Thursday, August 03, 2006

smart sideline

mamaya ay makukuha ko na ang aking bagong prepaid Smart SIM card with the same number nung nanakaw kong SIM kasama nung cellphone. kung meron lang sana kahapon na available sila ay nakuha ko na sana, kaso, wala daw kaya ipinagpareserve pa nila ako. it's nice to know na yung prepaid SIM card pala ng Smart ay pwede mong maretain ang number kapag nanakaw yung SIM. yun nga lang, kailangang gumagamit ka ng Smart Money para magrant yung request mo. Ginagamit ko lang naman yung Smart Money ko sa sideline kong prepaid pinoy. kaya doon sa mga retailer ko, bukas, tuloy na po ulit ang business nyo, pero hintayin nyo muna ang text ko bago kayo magdeposit ng pera, ok? pasensya na kung medyo natagalan bago ko naayos at medyo may katagalan talaga.

kung meron sa inyong interesadong makisideline doon sa sideline ko, open pa rin ako. ang dami rin kasing retailer ko na tumigil na dahil hindi marunong magbenta, lahat na lang, ipinautang, hindi naman pala makulit maningil. kaya hayun, naubusan ng puhunan. kaya nga prepaid eh, bayad muna bago gamit, tapos, ipapautang nila. buzz me na lang sa yahoo kung interesado kayo. andyan sa sidebar ko, makikita nyo naman kung online ako.

patalastas: may bago sa textmates!

yun lang!

2 comments:

Yax said...

yehey! sa wakas, game na ulit! ;) hihihi. will b waiting for ur text! :)

rHo said...

talaga naman kuya... business-minded ka nga!! magaling-magaling... hehehe!!!