Thursday, June 10, 2004

A long busy day... and a long post too!!!

Gumising ng 8:00AM. Naligo, nagtoothbrush, nagbihis, tumawag ng taxi, pumasok sa office. Pagdating sa office, kinausap ang kasama kong pana, tinuruan sya magconvert ng voice files in batch run from 8000 sampling rate to 6000 sampling rate. Handa na sana magpunta sa BKME to do some testing, kaso, nakatanggap ng tawag si Boss. After the call, nilapitan nya ako, I have to go raw sa KFH Hawalli, may problema. Ang problema, may error daw sa credit card option ng telebanking. Sabi ko, nagsend ba ng logs? Hindi raw. Sabi ko, ok puntahan ko. Tumawag sa secretary, nagpaschedule ng kotseng maghahatid sa akin papunta sa KFH.

Pagdating sa KFH, nakita ko kaagad si Husam, ang friend kong taga KFH. Sabi ko, what's the problem? Nagtest daw sila sa development, wala daw credit card yung account na hawak nila, pero yung option for credit card ay ipiniplay ng system. Sabi ko, did you check your logs? Are you sure that account does not have credit card? Sagot nya, NO. Patay na, sabi nang icheck muna nila system nila bago ako tawagan, duda ko kasi, sila may problema. So, punta ako sa server room, chineck ko yung development server for THEIR logs. At nakita ko nga, ERROR IN CONNECTION. Sinave ko yung logs, kinuha ko yung trouble ticket, print yung logs, kumuha ng highlighter, at hinighlight ko yung error nila. Tapos nilagyan ko ng paliwanag, if the IVR is not sure whether the caller has credit card or not as in this case where your database connection is lost, IVR will play the credit card option to avoid callers with credit card complaining about it. It will play "Service temporarily unavailable" when caller select that option. Ayos ba English ko??? Hehehe. Tapos, stapler ko yung logs sa trouble ticket. Nilagyan ko ng malaking note sa harap ng trouble ticket. KFH DLL ERROR!!!

After that, may isa pang trouble ticket na ibinigay sa akin, wala daw Civil ID yung data na nareceive ng isang agent sa kanyang computer, pero may account number daw. As usual, kinuha ko yung KANILANG logs, at ipinakita ko na blangko yung Civil ID ng account number na yun. Print ko ulit yung logs at highlighted ulit yung error. Sabi ko,KFH DLL ERROR!!! the application will not display the civil id of the caller because YOUR DLL did not give the information to us. SEE ATTACHED LOGS! Then, nilagyan ko ng recommendation, stop opening ASSR regarding lost civil ID data, this is obviously your DLL problem, this already happened 3x, fix your DLL if you want civil id to appear always.

Ayos, tapos trabaho ko. Ala una y medya na nun, ng matapos lahat lahat. Bakit ka nyo ang tagal? E apat kasi yung servers namin, at bago ko makita yung logs, isa-isa kong hahanapan. Hindi kasi nila prinovide yung logs dun sa side nila para malaman ko kung saan mismong server makikita yung logs.

Sabi ko, tanghalian muna ako. Labas kami ni Zahid, yung isang taga ITS na kaibigan ko rin. At paglabas ko, hay, sobrang init. 46 degrees!!! Nagsaklob ako ng tuwalya, sobra talaga ang init, nakakahilo. Pagdating sa Indian restaurant, kain. Pagkakain, balik sa KFH. Tapos, tawag sa ITS. Pasundo sa kotse. Kailangan ko kasing bumalik sa ITS, may urgent meeting daw kasi with the General Manager ng 3:00PM. Dumating ako sa ITS, eksakto, 2:55:PM. Diretso sa table ko, nagsuklay ng konti, diretso na sa meeting room.

Haba ng meeting. Di ko na ididiscuss dito. Di ko kasi masyado naintindihan, English eh. :) Basta, natapos ang meeting, 6:30PM na. Pagkatapos nun, uwi na ako. Sumuno sa kotse ni Santaraj, kaibigan ko rin na sa same building na tinitirhan ko nakatira. 7th floor sya, sa 9th floor ako. Pagdating ng bahay, higa, pahinga. tulog.

8:30PM, Gumising, umorder ng pagkain, kumain. Nood TV, bukas internet. Make this post. And then, mamaya lang tutulog na ako. That's my day today. Last day in this week. Weekend kasi bukas dito! Thursday and Friday kasi ang walang pasok. Yahoo! Makakapahinga din.

What I learned today: Kahit ganito ang buhay ko, I should be thankful, kasi, sa opisina ako nagwowork. May aircon. Paano na kaya yung mga kababayan natin na sa labas nagtatrabaho? Yung mga kargador, karpintero? E ako nga, maglalakad lang sa labas para kumain, sumasakit ang ulo ko sa init. Paano kaya sila? Ang lalakas naman ng resistensya nila. Ang masasabi ko lang, sa mga kababayan kong may mga kamag-anak na nagtatrabaho sa Middle East, mahalin nyo sila. Napakahirap ng malayo sa pamilya. Napakalaki ng tinitiis na hirap nila dito, lalo na yung mga sa labas nagtatrabaho. Sana, pag-uwi nila, show them how much you appreciate the things they are doing for you.

Yun lang, naging preachy yata ako ngayon. :)

Salam

No comments: