Tuesday, August 29, 2006

kwentong kolehiyo

when i was in college, may kaklase akong pagdating sa programming ay pagkagaling, kaso, pagdating ng math subjects, hindi sya kagalingan. meron din naman akong kaklase na pagdating sa math subjects ay pagkagaling din, pero pagdating naman sa programming sya sumasablay. pareho silang extremes. isang programming geek at isang math geek. although they are both experts, hindi nila nakuha yung highest weighted average sa lahat ng subjects. at sino ang nakakuha? ako. hehehe.

most common mistake kasi ng mga estudyante, kung saan sila magaling, yun na lang ang inaaral nila. yung mga allergic daw sa math at magagaling naman sa ibang subjects, yun na lang ang pinag-aaralan nila. kaya hayun, graduate na sana, kaso, sumabit sa math. meron namang mga math wizards, puro math books lang naman ang hinahawakan. kaya hayun, sa math lang nakapasa, pasang awa at bagsak naman sa ibang subjects.

ito lang naman ay opinyon ko. kung magaling ka na sa mathematics, e bakit yan pa rin ang lagi mong pag-aaralan? magaling ka na nga dyan. eh di hawakan mo naman yung ibang aklat na kinaiinisan mo. devote 10% of your time sa math at 90% sa mga subjects na kinaiinisan mo, ewan ko lang kung bumagsak ka pa. ganyan ang ginawa ko nung college eh. bihira mo akong makikitang humawak ng math books kapag malapit na ang exam. ang makikita mong pilit kong isinasaksak sa kukote ko, yung mga subject na hindi ko type, yung maraming memorization gaya ng history, philippine constitutions, taxation and land reform at kung ano-ano pa. wala eh, kailangang ipasa rin sila eh, no choice.

how do you prepare for exams? every session is a preparation for exam. huwag kang lalabas ng klase na wala kang natutunan kahit konti. kung maaari nga, magtanong ka kung meron kang hindi naintindihan. para maliwanag ang lahat, para a day before the exam, review na lang ang gagawin mo. tama? kung hindi ako nagkakamali, eh di tama yan. =)

nung college ako, lalo na nung 1st and 2nd year, ang trip ko ay mag-advance study. tapos, during klase, nakikinig naman ako, hindi para matuto, kundi para maghanap ng sa tingin ko ay maling itinuturo ng instructor. hehehe. na kapag may nakita akong sa tingin ko ay mali sa aking pagkaintindi, magtatanong ako. i remember one time, natapos ang isang oras ng paikot-ikot na pagsosolve sa black board ng aming instructor sa calculus matapos kong magtanong. syempre, she's trying to prove na mali ako at tama sya, kaya on the spot, pilit nyang pinagtatama yung mali, hehehe. hindi naman ako sumasabat, nagtanong lang ako dahil may nakita akong mali, pinanindiganan nyang tama sya at pilit na sinolve doon sa black board. hanggang sa natapos yung klase na ginawa na lang assignment sa amin yung sinosolve nya. kinabukasan lang sya umamin na may mali nga sa ginawa nya. hehehe. well, that instructor gave me a flat 1.0 grade. kaso, wala ring silbi, saan ko ba naman gagamitin yun? e ano ngayon kung ang derivative ng x2 ay 2x at ang integral ng x2 ay x3/3 + c? hay naku, ang dami talagang itinuro sa college na hindi ko alam kung saan ko gagamitin. hehehe. mas nagagamit ko pa ang itinuro nung elementary na four major math operation eh, yung plus, minus, times at dibaydibay. hehehe.

tama na, medyo mahaba na ang post ko na ito. wala lang, napakwento lang.

yun lang!

5 comments:

Anonymous said...

ako pumapasok dahil sa baon..kaya nag e-excel lang ako during recess..heheheh joke!

Anonymous said...

sana noon pa lang nabasa ko na ang post mong ito, hehe. hate na hate ko kasi nun ang chem 31 kaya take two, hehe :)

fayenget said...

ako hate ko math... although hindi ako bumabagsak o mababa ang grade hindi ko lang talaga feel yung subject. Kaya pinakasalan ko hindi lang yung magaling sa math kundi magaling sa lahat ng subject. para naman may talinong makuha anak namin hahaha!

Yen Prieto said...

buti ka pa magaling sa math.. ako talaga super hate ko.. lahat ng my numbers nung college ayaw ko at nanga2mote tlaga ako sa mga problem solving na yan. tama ka nga hndi naman naga2mit lahat ng iyun ngyn sa work..bsta marunong mag add, subtract, multiply at dibaydibay haha..

lheeanne said...

waaaaaaaaaaaa.. edi magaling ka pala sa math kung ganon... malamang hanggang bituka sa tyan ang kukote mo.. ako kc eh napunta sa siko ang aking utak... pasado nman ako at wala kahit na isang bagsak, kc nagawa ko yan.. i divide my time..a t syempre magaling ako mangopya!