Friday, August 18, 2006

keys me

napanood ko yung magpakailanman kagabi tungkol sa buhay ni alyssa "keys me" alano. lesson... mag-aral kayo ng english para hindi kayo napag-iiwanan. hindi naman masamang matuto ng ibang lenggwahe. medyo nakarelate pa nga ako sa kanya, kasi, nag-aapply sya ng trabaho, hindi sya matanggap dahil ang tigas daw ng dila nya. hirap na kasi syang mag-english, may accent pa syang magsalita. parang ako, hindi naman ako hirap mag-english, pero puntong batangenyo ang dating. kaya nga during my early days ng paghahanap ng trabaho dito sa manila, lagi akong bagsak sa interview because of my communication skills. buti na lang at may isang nagmagandang loob na sumubok ng aking kakayahan. hehehe. hindi naman kasi kailangang maging magaling ka sa pagsasalita ng english kung computer lang ang kaharap mo at nagcocode ka ng programs, di ba? anong pakialam nung computer sa punto ko? hindi ba? pero kay alyssa, kakaiba sya. biruin nyong pagkanta ang pinasok nya kahit mali-mali ang english nya, pati pronunciation. well, good for her, napansin sya. sa mga hindi pa nakakapanood ng kanyang "keys me" that gave her a break on showbiz... heto po, panoorin nyo. hehehe.



keys me


yun lang!

2 comments:

SarubeSan said...

marami na kasing tanga sa mundo. programmer ka gusto may american accent. may american twang nga, mali mali naman grammar. wag nalang!


dito naman nasa helpdesk ka lang gusto naka formal attire everyday...tsk tsk tsk.. kala mo naman nakikita ka ng client..heheh


hayan nyo tito aga, nasa sa inyo huling "hahahahaha"...;)

Anonymous said...

nakita nyo na yung bago nyang boo-boo? yung kinanta nya yung song na "crush" ni jennifer paige. naging "it chaz" yung "it's just". hehe. ewan nga lang kung sinasadya na lang yun e.