Thursday, July 06, 2006

taepodong

it's a bird! it's a plane! no, it's the Taepodong-2 missile from North Korea! Shit na malagkit! ano kaya kung ganyan ang makita mo isang araw paglabas mo ng bahay papunta sa office? anong gagawin mo? akala mo, eroplano lang, yun pala, missile na. handa ka na bang mamatay?

sa mga nangyayari ngayon, kailangan, ihanda na natin ang ating mga sarili as if today is our last day. pwede kasing buhay ka ngayon, malakas, malusog ang pangangatawan, mapera, mayaman, maraming kaibigan, pero bukas, wala ka na dahil nabagsakan na ng missile ang pilipinas. ewan ko ba naman kung bakit hanggang ngayon ay may mga ganyang bansa pa rin, na sa halip na pagyamanin ang kanilang bansa e wala palang ginawa kundi magparami ng nuclear missile at magpatatag ng kanilang sandatahan para manggulo balang araw. ang dami pa rin talagang kalahi ni hitler at sadam sa mundo. sabagay, talaga naman daw ganyan, walang thrill ang buhay kung lahat tayo, puro santo. hehehe. meaning, boring sa langit?? a ewan, kung ano na namang naiisip ko.

kung sakaling magkagyera, siguradong maiipit na naman ang pilipinas dahil sa pagiging alyansa ng ating bansa sa mga kano. di bale sana kung katabi lang ng pilipinas ang amerika. na sakaling padalhan tayo ng missile ay kayang kayang pabagsakin agad ng mga amerikano. kahit sabihin pang kaalyansa natin sila, andyan ba sila lagi para protektahan nila tayo? hindi naman pwedeng tora-tora ang ipanglaban natin dyan. ang NPA nga, ilang dekada na, andyan pa rin. yung north korean missile pa kaya ang masugpo nila? sila nga, bansa na nila, napabagsakan pa ng eroplano yung world trade center, e sa kanila na yun. tayo pa kayang nasa malayong lugar ang maprotektahan nila?

bahala na. basta ako'y magboblog na lang. at kung mangyari ang scenario na paglabas ko ng bahay ay may makita akong missile sa taas pabagsak sa pilipinas, hindi na ako tatakbo. i'll just pray na sana, lahat ng naging biktima, sama sama kaming kakanta ng "Beh, buti nga!" habang aming pinagtatawanan ang mga gunggong na taga north korea na sinusunog at pinahihirapan doon sa impyerno.

yun lang!

-----
image taken without permission from: High School Journalism

2 comments:

Anonymous said...

huwag kang mag-alala di lang ikaw takot
ang US takot na takot lol!!!

Yen Prieto said...

oo nga sa dami ng mga karahasan na nangyayari sa mundo totoo tlgang wala ng safe na lugar sa earth.. sabi nga nla pg oras m na oras mo na! khit pa ganu ka kaingat at khit pa nsan parte ka pa ng mundo...