Wednesday, June 09, 2004

A day not so good for me

Dahil siguro sa init kahapon, na pagpalipat-lipat namin from BKME to our office, hindi ako nakapasok ngayon. E paggising ko, grabe sakit ng ulo ko. Gustuhin ko mang bumangon para maligo, wala ako magawa. E pagbangon ko pa lang, parang matutumba na ako sa hilo. So, inihiga ko na lang at itinawag sa boss ko na hindi ako makakapasok. Bad trip nga ako eh, gusto ko pa namang itest yung ipinadala sa aking DLL ng boss ko sa Pinas. Hindi pa kasi yun tested at wala kaming environment para matest yun. Kanina sana, natest ko, kaso nga, walang choice.

Nung bandang tanghali, kahit medyo hilo pa, i tried na maglakad para tumawag sa phone at magpadeliver ng pagkain. Hindi ako gagaling at lalong sasakit ang ulo ko kung hindi ako kakain. Di ba? So, tumawag ako sa Pizza Hut at nagpadeliver ng Pizza. Nung makakain ako, medyo masakit pa rin ang ulo, nagpahinga lang ako at nahiga na ulit. At ngayon lang ulit ako nagising. Wala na ang sakit ng ulo, pero, gutom na ulit. So, tumawag na ulit ako sa phone, KFC naman. Tapos nag-online na ngayon.

Sa mga nakabasa ng last post ko sa dati kong diary, nagkakamali po kayo na kaya ako ay nahilo ay dahil sa kasama ko sa bahay. :) Anyways, hindi ko pa ulit sya nakikita, nung magising kasi ako, nakapasok na sya, at ngayon, mukhang dumating na sya pero nasa labas para kumain. Nag-iba kasi ang channel sa TV kaya alam ko na dumating na sya. :)

Sige, mamaya, darating na pagkain ko. Kakain, tutulog, at papasok na bukas. Ano ba talaga magandang vitamins na inumin sa panahong ito ng kainitan, kung saan katabi lang ata namin ang impiyerno?

Salam

No comments: