kung kahapon ay magandang publicity ang nabasa nyo tungkol sa smart, ngayon ay mukhang hindi sila masisiyahan sa isusulat ko.
natuloy ako kahapon sa pagpunta sa Smart Wireless Center doon sa tapat ng La Salle Taft at doon ko nakuha ang aking bagong SIM card. Doon kasi ako pinapunta ng Smart Wireless Center Robinson's Manila branch dahil doon daw may available na SIM. Ipinagreserve na daw nila ako. I submitted the following documents: Affidavit of Loss, 2 Valid ID (SSS ID and Driver's License ID) and Proof of Ownership (Smart Money Card). Nagbayad ako ng Php 99 para doon sa bagong SIM, tapos, ang sabi sa akin noong Customer Care Representative nila, within 2 hours daw, magkakaroon na yun ng signal.
lumipas ang dalawang oras. wala pa ring signal. SIM Card registration failed. yan ang error. meaning, hindi pa rin ayos yung registration nung SIM Card dun sa system nila. (parang pinaikot ko lang ah). ok lang sa akin. isip ko, talagang ganyan, Filipino time, siguro naman, mamaya, ok na ito. lumipas ang isang oras pa. alas diyes na ng gabi. aba, at wala pa ring signal. same error pa rin. ilang beses ko na pinagpatay-buhay yung cellphone ko, wala talaga. So, siguro naman, reasonable na para tumawag ako sa Customer Care nila. using other SIM card syempre, i dialled *888, their toll-free hotline number.
babae ang nakasagot ng tawag ko. ikwinento ko ang nangyari. pinaghintay ako ng 2 minutes on hold dahil ichecheck daw nya sa technical support nila. after 2 minutes, binalikan nya ako. kinuha yung mga numerong nakaprint sa likod ng SIM card ko. kinuha yung location ko. tapos, pinahintay ulit ako ng another 2 minutes on hold. pagbalik nya, sabi nya, ginawan daw nya ng report sa technical. tapos, kinuha yung contact number ko so that they can contact me kung may tanong pa sila sa akin. tapos ang usapan, hang-up. natulog na ako expecting na paggising ko kinabukasan, kapag naikabit ko na ang SIM card, may signal na ang cellphone ko.
kaninang umaga, around 6:30AM. syempre, chineck ko muna yun. aba, same error pa rin. SIM card registration failed. agang-aga, tawag ulit ako sa *888. babae ang nakasagot, shirley daw ang pangalan nya. ikwinento ko ang nakaraan, at ang sabi sa akin, kung natry ko raw gamitin sa ibang cellphone. eh hindi ko pa nga natry, so, sabi nya, itry ko muna sa ibang cellphone, tapos tawag ulit ako. pinatest ko sa cellphone ng kasama ko sa boarding house. wala ring signal.
tawag nga ulit ako. ibang agent ulit ang nakasagot. lalake naman, hindi ko matandaan ang pangalan. tapos, parang engot. kung sigurado raw ba ako na same number yung kinuha kong SIM. pinagmumukha nya pa akong tanga. kailangan ko pa ba ng affidavit of loss kung kukuha lang pala ako ng ibang number? hello! pinaghintay nya ako ng 2 minutes. nakita daw niya yung report kagabi, at ayon daw doon sa report, wala naman daw problemang nakita yung technical nila. huh?? ganun? at hindi man lang nila ako tinawagan kung wala nga talagang problema? they closed the issue without my confirmation! ang pinagawa naman nito sa akin, ikabit ko raw sa ibang cellphone yung SIM card ko, tapos, patawagan ko raw yung number ko para magregister sa system nila ang bagong transaction. kailangan lang daw magkaroon ng transaction para maactivate yung SIM. eh di sunod rin ako. kaso, dahil nga walang signal, alangan namang makontak ko yun? ang sabi ng system nila, out of coverage daw.
tawag ulit ako. babae naman ang nakasagot. iced daw ang pangalan nya. ikwinento ko na naman ang aking nakaraan hanggang doon sa suggestion nung lalakeng agent. sabi ko, patatlong tawag ko na yun ngayong umaga. hayun, inihold na naman ako for 2 minutes. kumontak daw sya sa technical support. pagbalik, kinuha na naman yung number at location ko. tapos, sabi nya, gagawan daw nya ng report. sabi ko, bagong report na naman? pwede bang iupdate na lang nila yung report ko kagabi? kasi nga, hindi pa naman nasolve yun. i know these kind of systems, syempre, new report, eh di mapapalagay na naman yan sa dulo. sabi pa sa akin, within 24 hours daw ang response time nila. ipagpilitan ba sa akin na bagong report daw yun? yung kagabi raw ay activation request, at yung ngayon daw ay activated na, kaso, may error pa. sabi ko, i did not make an activation request last night. it's a complaint already. dahil yung activation request ay hindi ko kailangang iinitiate after 3 hours na makuha ko yung SIM card. activation request should be done by Smart Wireless Center na binilhan ko nung SIM, di ba? pilit ko mang ipaupdate yung dating report, e closed issue na raw yun. (sa taga Smart, hello! bakit nyo ikiclose ang isang issue ng walang confirmation ng customer? mga engot ba kayo??) kaya hayun, pumayag na lang ako na bagong report. kinuha ko yung report number at ifofollow-up ko na lang sa e-mail ngayon.
ngayon, alas dyes na, tatlong oras na naman ang nakalipas. wala pa rin akong signal. ang saya saya! mamaya, mag-eemail ako, kasama sa e-mail ang link ng post na ito. hahaha! para naman makita ng mga taga Smart na bida sila sa blog ko ngayon. kung may choice lang sana ako eh, hindi ako magtatyaga sa inyo. smart lang kasi ang may matinong signal doon sa barangay namin sa batangas eh.
yun lang!
Update (12:00PM) : Sa wakas, hindi ko na kailangang magemail. nagkaroon na rin ng signal! Salamat sa mga nakakulitan kong tech support ng Smart! Sa uulitin!
1 comment:
Eh bidang bida tlga! hahah! nakakainis lang tlga yang ganyang situation... lalo na kung iba ibang customer service representative ang nakakausap mo pabalik balik ang istorya... buti nlang matyaga ka! hehe
Post a Comment