Friday, August 18, 2006

looooong weekend

mahaba-habang weekend pala ang naghihintay dahil walang pasok sa monday. yahoo! yehey! google! last day pala ngayon sa work nung isa kong friend, dahil nagresign na sya dahil pupunta na sya ng Malaysia para doon magtrabaho. Good luck! God bless! Huwag mo sana akong kalimutan kapag mayaman ka na. Hehehe. Sana, maglibre ka naman bago ka lumipad patungo doon.

inuubo ako. uminom na ako ng solmux kagabi at kaninang tanghali. inuubo pa rin ako. hay! magpahampas na lang kaya ako sa gorilla, kagaya ng sabi ni aga sa commercial ng solmux? ayaw gumana ng solmux eh. hehehe.

bukas, uuwi na ako ng batangas. babalik sa monday night. sa wakas, madadrive ko nang muli ang aking kotse patungo dito sa manila. isang buwan yatang mahigit akong hindi nakapagdrive. puro commute, kaya nadekwat yung cellphone ko. kasi naman, ang bagal ng mga gumagawa nung kanal doon sa tapat ng boarding house namin. ngayon naman ay ayos na kaya meron na ulit akong pwedeng pagparkingan, kaya pwede ko na ulit dalhin dito sa manila ang sasakyan. kaso, ang mahal na ng gasolina. makakapagmura ka sa mahal ng gasolina eh. sa mga kababayan ko dyan sa batangas, baka gusto nyong makihitch pagluwas ko sa monday, ok lang, hatian nyo lang ako sa gasolina. hehehe.

sige, happy weekend! happy long weekend! mabuhay ang mga blogger!

yun lang!

4 comments:

Yen Prieto said...

ay naku uu nga ang mahal n ng gasolina ngyn kya ang gastos magdala ng oto, pg commute naman hndi m nman alam kng cnung mga masasamang loob ang makakasabay mo, at yan nga pg minalas ka, madudukutan ka pa ng celfone..

Anonymous said...

mabuhay ang bloggers!!!

hehe njoy the looooong weekend! salamat at narating ko rin ang site mo...

haze said...

o baskasyon ka buti naman para maalis yang ubo mo! siguro kailangang magpalit ka ng gamot! pero ako hindi ako sanay sa gamot...epektibo tong gamit ko tea, lemon & honey yung medyo mainit tignan mo wala lang pesteng ubo na yan! happy vacation !

Anonymous said...

solmux is a mucolytic..
that means that it dissolves the phleghm..making it thin for it to be easily expectorated.. it does not suppress the cough.

if you want you can take an antitussive.. an antitussive (unlike a mucolytic), suppresses the cough.

next time don't self medicate.. or if you do, know first the action of the drug.

:)