doon po sa amin sa boarding house, meron kaming boardmate na tinatawag naming playboy! nope, hindi po sya mahilig sa babae. ako nga ang nagbinyag sa kanya ng alias na yan. bakit? kasi naman, gabi na sya lagi kung umuwi, minsan, alas dose na ng madaling araw. at kapag itinanong mo sa kanya kung bakit gabi na sya, ang isasagot nya, naglaro daw kasi sila sa office. as in, halos gabi-gabi, naaddict na ata sa paglalaro ng computer games. hindi raw sya nag overtime, overplay daw. hehehe. hayun, kaya naisip ko, tawagin syang playboy! hehehe.
ang lakas mo sa globe! yan ang tagline ngayon ng globe. reaction ko lang, nagpopromote sila ng palakasan system. paano kung hindi ako malakas sa kanila? eh di hindi ko pala makukuha ang gusto ko? kailangan pala, malakas pa ako sa kanila? kaya hindi umuunlad ang pilipinas eh, puro palakasan ang nangyayari. kaya yung mga mahihirap, lalong naghihirap. kaya ang maraming koneksyon, ang daling pumasok sa trabaho, kasi, malakas. palakasan. well, talagang hindi na mawawala sa mundo natin yang palakasan na yan. pero mas maganda sana kung pantay-pantay ang pagtingin natin sa isa't isa. walang malakas, walang mahina, dahil smart tayo! nyahaha!
kanina, lumapit sa akin ang aming all around messenger, may dalang mouse. itinatanong sa akin kung paano daw ikabit yun. itinanong ko kung saan ikakabit. doon daw sa computer ng isang chinese na bisita namin. (oo, may mga ojt kami ditong mga chinese sa office namin. they are here for 1 year daw.) pinuntahan ko. aba, at may mouse naman siya, bakit papalitan? nagloloko raw. tiningnan ko. nakigamit ng konti. makulit nga yung mouse. binuksan ko. madumi na yung loob. nilinis ko. tapos ibinalik ko. ok na. aba, at gusto pa rin nung chinese yung bagong mouse! sabi ko, we must not replace a mouse everytime it malfunctions just because it gets dirty. eh ok na naman yung mouse nya, what's the point na palitan ko pa sya? isinoli ko na sa messenger namin yung bagong mouse. asar sa akin yung chinese. hehehe.
yun lang!
No comments:
Post a Comment