Tuesday, May 31, 2005

sunog

nagkaroon ng panic dito sa building namin, especially 26th and 27th floor. nagkaroon kasi ng usok na amoy nasusunog na wire. smells like fire caused by faulty wiring. syempre, first reaction is to save our lives. pero bago kami nagbabaan, shutdown ko itong laptop and i brought it with me. sa service elevator kami bumaba. nakarating naman kami sa ground floor nang walang galos. ngayon, back to work na ulit ako. ang dahilan ng sunog, actually, hindi naman sunog, usok lang. nagkaroon ng faulty wiring ang isang elevator, nagspark daw yung circuits nya. at yung amoy, kumakalat sa floor where the elevator stopped and opened. nagkataon siguro na may sakay yung elevator na tiga 26 and 27th floor, kaya pag-open ng elevator, kumalat yung usok at amoy.

self evaluation of the incident:


1. Mali ata na mas inuna ko pang iligtas yung laptop ko kesa sa buhay ko. Sabi nga nila don't panic, but have FEAR. Forget Everything And Run. E kung malaki na yung sunog, time is of the essence di ba? Mas mahalaga pa ba yung files sa laptop ko kesa sa buhay ko? I remember yung safety instructions sa eroplano, pag may sunog, save yourself, iwan mo na lahat ng gamit mo.

2. Mali rin na nag-elevator pa kami pababa ng building. One of the safety measures during emergency like earthquake and fire, don't use the elevator, use the stairs. E paano kung totoong may sunog at nadali yung mga cables ng elevator. E di trip to cemetery na kami? E panic na kaya di ko ito naisip eh.

evaluation sa facilities ng building and the actions of the building management:

1. Bakit walang alarm??? Wala yata akong narinig na alarm. Nalaman na lang namin na may problema nung maamoy namin yung usok. Di ba dapat, may alarm to warn everybody na may problema. They should fix this one.

2. Bakit wala yatang dumating na bumbero? The first thing to do kung may ganitong situation is to call the authorities, right? Sabihin nang abala sa kanila, bakit kailangang sila (building maintenance) pa yung maghanap ng cause ng sunog? They are not in the position to do that. Ok lang naman ma-false alarm. Normal lang yun. E paano kung nakita nilang yung cause ng usok e malaki ngang sunog sa isang floor, saka pa lang sila tatawag ng bumbero??? I remember one incident in Kuwait, may bomb threat lang dun sa mall na malapit sa tinitirhan ko, sarado kaagad yung mall, ang daming bumbero at ambulance na dumating, e wala namang nangyari.

Buti na lang at walang masamang nangyari. Nakapanood pa kami ng NBA, panalo ang Suns, 3-1 na standing.

Thank God I'm still alive.

No comments: