Friday, July 07, 2006

tulog na

nitong mga nagdaang araw, hindi na ako masyadong nakakapanood ng tv. ewan ko, mula nung matapos ang jewel in the palace, ang aga ko nang nakakatulog, or mas trip ko pang magbasa ng book kesa manood nung tv. kaya hindi na rin ako nakakapanood ng news, hanggang inq7 na lang ulit ako.

last week, nangyari ito. around 11:00pm, nagising ako, at pagcheck ko sa cellphone ko, may tatlong missed call at isang text message. gf ko. sabi nya sa text, ewan daw nya kung nagkakataon lang ba o iniiwasan ko sya na tuwing tatawag sya ay tulog na ako. so, tinawagan ko sya, sabi ko nga, tulog na talaga ako nung tumatawag sya. hindi naman daw sya galit, tampo lang. sabi ko, e tulog nga ako eh, pasensya na po. sabi nya, basta, tampo pa rin sya. sabi ko, "sige, mula ngayon, basta huwag ka lang magtampo, kahit tulog ako, sasagutin ko ang tawag mo." natawa na lang sya.

then, kinabukasan, tumawag ulit sya. sabi nya, "kumusta, anong ginagawa mo?" sabi ko, "heto, natutulog habang kausap ka." hahaha!

yun lang!

--------
ang picture ay ninenok ko dito.

7 comments:

pao said...

uuyyy! talagang love mo si gf. ganyan talaga kaming mga gurls. shempre kapag tumawag, dapat lang sagutin agad. ;)

Luisa said...

ang sweet mo naman hahahaha!!!...pareho kau ng bf ko at pareho kami ng gf mo na madrama at matampuhin hehehe

yen said...

haha mga babae tlga paranoid.. hndi naman ako gnyan, pero pg d cnagot ang twag ko nagagalit dn ako.. kya kng may missed call dpat lang mag return call.. hehe.

Jigs said...

LOL! Talagang anything for the one you love! LOL!

Grabe medyo di na ko nakakabisita dito! Pasensya! Pasensya na! hehe! Bawi nalang ako!

jairam said...

medyo nakatakot yang brain sa side ah..

odavoca boyrl said...

ang creepy nun lay-out pero ang sweet ng post mo. nakaktuwa. maswerte ang gf mo! palakpak!

nao said...

insaaaaaaaaaaaaan!
i emailed you, you've got mail!