bahala na si lord.

interesting site i just visited right now... the anti-KFC site. reaction ko... masarap ang chicken sa KFC... do I need to know pa ba kung paano sila kinatay??? e yung hita nga e nilalamon ko? hehehe. what do you expect when killing an animal? yung binibaby? nung may manukan nga kami dati, ang father ko pa yung pumapatay ng manok. syempre, pagkapatay nung manok, aalisan ng balahibo, then, paghahati-hatiin yung katawan, hiwalay yung hita, pakpak, etc... does it make him a bad person??? ipinagbawal ba ng Diyos na kumain ng hayop ang tao?? e paano mo kakainin yung hayop kung hindi mo papatayin?? hey, men are omnivores!!! kung lagi mong iisipin kung paano pinatay ang isang hayop bago mo kainin, e di magpakavegetarian ka na nga lang talaga. basta, masarap ang KFC at kakain pa rin ako dun. hehehehe!

2 comments:

Anonymous said...

You have a point, but I think PETA also has one. Wouldn't you try to be as humane as possible when killing chickens? Di ba tayo pag namatay gusto natin di masyado karumal dumal?
I love fried chicken, especially if it's KFC. Pero animals have souls, too. Di kailangan maging cruel.

kukote said...

well, everyone has a point, kanya kanyang point yan. and here is my additional point...how do you kill a chicken humanely? lethal injection??

animals have souls, too... really? well, paniniwala mo yan, wala akong magagawa. question ko lang, yung insects ba is part of animal kingdom? so, yung lamok, langgam, langaw, they have souls too. nakapatay ka na ba ng lamok? humanely ba pagpatay mo? sa dinami-raming manok na nakain ko, ni isa, wala pang nagmulto sa akin.

just my thoughts... =)