Tuesday, May 17, 2005

walang kwenta rin

walang kwenta rin

ako'y nahulasan
sa aking kalasingan
nang aking malaman
na kami'y nagkabanggaan

wasak ang harapan
gasgas ang likuran
at ako ay natuwa
dahil panaginip lamang

ang malakas na kidlat
ay nakakagulat
lalo na't ang kulog
ay nagkasunod-sunod

sa hirap ng buhay
ng isang kawatan
ako ay nagkaroon
ng isang kaibigan

ang impaktong nakatago
sa aming likuran
ay aming natuklasang
isang malaking kalokohan

tumila na ang ulan
matapos naming pagkasunduan
na bukas na namin gagawin
ang nakatakdang gawain

ako'y nagising
sa pagkakahimbing
matapos mapraning
ng isang halinghing

sa buhay na itong walang katiyakan
na kahihinatnan ng ating kalagayan
ako'y nananalig na darating ang araw
bawat hirap, may wakas, darating din ang sarap!

bow!

No comments: