nagpunta raw sa bahay sa batangas yung isa kong pinsan dahil sa ikakasal na sya ngayong July 30. at ang sadya nya sa bahay, aside from the invitation, kung pwede raw kuning bridal car yung kotse namin. sabi ko sa father ko, "ok lang. pero di ba, sira yung aircon nun?" ang tinutukoy ko kasi ay yung kotseng puti namin, natural, dahil bridal car, dapat puti. natawa na lang ako nang sabihin sa akin na yung kotse ko raw ang hinihiram. huh? yung kotse ko? e itim na itim yun. gagawing bridal car? yun daw ang gusto nila eh. tapos ako daw ang magdadrive. sabi ko, walang problema, basta ba kasama ako sa honeymoon, joke! hehehe. hindi naman daw sila naniniwala sa pamahiin eh. so, ok lang. ang ganda, hahaha! hindi ko inakala na yung kotse ko ay magiging bridal car. hehehe. ano kayang itsura nun? abangan nyo na lang, at siguradong papipicturan ko kapag nalagyan na ng dekorasyon. tama nga naman sila, hindi malas yun, kasi ako ang driver. hahaha!
yun lang!
9 comments:
kakaiba nga yan, itim na bridal car. kung sabagay, if nde nga naman nani2wala sa pamahiin ang ikakasal eh di go for it! libre na kotse, libre pa sa driver. ;)
ano na balita sa july 28? nag-iba na ako cellphone # pero andito pa rin sa akin yung cell# mo. text you later, i-finalize na natin venue. :)
hi, salamat sa pagdaan mo doon sa aking kubo :)
at tungkol naman sa bridal car, di problema yong itim. dito kasi kahit anong kulay ang ginagamit nila. mas type ko nga ang itim eh, may class ang dating. white is a very common color at saka hindi lilitaw masyado ang kulay ng mga bulaklak na magiging dekorasyon :)
pogi nga pala ang auto mo.
sus may nani2wala pa ba sa mga pamahiin n yan.. ke puti o itim, bsta may bridal car (plus driver) ok na, kesa naman maglakad ung bgong ksal diba.. at ok nga yan for a change naman kc lgi n lng puti..
nyak anu b yan.. ako ung anonymous haha..
pag kinasal nga ako hihiramin ko din kotse mo hehehe
Ok lang naman yang itim na bridal car. Maganda naman yung sasakyan mo. Yung pinsan ko color red yung bridal car nila! Favorite color nya kasi yun at bagay sa color scheme ng kasal. Puro roses kasi yung dekorasyon! LOL!
Wala nga nman sa kulay ng kotse yan nasa kulay ng driver! bwhahha! joke! sa gandang lalakeng mong yan for sure hindi na sila kelangan pang tumingin sa kotse sa driver nlang sila titingin.. at kung nag kataon baka hindi sa simbahan ipa derecho ng bride ang kotse mo... baka iuwi ka na nya! heheh! joke!! ur car is super nice!! cool!!!
baka naman pati underwear manghiram na rin..hehehe joke!
ako pag kinasal, kalabaw at paragos ang sasakyan...le exotic...hehehe
wow! ang dami nagcomment.. hehehe. di ko na kayo iisa-isahin, ang masasabi ko lang, tuloy ang kasal... dahil gwapo ang driver. =)
Post a Comment