Thursday, June 10, 2004

Google's Gmail

Since walang pasok bukas, yung mga pumapasok sa kukote ko na gusto kong ipost, isusulat ko na ngayon.

Kita nyo yung topic ko? Google's Gmail. Have you heard of it? Siguro naman. Hindi pa sya available publicly, pero in the near future, ilalaunch na sya. At isa ako sa mga nag-aabang na makakuha ng bagong email account dito... marhgil@gmail.com. Bakit ka nyo?? Sana totohanin nila yung sinasabi nila... 1GB free space!!! Grabe, kung tototohanin nila ito, bagsak ang negosyo ng mga email providers na dito kumikita. Sino pa ang babayad sa kanila kung pede na palang magopen ng account with 1GB disk space? Di ba, this is a nice move from Google. And this has a nice domino effect. Bakit kanyo?? E yung yahoo, naglabas na rin ng announcement na they will upgrade their free email to 100MB!!! Yung iba kaya? Gumaya rin? Sana, totohanin ng Google, at totohanin ng yahoo. Siguro, susunod na rin ang Hotmail. I am waiting for that. Yung privacy issue versus Gmail, sus! sigurado nagpupush nun, yung mga email providers na hindi kaya tapatan ang service ng Google. It is true na binabasa ng computer ng google ang mga email, para malagyan daw ng advertisement sa tapat, depende kung ano ang subject sa email nyo. Invasion of privacy nga siguro, pero sino ba nagbabasa? Tao ba? e computer naman eh, hindi naman tsismoso yun na ipagsasabi yung nakasulat sa email mo. These are electronic scanners to see the content of your email to post an advertisement related to your email. Ayaw mo pa nun? 1GB lang naman ang katapat na space. And take note, hindi ba, matagal ng ginagawa yun ng mga Anti-Spam softwares??? Paano nila malalaman na spam yung email kung hindi nila nascan yung content? So, it is not actually a big deal! Matagal nang nangyayari na may computer na nagscan ng content ng email natin sa yahoo man or sa kahit anong email service na may anti-spamming capability. Magkaiba nga lang yung purpose ng Google at ng anti-spam softwares. Pero pareho ginagawa nila, do you think, its invasion of privacy??? Yun lang... kelan kaya ang official launch?? Sa mga makakabasa nito, reserved ko na yung marhgil@gmail.com ha!!! Walang aagaw... hehehe, sino ba naman kapangalan ko sa mundo?? Wala naman eh, kaya lahat ng account ko, first name ko lagi ang username, without conflicts!!! Unless totohanin ni Mam Glo yung sinabi nya na pag nagkaanak sya, Marhgil din ipapangalan nya, para daw may kapareho na akong pangalan sa mundo. hehehe. Nalayo na ako sa topic. Masasabi ko lang, Go Google Go!!! Nang mabawasan kami ng gugulin. hehehe.

Note: if you want to know kung totoo ang mga pinagsasabi ko dito, e di iresearch nyo... tinatamad na akong maglagay ng link kung saan ko nabasa yang mga bagay na yan eh. Basta totoo yan! hehehe

1 comment:

Anonymous said...

i'm also one of those low life souls na naghihintay for that GMAIL to rock....