what if umabot ako doon sa 5:15AM na bus? what if dumiretso na lang muna ako sa office kagaya nang ginagawa ko noong nakaraang dalawang linggo at hindi umuwi muna sa boarding house? what if hindi ako sumakay sa dyip na yun? ang daming what ifs.... na kung sana ay nangyari, andito pa sana ang cellphone ko. kaso, talagang ganun, kapag nakatakdang mangyari, kahit anong ingat mo, mangyayari at mangyayari pa rin.
hayun nga ang nangyari, hindi ako umabot sa 5:15AM na bus, umuwi muna ako sa boarding house pagbaba ko sa buendia taft at sumakay ako sa dyip na yun. at ang nangyari, hayun, nasalisihan ako. nadekwat ang cellphone ko!!! what if malakas ang loob ng katapat ko sa dyip at sinabi kaagad nya sa akin yung nangyayari habang dinudukot ang cellphone ko? kaso, mahina ang loob nya, sinabi nya lang sa akin nung makalayo na ang mga gago. mabuti na rin daw yun at hindi sya nagsumbong, dahil baka kung anong nangyari at nagkasakitan pa. hay buhay! kapag nakatakda ngang mangyari, kahit gaanong pag-iingat, mangyayari pa rin.
kasamang nanakaw ang contacts ko, ang 512MB kong memory card, yung 700+ text messages na pang post sa textmates, at syempre, yung cellphone number ko na gamit ko for almost 6 years.
what a nice way to start my week. wala pang isang linggo matapos mahack ang yahoo account ko, eto naman ang panibago, cellphone ko naman. dalawang kaluluwa ang mapupunta sa impyerno dahil sa akin. ang sama ko! o sige, biktimahin nyo pa ako. andito pa ang credit card ko at mga bank accounts ko. baka gusto nyo ring kunin, mga kampon ng demonyo. sige, pagkaisahan nyo ako. sobrang coincidence na ito, na after mahack ang yahoo account ko, cellphone ko naman ang nawala. ano kaya ang susunod? talaga bang nang isulat ang aking kapalaran, nakatakdang mawalan ako ng yahoo id at cellphone number sa loob lamang ng isang linggo, a couple of weeks before my birthday?
Next post, ipopost ko ang modus operandi ng nakabiktima sa akin. Hindi ako ang una nilang biktima. Kasi, nung magreport ako sa pulis, sabi nung isa "ganitong kaso na naman!" opo, may kakaiba silang modus operandi. bukas, ipopost ko. ingat na lang kayo sa mga kampon ng demonyo.
yun lang!
4 comments:
tito aga! waaaaaaaah! pano na ang mga textmates! syet naman ang mga taong mas pinipiling maging masama kesa maghanap ng marangal na trabaho oh! pero anong malay naten? baka naman kelangan niya ng pera... me sakit ang anak niya, ang asawa? heheh! pampalubag loob lang tito aga! sayang! parang ang daming nawala kasama ng cellphone na yun at ang memory mo with that number for 6 years. gosh!
pano ka nahack? at sino? waaah! bakit ikaw? i mean you really know well on computer...
di bale tito aga mapapaltan yan ng gud things...
pareho tayo pre nanakawan na rin ako ng cell ingat ka na lang. wag kang mag bulsa at bulsa mo lang pag naka maong ka. ililito ka muna para malayo ang pansin, alam nila pag medyo inaantok.
but then again, dude, its just a phone. at least be thankful that they didnt hurt you and you're still alive!
@lojik... oo nga eh, sayang yung mga text. anyway, marami pa namang darating, hindi naman nawala ang mga contributors... kailangan ko lang bumili ng bagong cellphone.
paano nahack? i'll discuss this pagdating ng araw. alam ko na ang modus operandi nung hacker. sino? hindi ko kilala. bakit ako? sikat eh.. hehehe. ewan ko nga ba. asar eh.
sana nga, mapalitan ng good things. ;)
@anonymous... ganung ganun ang ginawa sa akin, nilito ako kaya nakuha ang cellphone ko.
@ralpht... thanks for your comment. tama ka, cellphone lang yan. ang mahalaga, buhay pa ako at nagboblog. ;)
Post a Comment