i'm back. for the past 5 days, walang tv at walang internet. doon lang ako sa bahay namin kung saan nakaburol ang nanay. nakakahiya naman kasing magbukas ng tv, hehe. at tinatamad na rin akong mag-internet sa mga computer shop because of the hacking incident that I encountered recently. so, hayun, nagbalik ako sa mundo ng walang internet at tv.
tulog sa araw, gising sa gabi. para akong nasa call center. syempre, marami kasing tao sa gabi doon sa burol, dahil hindi naman sila pwedeng maglamay sa araw, syempre sa gabi. ang dami ko na namang nakilalang tao, na nakakabanggaan ko na pala sa palengke, yun pala ay kamag-anak ko. mga kamag-anak, kaibigan, kaklase, katrabaho ng mga tiyo, tiya, pinsan at mga kapatid ko ang nagdatingan doon sa amin para makiramay. bukod pa yung mga kaberks ng nanay na isa-isang naglabasan para silipin ang labi ng nanay. yun bang mga matatanda na rin doon sa barangay namin na hindi mo na nakikitang lumabas ng bahay. hayun, nakarating din sa amin.
a typical lamayan, wala nga lang pasugalan. kasi nga, mga INC kami, eh di walang sugal. makakakita ka ng nagtotong-it, pitikan, pabalasahan, pahiran ng lipstick. pero walang nagsusugal. nakabonding ko rin ang mga pinsan ko na matagal ko na ring hindi nakakausap, yun bang tipong hi and hello lang dahil minsan lang kami magkita, samantalang doon ay katong-itan ko. ang dami ko na namang narinig na green jokes, mga bago, dahil nung isang gabi ay yung ninong ng kapatid ko ay wala nang ginawa doon sa lamay kundi magkwento ng kung ano-anong kalokohan.
hanggang ngayon, hindi pa rin naiilibing ang nanay. hinihintay pa kasi ang tiyo kong nasa SA. saudi arabia. hehe. nagfile na sya ng emergency leave since last tuesday pa, pero mamayang gabi pa sya makakarating. sa wednesday na daw ililibing. kaya sa wednesday, malamang ay magleleave ulit ako. pumasok na kasi ako ngayon dahil hanggang friday lang ang ifinile kong leave. hindi ko naman akalain na aabot ng isang linggo yung lamayan, akala ko, by sunday, maililibing na sya. anyway, may natitira pa naman akong leave. pumasok na ako ngayon at sa wed na lang ako magleleave. sa tuesday ng gabi, uuwi na ulit ako ng batangas.
salamat sa lahat ng nagmessage, nag-email, nagtext at nagpunta doon sa bahay namin para makiramay. maraming salamat po. salamat sa mga kasama ko doon sa mansyon. maraming salamat. God bless everyone. Mabuhay ang mga blogger, pati na rin ang mga lurker! =)
Yun lang!
1 comment:
Walang anuman un, yun lang ang magagawa namin na kapwa mo blagista na hindi pwedeng makipag lamay sa place nyo dahil nga malayo... sana lang may maka gawa ng tong-its online para malabanan nman kita, medyo nakakalimutan kona ang larong un eh pinaalala molang ulit!
Post a Comment