Tuesday, May 31, 2005

sunog

nagkaroon ng panic dito sa building namin, especially 26th and 27th floor. nagkaroon kasi ng usok na amoy nasusunog na wire. smells like fire caused by faulty wiring. syempre, first reaction is to save our lives. pero bago kami nagbabaan, shutdown ko itong laptop and i brought it with me. sa service elevator kami bumaba. nakarating naman kami sa ground floor nang walang galos. ngayon, back to work na ulit ako. ang dahilan ng sunog, actually, hindi naman sunog, usok lang. nagkaroon ng faulty wiring ang isang elevator, nagspark daw yung circuits nya. at yung amoy, kumakalat sa floor where the elevator stopped and opened. nagkataon siguro na may sakay yung elevator na tiga 26 and 27th floor, kaya pag-open ng elevator, kumalat yung usok at amoy.

self evaluation of the incident:


1. Mali ata na mas inuna ko pang iligtas yung laptop ko kesa sa buhay ko. Sabi nga nila don't panic, but have FEAR. Forget Everything And Run. E kung malaki na yung sunog, time is of the essence di ba? Mas mahalaga pa ba yung files sa laptop ko kesa sa buhay ko? I remember yung safety instructions sa eroplano, pag may sunog, save yourself, iwan mo na lahat ng gamit mo.

2. Mali rin na nag-elevator pa kami pababa ng building. One of the safety measures during emergency like earthquake and fire, don't use the elevator, use the stairs. E paano kung totoong may sunog at nadali yung mga cables ng elevator. E di trip to cemetery na kami? E panic na kaya di ko ito naisip eh.

evaluation sa facilities ng building and the actions of the building management:

1. Bakit walang alarm??? Wala yata akong narinig na alarm. Nalaman na lang namin na may problema nung maamoy namin yung usok. Di ba dapat, may alarm to warn everybody na may problema. They should fix this one.

2. Bakit wala yatang dumating na bumbero? The first thing to do kung may ganitong situation is to call the authorities, right? Sabihin nang abala sa kanila, bakit kailangang sila (building maintenance) pa yung maghanap ng cause ng sunog? They are not in the position to do that. Ok lang naman ma-false alarm. Normal lang yun. E paano kung nakita nilang yung cause ng usok e malaki ngang sunog sa isang floor, saka pa lang sila tatawag ng bumbero??? I remember one incident in Kuwait, may bomb threat lang dun sa mall na malapit sa tinitirhan ko, sarado kaagad yung mall, ang daming bumbero at ambulance na dumating, e wala namang nangyari.

Buti na lang at walang masamang nangyari. Nakapanood pa kami ng NBA, panalo ang Suns, 3-1 na standing.

Thank God I'm still alive.

Monday, May 30, 2005

Apronyms

Apronyms. No, it is not mispelled. See the definition here.

CHIP - Come Home I'm Pregnant
EGYPT - Eager to Grab Your Pretty Toes
FEAR - Forget Everything And Run
FINE - Fanatical, Insecure, Neurotic and Emotional
HOLLAND -Hope Our Love Lasts And Never Dies
IBM - I Blame Microsoft
ISDN - Innovations Subscriber Don't Need or It Still Does Nothing
ITALY - I Trust And Love You
NTSC = Never Twice the Same Color
PANIC - Pressured And Not In Control
PCMCIA - People Can't Memorize Computer Industry Acronyms
TEAM - Together Everyone Achieves More
TWAIN - Technology Without An Interesting Name
WIFE - Wash Iron Fornicate Etc.
YAHOO - You Always Have Other Options
CHEVROLET - Clatters Heavily, Every Valve Rattles, Oil Leaks Every Time
FORD - Found On Rubbish Dump
HONDA - Hold On Not Done Accelerating
JAGUAR - Just A Gauge Under Another Repair
KIA - Killed In Action
LOTUS - Loads Of Trouble, Usually Serious
TOYOTA - Too Often, Yankees Overprice This Auto
NASCAR - Non-Athletic Sport Centered Around Rednecks
STEAL - Strategically Transfer Equipment to Another Location
FART - Fathers Against Rude Televisions
ACID - A Corrosive Ingredient, Definitely
ADIDAS - A Desirable Item Decorated And Striped
AGE - Annually Gets Elevated
ALARM - A Loud Appliance Ringing Madly

Ang daming pang ganito dito!

Q and A

Q. pede ba akong mapatalsik sa aking trabaho because of blogging?
A. depende sa laman ng blog mo. kagaya nito, napatalsik dahil sa blog.

Q. pede bang maglaro during office hours?
A. siguro, kung nabasa ito ng employer mo.

Q. bakit daw malas ang friday the 13th?
A. eto ang paliwanag. masyado lang tayong mapamahiin.

Q. sleeping at work, pede ba?
A. basahin nyo ito.

yahoo, sugar, ombudsman

may nagdemanda sa yahoo, $3M lawsuit for not removing her nude photos uploaded by her ex-boyfriend on her profile.

yahoo launched photomail... pede ka raw magsend up to 300 photos in an email.

i was surprised this morning when i checked my blood sugar level. kahapon, kumain ako ng 2 basong ice cream, 2 ripe mangoes at ang daming kanin. then, bago natulog kagabi, uminom ako, 1 tablet ng aking gamot. i was expecting a high blood sugar level, kasi nga, dami kong nakaing matamis. but to a normal of 110 (di ko matandaan yung units), my measurement is 97! dami kong kinaing matamis, sobrang baba ng sugar ko?? di ko alam kung defective na ba yung pangmeasure ko or what? nagsukat din kasi ang inay kanina, 358 naman yung kanya, sobrang taas naman. (kumain din sya ng ice cream kahapon.) siguro, pacheck-up ako one of these days para makuha ko ano na ba talaga. i need an accurate measuring device, baka panay gamot ko, ang baba na pala ng sugar ko.

kakagulat itong balita, ombudsman sa batangas, binaril, patay. kanina lang umaga nangyari sa alangilan. e dumaan pa ako kanina dun nung paluwas ako dito sa manila a.

tinamad na akong maglagay ng links. basta, totoo lahat yan. isearch nyo na lang sa news.google.com.

Friday, May 27, 2005

miss photogenic

be one of the judges on Miss Universe 2005. Vote for Miss Photogenic here.

yun lang.

uwi

friday na naman, and as usual, uuwi na naman ako sa batangas bukas. bakit nga ba ako umuuwi every weekend sa batangas? here are the reasons... boring dito sa manila, walang cable tv sa boarding house namin; mainit pa rin sa boarding house namin; lahat ng kasama ko, umuuwi; mas masarap ang pagkain sa batangas, iba pa rin ang lutong bahay; may weekly meeting ang procyon; may washing machine sa batangas; at higit sa lahat, sabi nga ng isang kasabihan... "there is no place like home." and indeed, there really is no place like home...

featured site.... you may want to start a photochain here.

happy weekends!

Thursday, May 26, 2005

charlie's angels, kulitan

something unusual happened on "charlie's angels." mukhang nagkaaway-away yata sila. nagsanib ng pwersa ang dalawang angel, lagi nang magkasama at naiwan yata yung isa. kung dati ay lagi silang magkakasama sa pagkain, samasama sa paglalaro, magkakasama sa pagdidiet, nakakapagtaka yata ngayon na hindi na yata ganoon. nakita ko lang silang magkakasama kanina nung may official mission sila, nakakapagtaka na yung dalawang angel ay hindi sumabay sa pagkain dun sa isa samantalang after lunch e sabay sabay silang punta sa kanilang official mission. ano kayang nangyari??? ano kayang mangyayari, abangan ang susunod na kabanata. kapag nalaman ito ni charlie, lagot.

on other matters, nalalapit na ang pagtungo ko sa bansang Jordan. tentative is on June 9. may narinig akong feedback from our switch vendor na sabi daw e wag na wag daw akong patatawagin dun sa office nila at ayaw akong makausap. e kasi naman, makulit ako sa kanila, e kung hindi naman ako mangungulit e ako ang kukulitin... e nagkakulitan na. hehehe. well, anyway, no choice naman sya, lalo ko syang kukulitin.. hehehe. we are their customers and customer is always right, di ga? tama ga gramar ko??

site of the day.... actually, luma na ito at alam na ng mga classmates ko, got this site actually from penoy. heto na yun... pampaaliwalas ng araw nyo... EmotionEric.COM

Wednesday, May 25, 2005

random comments

swelduhan time na naman dito sa office, akala nung mga kasama ko, masyado malaki yung sinesweldo ko. syempre, confidential, pero kung susumahin, sakto lang sa pang-araw-araw kong gastos. wala na nga akong maipon, pakonswelo-de-matalino (hehehe) ko na lang e yung kotse, na wala nga akong naiipon, andyan na naman yung kotse na hinuhulugan ko.

buti naman at hindi pa natuloy yung increase sa pamasahe. ilang beses din naman nagrollback ang gasolina eh.

kahapon, nung papunta ako sa client namin at magkausap kami ng isa kong kasama, narealize ko na meron palang sinungaling dito sa office. nagsinungaling sa akin. i don't know his/her motives... basta, for me, certified sinungaling na sya, at hindi na ako basta-basta magtitiwala sa kanya. nasira na yung tiwala, mahirap na ibalik. sino? akin na lang yun. clue, kung binabasa mo ito, hindi ikaw yun. (unless she/he's my secret blog reader.)

featured site... ang relo ng mayayaman... nakita ko sa rockwell yung isang simpleng rolex na nakadisplay, ang presyo Php 166,000.00.

Tuesday, May 24, 2005

cool sites on the net

Here are the list of the sites which i categorically say as "cool"

search engine .... Google
encyclopedia .... Wikipedia
bible ... BibleGateway
easter eggs... Eeggs
blogging... Blogger
world records... Guinness
manila maps ...Findme


cool fact... as of today, today is the longest day, but tomorrow will be longer than today. check guiness for more info.

featured blog.... the dullest blog in the world

absent and english

i was absent yesterday and i was very glad to see that i got 30+ unique hits yesterday. this means that some of you are checking my blog even if i am offline on yahoo (i usually put the link on my yahoo status).. reason why i'm absent... diabetes. my blood sugar rose up again on a level my body cannot tolerate, causing dizziness on me. two tablets of medicine fixed the problem and i was able to drive to manila on the afternoon.

like what i have said before, we should understand and accept the things that we cannot change. that is true for me, i have already accepted the fact that diabetes is incurable, it will haunt me for the rest of my life. the only way for me to live is to accept it and control my blood sugar. sugar-less diet and a couple of medicines on my wallet, this is how i live now. i cannot eat the foods that i usually eat before. i still eat chocolates and ice cream moderately, maybe, once a month or once every two months. i only drink sugar-free softdrinks, but i avoid them as much as possible. i replaced softdrinks with C2, though its ingredients list indicates that it also contains sugar. One of the requirements for a diabetic to have a longer life is to have a regular exercise. This is my problem, i am the kind of person who hates perspiring. But still, i have to accept it so that i could extend my life a little longer. Plans of enrolling into a fitness gym always come across my mind, i have the budget but i don't have the time. Maybe, if someone will accompany me, i will try it. I still need to commit myself to this kind of activity, anyway, it is for my own good.

an english post... you are probably wondering why? well, our COO is checking our weekly status reports for grammatical errors, this is just one way to practice. comments.. anyone? how's my english???

that's all folks! now.. back to work.

Friday, May 20, 2005

now I know

because of my previous post, i found out that in yahoo, search results could be different though you are accessing the same domain name... www.yahoo.com. one of my readers told me that his search result is different than what was posted here. i investigated and found out that the yahoo ip address on his pc is 66.94.230.50 while mine is 66.94.230.47. it means that we are using different DNS server and yahoo has more than one web server, right? these two ip addresses, though, they are the same yahoo.com, produce different search results. you can try it... access yahoo on http://66.94.230.50 and search for "NAIA flight schedule", you'll see my site on top of the list... while on http://66.94.230.47, my site is nowhere to be found.

ngayon ko lang to nalaman!

NAIA flight schedule




someone tried to search on Yahoo with this keyword... "NAIA flight schedule"... guess what kung aling website ang number 1 sa search list... try nyo! i was actually surprised... hehehe

paano ko nalaman? thanks for freestats.

procyon

what do you get when these computer engineers come together???...

excel.... dakilang programmer nung college, kilalang kilala sa AMA Batangas nung kapanahunan nya... naging computer technician sa saudi.
morlan.... dakilang network admin, naging instructor dati, kahit ano, itanong nyo sa kanya regarding networking.. alam nya lahat...
allan... kahit bagong gising, tanungin mo sa programming, sasagutin ka nyan, saulado yung mga connection string sa database, saulado ata ang msdn... dakilang programmer
ron.... library systems expert, naikot na nya ang buong pilipinas sa kakainstall ng library system ng company nila...la salle group lang naman yung mga client nila...
leoncio.... lotus notes geek... magtanong kayo kahit ano sa lotus notes, kayang kaya nyan... sa galing nga nyan, nung makaaway yung boss nya, nagresign, me trabaho na ulit! matinik sa chicks... hehehehe
sherwyn... autocad expert, ang kagalang-galang na instructor sa AMACLC sa batangas... lahat ng estudyante, kabarkada nya... ang matindi dito, saulado ang mga Product Key ng mga software... ano, laban ka??
nanad... photoshop expert, kahit anong gusto nyong gawin sa picture, kaya nyan... dakilang web programmer din
marlon... network administration expert... sya yung may hawak ng IT department sa SM batangas??,
owen... dating instructor sa AMA, crush ng mga estudyante nya... naging network admin sa AMA at ngayon ay nasa Nigeria nga ba??
topher... wala akong masabi, chickboy nung college, ang alam ko lang ay nasa ibang bansa na living a happy married life, nakita ko pala sya minsan sa LTO nung kumuha ako ng lisensya...
marhgil... ang pinakawalang kwenta sa lahat... kung sa teks ay pamanggulo.. hehehe!

magkakasama na kami since college, magkakakopyahan sa exam, ang iba, since high school pa... at nung minsang magkatagpo e naisipang magtayo ng pagkakaperahan. hayun, nabuo ang Procyon.... oooppss... hindi po Prok-yon ang basa dyan... "pro-see-on". ngayon ay may niluluto kaming project na sana ay magtagumpay... Glimpse project... tungkol saan to??? secret... isipin nyo na lang kung ano kayang software.. or system ang mabubuo ng mga taong ito na dinescribe ko sa itaas... hehehe

yun lang, uwi nako ngayong gabi sa batangas! happy weekend!

Thursday, May 19, 2005

nagkasindakan

nagmamaneho na ako ng sasakyan mula nung high school pa ako, nag-umpisa sa motorsiklo, then, naging tricycle, naging kotse, naging dyip, pajero, at ngayon, yung kotse ko nga. sa tinagal-tagal ko nang nagmamaneho, first time ko kagabi nahuli for violating traffic rules. as in yun ang first offense ko, pero hindi pa rin ako natiketan, though aminado ako na it was really a traffic violation.

ito ang nangyari... malapit na kami sa intersection kung saan may stop light. 3 lane yung kalye and my aim is to turn right. nasa 2nd lane ako, gitna. nung mag-green ang traffic light, yung kotse sa harapan ko e nakatigil pa rin at hindi makaabante kasi merong isang bata na nililinis yung windshield nya. (tama ba naman yun, sa gitna ng traffic, papalinis ka ng windshield?) so, ang mali ko, sumingit ako sa left, then, nung malampasan ko yung car na yun, pinilit ko namang kumanan since dun nga ang punta ko. successful naman ako sa pagkanan ko, pero pagdating dun, pinara na ako ng apat na MMDA, 2 yung nakauniform, 2 na nakaT-shirt lang. syempre, first reaction is to defend myself, right? kaso, nagpapaliwanag kami, e sinisigaw-sigawan kami nung isa, at di nakikinig. sabi pa, yung kanina nga, doktor, hinuli ko, kayo pa ba? akala yata, naging MMDA lang sya e sya na ang may-ari nung kalye at lahat ng huhulihin nya ay pede na nyang sigaw-sigawan. yung isang yun, yun pa yung nakatshirt lang. kind of irritated with the treatment we are getting, tinawagan ko yung boss ko. well, papunta kami sa site nun kaya malakas ang loob ko tumawag sa kanya, we are in the line of duty, ika nga... hehehe. yung boss ko kasi, kamag-anak yung vergel de dios na mataas daw ang position sa MMDA. nung matawagan ko, ipinakausap ko sa kanila, ayaw pa kausapin nung isang naninigaw. nung magkausap sila nung kasama nya, maya lang e nawala na yung si maangas, di ko alam kung saan nagpunta. sabi ko dun sa kasama nya, since ganyan sila manghuli, "tiketan na niyo ako pero kukunin ko mga pangalan nyo, humanda kayo bukas," sabay bigay sa kanila ng lisensya ko. e medyo natakot na siguro yung isa, ang sabi ba naman sa akin, "sir, pede naman natin tong pag-usapan eh.", nag-init pa ako nun, sabi ko, "ngayon, nagpaparinig pa kayo na bigyan ko na lang kayo, irereklamo ko talaga kayo! humanda kayo bukas!" well, to make the long story short, ibinalik din nila yung lisensya ko, hindi ako tiniketan, walang kotong na nangyari at nakaalis din kami, hehehe.

well, i am not against the MMDA. talagang dapat ay nandyan sila, pero sana naman, they should educate their people, turuan nang tamang paghuli at pakikipag-usap. hindi yung naninigaw sila na akala mo e sila ang dyos. di ba, dapat, nakauniform sila kung manghuhuli sila? ano ba qualification para maging isang traffic enforcer ng MMDA? they should raise the standard, dapat, turuan silang magpaliwanag, kung talagang may mali ako, e dapat, maipaliwanag nila sa akin ng husay at hindi yung naninigaw sila. nakakuha sila tuloy ng katapat. well, i learned my lessons too... sa panahon ngayon, unahan lang yan, kung papasindak ka sa kanila, talo ka. mali nga yung ginawa ko, pero mali din yung ginawa nila, kwits lang kami.

adios.

Wednesday, May 18, 2005

bill

kung kasing yaman ko lang sana sya... i will do the same, kaso, yung kinikita ko, kulang pa sa akin eh...

new yahoo messenger

nakita nyo na ba ang bagong version ng yahoo messenger? beta pa lang sya, pero subukan ko na rin, dun na rin naman papunta yun eh. magdodownload ako mamaya... here is an article about it. download it here.

Tuesday, May 17, 2005

walang kwenta rin

walang kwenta rin

ako'y nahulasan
sa aking kalasingan
nang aking malaman
na kami'y nagkabanggaan

wasak ang harapan
gasgas ang likuran
at ako ay natuwa
dahil panaginip lamang

ang malakas na kidlat
ay nakakagulat
lalo na't ang kulog
ay nagkasunod-sunod

sa hirap ng buhay
ng isang kawatan
ako ay nagkaroon
ng isang kaibigan

ang impaktong nakatago
sa aming likuran
ay aming natuklasang
isang malaking kalokohan

tumila na ang ulan
matapos naming pagkasunduan
na bukas na namin gagawin
ang nakatakdang gawain

ako'y nagising
sa pagkakahimbing
matapos mapraning
ng isang halinghing

sa buhay na itong walang katiyakan
na kahihinatnan ng ating kalagayan
ako'y nananalig na darating ang araw
bawat hirap, may wakas, darating din ang sarap!

bow!

secret

i found this blog amusing.

harangan man ng sibat, kakain pa rin ako sa KFC

may nakaschedule sana kami ngayong maintenance support sa isang client namin dito sa pilipinas, ngayong gabi mismo. nung iconfirm ko kaninang umaga sa tech support nila kung tuloy as scheduled... ang reply nya... "tuloy tayo, harangan man ng sibat". kaso, ngayon, papunta na sana kami dun, kaso, hindi sibat ang humarang sa amin. isang malakas na ulan na may kasamang hangin, pagkulog at pagkidlat. hindi nga ako makalabas, nakakatakot bumyahe.... ang tatalim ng kidlat eh. so tinawagan ko na lang sya, sabi ko, "sir, resched na lang natin... wala ngang sibat... pero hinarang kami ng kidlat." yun, ngayon, andito pa ako sa office, naghihintay na pumayapa na ang panahon para makauwi na. malas pa kasi coding ako ngayon, hindi ko dala ang kotse at wala akong payong!!! anong oras kaya ako makakauwi?? bahala na si lord.

interesting site i just visited right now... the anti-KFC site. reaction ko... masarap ang chicken sa KFC... do I need to know pa ba kung paano sila kinatay??? e yung hita nga e nilalamon ko? hehehe. what do you expect when killing an animal? yung binibaby? nung may manukan nga kami dati, ang father ko pa yung pumapatay ng manok. syempre, pagkapatay nung manok, aalisan ng balahibo, then, paghahati-hatiin yung katawan, hiwalay yung hita, pakpak, etc... does it make him a bad person??? ipinagbawal ba ng Diyos na kumain ng hayop ang tao?? e paano mo kakainin yung hayop kung hindi mo papatayin?? hey, men are omnivores!!! kung lagi mong iisipin kung paano pinatay ang isang hayop bago mo kainin, e di magpakavegetarian ka na nga lang talaga. basta, masarap ang KFC at kakain pa rin ako dun. hehehehe!

responsible journalism, acceptance

responsible journalism... that is what we need. sana, bago naman sila magreport ng kung anu-ano sa magazine nila, they should verify their report... para hindi naman gumugulo ang mundo. nagretract nga sila, but the damage is already done. nagkagulo na sa afghanistan, may mga nasugatan na at namatay. suggestion ko: kunin kaya nila akong editor... hehehehe. lahat ng pinopost ko sa blog na ito, totoo, verified and tested. ano ba pinagsasasabi ko? visit nyo na lang ito.

sa mga nag-sorry sa website na ito... di ba, kasama ako sa mga hinihingan nyo ng tawad??... ang masasabi ko lang...apology accepted! talagang ganyan ang buhay, you have to accept the things that are beyond your control.

walang kwentang tula

nakita ko ang tulang ito sa isang sulok ng aking kukote... walang kwenta kung iyong babasahin, pero gamitan mo ng simbolikal na interpretasyon, at masasabi mong, wala pa ring kwenta... hehehehe.



walang kwenta

habang naglalaro ang aking kaisipan
sa mga bagay na hindi ko nalalaman
ay aking napag-alaman
na ako pala ay may kayamanan

sampung katao sa kalawakan
ang umakyat sa kaibabawan
ng bundok sa kaliwanagan
ng araw na kainitan

sa aking paglalakbay
mayroong kaakibat na kaaway
na sa pag-asa'y pumapatay
ng pusong walang kamalay-malay

lumipad ang aking diwa
at nakarating sa wala
hindi mawari ang kinahinatnan
ng pag-ibig na pinabayaan

dalawamput limang taon
sapat na ba para mabuhay
o kailangan pang dagdagan
para makaahon sa kahirapan?

lumusob ang mga inaapi
at pinatay ang mga nang-aapi
lahat ng tao ay namatay
at dumating ang kapayapaan

ano ang dahilan
at ako'y iyong iniwan
sumama sa isang kaibigan
na isa palang kaaway?

nagdilim ang paligid
walang makita kundi pusikit
nabulag na ba ang aking paningin
o ako pala ay nakapikit

sa loob ng walang hanggang buhay
paano kung gusto ko nang mamatay
ako ba ay pagbibigyan
sa aking munting kahilingan?

nagsalubong ang aking kilay
at nagkita sa kalagitnaan
nag-usap ng kahiwagaan
sa loob ng kawalan

bow!


Monday, May 16, 2005

computer literacy history

lahat tayo, nag-umpisang tanga sa computer, di ga? ewan ko, sino kaya dito ang ipinanganak na marunong na kaagad magcomputer... wala, di ba? eto ang aking computer literacy history....

ang unang OS na nahawakan ko ay windows 95, natuto muna ako sa windows 95 bago ko napag-aralan ang DOS. bumili kasi ng computer ang aking father at wala pa kaming computer subjects nun... e pre-installed na yun ng windows 95, kaya yun ang una kong natutunan...

syempre, sa umpisa, tanga ka pa gumamit ng mouse... pahirapan ka pa patamain yung arrow sa icon na gusto mong iclick... at pahirapan ka pa rin magdouble click... ewan ko sa inyo kung sino ang hindi dumaan sa ganung stage...

syempre, games muna.. solitaire... windows eh. i remember na gusto ng father ko dayain yung solitaire... ilalayo nya yung isang file ng baraha tapos pipilitin nyang kunin yung baraha sa ilalim na gusto nya... e hindi naman pede, syempre, babalik at babalik yun sa pwesto nya... kahit gaano kabilis pa sya magclick, hindi nya madadaya yung computer... hehehehe.

then, i started studying ms excel. self study... may aklat noon sa amin about sa excel, aklat ng kapatid ko. so yun ang binasa ko... ang naencounter ko namang problem, yung paano ireretrieve yung saved file. ang labo kasi ng instruction... hindi ko maintindihan... hayun, hanggang madiscover ko na lang na ganun pala... then yung mga formula sa excel, dun ako natutuwa... well, may pagka math geek (yabang!) din ako kaya kung ano ano formula at graphs pinaggagawa ko dun...

so, yun na ang umpisa... at nagtuloy tuloy na, natuto ako magprogram using turbo pascal as my first language. then c++, then kung ano-ano na.... sabi nga, if you are a programmer, kahit ano pang language yan, if you know how to formulate a logic, kayang kaya mo yan... di ga? ang mahalaga, alam mo gumawa ng logic and the language will just serve as a tool to attain your goal, di ga???

first website visited.... ang natatandaan ko, sa computer shop pa yun... www.altavista.com, nabasa ko kasi sa guinness book of world records (binili kong aklat na ipinangregalo ko sa ex ko) that it is the largest search engine during that time... pero ngayon, google na lang ginagamit ko

first email address... syempre sa yahoo... marhgil@yahoo.com... akin lang yan, walang nakaagaw... nag-iisa kasi ang marhgil sa mundo!

first news site visited... ang natatandaan ko... yung sa manila bulletin, wala pang inq7 nung panahong yun.

first chat tool... i used MIRC... usong uso sa school namin yun... puro mirc gamit... usually, tambay ako sa #batangas, ang first registered nickname ko nun... prof_lupin... medyo addict pako sa harry potter books nun kaya yun ang ginamit kong nickname

first yahoogroups joined ... iglesianicristopride... dun ko nakilala ang aking special someone...

ano pa ba?? first blogging tool... i don't know if you can consider it as blogging tool, pero parang ganun na rin... yung sa www.my-diary.org. produkto ng kawalang makausap sa kuwait, at nagtuloy tuloy na nga hanggang dito...

yun lang muna... bakit ko ba naisipan ipost to?? ewan ko, siguro, may mangyayari mamaya. malay nyo, bukas, minumulto ko na kayo.. hehehehe. bakit ka nyo may mga highlight and links yung post ko ngayon?? ewan ko nga ba, sinipag na naman magedit.

website, stocks, e-pass, patay, sugar, temperature

just recently, i heard that our company is planning to "renovate" our website. my first reaction... "Again??" ang sa akin lang, ok naman yung website, nababasa naman, hindi naman mukhang mumurahin yung dating, andun naman lahat ng information, e bakit kailangang gumastos na naman ng malaki para baguhin? will changing the face of the website generate more clients? i don't think so. sa halip na gumastos sila sa website, bakit hindi na lang sila magsubscribe sa mga search engine para maging mas madaling hanapin yung website namin. yun bang tipong pagtype mo ng "ivr" e pag click mo ng "im feeling lucky" sa google e yung site namin ang lalabas. or kahit hindi number 1, kahit dun lang sa "sponsored links" sa right side ng google. i think, it can generate more visitors, and more visitors means more possible clients, di ba? pede rin na sa mga popular news site, magsponsor sila ng link. like sa inq7, manila bulletin or philstar. kasi, kahit gaano kaganda yung website mo, kung hindi naman popular, wala din. kung gagastos din lamang, sana, dun sa makakatulong ng malaki sa company, or kung wala lang talaga silang magawa sa pera e gamitin na lang nila para increasan ang aming transportation allowance, since magmamahal na yung pamasahe... di ga? ayos yun!

siguro, iniisip nyo, e bakit dito mo sinasabi yan at hindi sa mga boss mo? e ano gang paki nyo? hehehe. seriously, hindi pa naman nila ako tinatanong eh, (ewan ko lang kung balak nila akong iconsult regarding this matter). pero kung tanungin ako, e di yan ang sasabihin ko, pero kung hindi, alangan namang pangunahan ko sila. wala pa naman akong rights dahil yung stocks na balak na ibigay nila sa akin e naririnig ko lang pag may nagreresign na empleyado, e hanggang ngayon naman e wala pa akong natatanggap na stocks... (asa pa!)

other matters...

pag nagkatime ako this week, magpapakabit na ako ng E-pass card dun sa kotse ko, para hindi na ako natatrapik dun sa SLEX tollgate.


last week, dalawa sa aking kamag-anak ang namatay. ewan ko ba, nung lumuwas ako nang manila, nakaburol yung lolo ben ko, pag-uwi ko last saturday, sabi ng inay, namatay din daw yung pinsan namin, biglaan. sabi ko, "kelan ang libing, maglalamay na naman pala ako.." sagot nya... "nailibing na rin kanina." hay ang buhay nga naman, una-unahan lang. katabi mo lang kanina, bukas, minumulto ka na... hehehe

taas na naman ng sugar ko... kung pede lang itong iextract sa katawan ko at ibenta, e di mayaman na siguro ako, makapagtayo ng azucarera (tama ba?)...

pag naiinitan ako, iniisip ko na lang ang kuwait... mas impyerno ang temperature dun, umaabot ng 50 degrees. nakasurvive nga ako dun, e dito pa kaya? di pa nga umaabot ng 40 degrees.

salam.

Friday, May 13, 2005

good luck!

currently doing a proposal for a company in Syria... e medyo nabagot ako kaya heto, blog muna. hehehe. anyway, iL try to send this proposal naman bago ako umuwi, tanghali pa lang naman dun sa middle east.

well, ano ba masasabi ko? just like to say good luck to one of my long time officemates na finally e aalis na dito dahil nakakita ng mas magandang opportunity sa labas. well, talagang ganyan ang buhay, some people come, some people go. syempre, pag andyan yung magandang opportunity, grab it at baka makawala pa, di ga? sana, makuha mo na yung 5-year goal mo pag-alis mo, ano nga ba yun? yung pumayat?? kaya mo yan, miracles do happen... hehehe. sana bago ka umalis, maglibre ka naman! sa mga hindi sya kilala, eto blog nya.

ok, back to work.

friday the 13th

hey, it's friday the 13th... and ironically, i felt lucky today. una, maaga akong nagising at hindi ako nalate pagpasok, pangalawa, walang traffic at walang pasaway na driver na sumira ng araw ko, pangatlo, buhay pa ako! hehehe. akala ko, gagawa na naman si GMA ng executive order, pagpapalitin ang May 13 at May 14, para maiwasan ang Friday the 13th, hehehe. since enjoy syang paglaruan ang mga date sa kalendaryo. meron akong prediksyon.... sa June 13, walang pasok, uunahan ko na si GMA. Since June 12 falls on a Sunday, iaadjust nya yan.

sige, trabaho muna ako. mamaya siguro bago ako umuwi, magpost pa ako ng isa pag may nabuong ideya dito sa kukote ko.

Wednesday, May 11, 2005

who read my blog?

using the information from freestats.com and geobytes ip locator, i just found out that...

someone from chicago, Illinois read my blog ... 68.252.136.252
someone from Pomona, NY read my blog... 222.126.50.1
sometwo (hehehe) from Cebu read my blog... 203.131.68.164 and 203.177.126.151
sometwo from japan read my blog... 192.51.44.43 and 192.51.44.46


rest of other IP addresses came from Manila.

i don't know if this is accurate... siguro, ewan ko.

yun lang, uwi na ako, gabi na! may pupuntahan pa kaming showroom bukas, kailangan daw, 9AM, andito na sa office! sana, magising ako nang maaga!!!

anilao outing

the pictures are already uploaded on Coin Operated Boy's photoblog. ang saya... eto favorite ko... Marcobain's Underwater Smile... hehehehe.

yun lang.

hit counter

naglagay na naman ako ng hit counter dyan sa sidebar. dati, meron na yan, kaso, inalis ko kasi, yung hit counter, biglang tumigil magbilang, kaya inalis ko na lang. ginamit ko naman yung serbisyo ng freestats, dito naman, ako lang nakakakita kung ilan yung nakadaupang palad ng blog na ito, including yung IP address nyo... hehehehe. Well, naisipan ko maglagay ulit ng hit counter, kasi, nakita ko dun sa freestats... i'm hitting almost 50 unique visitors na per day... got 48 yesterday. so, check ko lang kung totoo, baka niloloko lang ako nung freestats na yun... hehehe, dali naman maggawa ng imaginary hits di ba? at least, dalawa ngayon yung basehan ko. para saan ba tong counter na to? at least, alam ko na may bumabasa ng blog ko. request ko lang, sana, lahat ng sinulat ko dito e mabasa pa rin ng mga apo ko... hehehe.

minsan, naisip ko rin maglagay ng shoutbox dyan sa sidebar, kaso, nagbago isip ko... kasi, hindi naman sumisigaw yun eh, tahimik pa rin... hehehe.

yung nag-aabang ng pictures sa anilao, malapit nang magupdate si Coin Operated Boy... baka bukas, andyan na.

may itinayo pala kaming company ng mga kabarkada ko. kumpanya na kapag lumago na at yumaman na e baka magresign na ako dito, pero habang wala pang resulta... e dito muna ako. anyway, wala namang conflict of interest eh. dito, ako ay empleyado, doon, ako ay employer. wala talagang conflict... hehehe. eto pala temporary website namin, mahirap pa kami, nag-iipon pa kaya dito muna kami sa free web hosting.

yun lang muna.

3rd frustrated banggaan

muntik na naman ako kanina... pag-ahon ko papunta sa parking space dito sa building namin, hayun, meron na namang tatanga-tangang driver na dumaan sa hindi nya way, buti na lang at nakapreno na naman ako, kung hindi ay head to head collision. this is the 3rd time na muntik na... they are really testing my defensive driving skills ha.. baka sa susunod, tamaan na ako... wag naman sana.

work muna ako.

Tuesday, May 10, 2005

computerized payslip

after 2.5 years of working here, ngayon lang ako nakareceive ng computerized na payslip. naalala ko tuloy ang mga hinaing nung mga kasama ko dati, na kaya daw hindi mahonor sa application ng credit card yung payslip namin, kasi nga e handwritten lang. sabi ko ay ipascan na lang, tapos iprint, para computerized na... hehehe. hayun, new management, mukhang may improvement, sana tuloy tuloy ang improvement, since tataas na yung pamasahe sa May 25, dapat may improvement din sa sweldo, or kahit sa transportation allowance, di ga?

about outing sa anilao, ok lang, masaya. yung pictures, hintayin nyo na lang na ma-update ang photoblog ni Coin Operated Boy....

eto muna, mamaya na ulit ako magbblog, pag sinipag ulit.

Thursday, May 05, 2005

outing sa anilao

mag-oouting kami sa anilao, batangas bukas... yun lang =)

dirty finger?

totoo bang may ministro ng INC na nanggulo sa "Grand Bible Exposition" ng Ang Dating Daan ni Eli Soriano sa General Trias, Cavite at nagpakita pa raw ng pambabastos sa pamamagitan ng paggamit ng dirty finger sa kanila. Ito daw ang kanilang ebidensya...

dirty finger 1, dirty finger 2, dirty finger 3, dirty finger 4, dirty finger 5. dirty finger 6.

i don't want to post the picture here, baka kasi sabihin ay inedit ko pa, kayo na lang ang tumingin dun sa link. Now, kung ikaw e ordinaryong tao at walang alam sa computer, eventually, maniniwala ka na, di ba? kahit ako, when I first saw it, kahit INC ako, first impression ko, totoo ba ito?? grabe naman kung totoo, di ba?

now, since andyan na yung link, ang request ko lang sa inyo ay try to do some investigation. is this picture original and unedited??? pano mo malalaman? download nyo yung picture, open nyo sa MSPaint or kahit anong picture editor na may ZOOM-IN capability. Then, zoom nyo yung kamay nya. Then, kayo na magdecide, original o mangled??? sa tingin ko, it's mangled... kayo?? ano sa tingin nyo???? come on... kayo na tumingin.

Question ko lang... kung totoong nagdirty finger yung INC minister na ito, bakit kailangan pang mag-edit ng picture?? natural, dapat, meron silang authentic, di ba? kahit INC ako, kung talagang authentic yan, nakakahiya, di ba?

message ko para kay Soriano... totoo bang ang Dyos nyo, may puwet? O wala?? alin ba talaga turo mo??? e ikaw pareho ito eh....

yun lang...

tips on google search

i don't know if you already know these things, just want to share to those who don't know... hehehehe


syempre, alam nyo na naman yung image search ng google, so i don't need to elaborate on that, pag nagsearch ka, gif, jpg files ang result, di ba? what if naghahanap kayo ng pdf file, xls file or doc file that discusses a certain topic, pede bang magsearch sa googel na pdf files lahat yung result? or xls file lang ang result? or whatever extension pa yan? pede! paano??? use the "filetype:" keyword.

Example: you want to "hack" something and probably wanted to see if there is an excel sheet on the web that contains password information... here is what you should do: punta ka sa google.com, then type mo sa search box "password filetype:xls" (syempre without double quotes)... then click search... anong result??? lahat yan, excel sheets that contains the word "password", di ba?? if you are looking for pdf file, ganun din, syempre, do I need to elaborate pa ba?? gusto nyo confidential documents? search nyo "strictly confidential filetype:doc" hehehe. katangahan din naman nila kung may makuha kang docs na strictly confidential, e bakit nila inupload sa web, di ba??? actually, try nyo, ang daming results...hehehehe


another important keyword sa google ay yung "define:", ano naman ginagawa nyan?? e di subukan nyo... type nyo "define: apple"...

yun lang muna... pag sinipag ulit ako, turuan ko pa kayo...

note: if you find this information useful... e di useful, anong magagawa ko??? san ko nalaman yang information na yan? di ko na matandaan eh, basta, nabasa ko lang din yan, kung ikaw ang original na nakakaalam, e di iyo na, hindi ko naman inaangkin... hehehehe

Wednesday, May 04, 2005

nagkablogan na!

hindi ko alam kung anong masamang hangin ang dumaan dito sa office namin at nakaisip magblog ang mga tao. dati e dalawa lang kaming blogger dito sa office, si akira posh at ako nga. ngayon, dala siguro ng kawalang magawa... hehehe, e nagsulputan ang blog ng mga kasama ko dito sa office... heto sila: blog ni marco, blog ni francis, at ang maluphet na blog ni benjo... sana lang, wag silang ningas kugon, na sa umpisa lang ganado magblog, after ilang months, wala nang update... hehehe....

quick note... kahapon, naiwan ko ang susi ng car ko sa loob ng office, hayun, hindi ko nadrive ang car ko ngayon... grrr.

that's all folks!