natuloy ang kasal ng pinsan ko with my car as their bridal car last sunday. isa lang daw kasi ang oposisyon eh, yung tiya kong sobrang mapamahiin. and since yun ang gusto ng ikakasal at wala namang kumontra sa magkabilang panig maliban na nga dun sa tiya kong isa, wala syang nagawa. ako ang kanilang naging driver papunta sa simbahan. hindi ko pa ma-upload yung picture, kasi naman, medyo low tech ngayon ang cellphone ko, walang memory card support, infrared lang ang way para mag-upload ng picture sa computer, eh wala naman akong infrared sa computer ko. kaya imagine nyo na lang muna yung kotse ko na naging bridal car. talagang pinicturan ko sya, kasi, minsan lang mangyari yun. ewan ko kung may kukuha pa nun sa susunod.. hehehe.
medyo matagal ko nang gustong iblog to, pero ngayon ko lang maiblog, kasi, naging busy ako last week sa pag-aayos ng aking nanakaw na yahoo id. last week kasi, lumipat na kami sa bagong office. mas malaki, mas malawak, mas maganda ang pwesto ko. kung dati ay pagpasok ng bisita sa main door, kitang kita nya kaagad ang ginagawa ko sa pwesto ko, ngayon, hindi na. nasa isang sulok na ako ngayon. hehehe. napansin ko lang na mula nang mag-umpisa akong magtrabaho, lahat ng kumpanyang napagtrabahuhan ko ay nagrerelocate. una, yung AMA Batangas. months after my resignation, lumipat sila doon sa may Alpa Hotel at ngayon, andun na sila sa Caedo Commercial Center sa Batangas City. Ikalawa, yung dati kong kumpanya na during my job application, umexam ako sa isang office at nung interview, lumipat na sila sa kabilang building. and months before I resigned, nagrelocate ulit sila from one unit to another. Tapos ngayon, ang present employer ko... kita nyo, lumipat din. Hmm, may pattern ah. Hindi lang ako ang palipat-lipat, yung mga kumpanyang aking nilipatan, nagpapalipat-lipat din.
yun lang!
No comments:
Post a Comment