Thursday, July 13, 2006

tagbaha at necktie

tag-ulan na nga, at tagbaha na naman dito sa maynila. kagaya ngayon, walang pasok ang mga estudyante, hindi dahil sa signal no. 2 ang bagyo, kundi dahil sa baha. nagtataka lang ako at mga estudyante lang ang walang pasok. siguro, iniisip nila na ang mga empleyado ay marunong ng lumangoy sa baha? hehehe.

buti na lang at yung lugar namin doon sa makati ay hindi na binabaha. kasi nga, ginawa nila yung kanal. actually, hindi pa tapos gawin kaya hanggang ngayon ay byahe pa rin ako sa bus kapag umuuwi ng batangas. hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin pwedeng ipark dun sa parking lot yung kotse dahil huhukayin pa yung tapat nung gate. ewan, kelan kaya yun matatapos? e inabot na ng tag-ulan yung kanalization project nila.

showing pa ba ang superman returns. papunta pa lang ako, pabalik na sya. hehehe. hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa napapanood. ewan ko, tinatamad eh.

nga pala, sayang ang bihis ko. nakanecktie pa naman ako. hindi dumating si bossing na japanese. hehehe.

yun lang!

3 comments:

lheeanne said...

Naka Neck-tie ka, naka todo porma..wag ka nlang mag bihis.. hehe! waaa... khit nung hskul ako naalala ko, pag baha me pasok kaming 3rd n 4th yr ung 2nd and 1st wala.. discrimination bayun? heheh

Anonymous said...

nung wednesday na-dismiss kami dito sa office ng 3:30 pm. kayo? kahapon naghihintay kami kaso matitigas mga taga-hr eh... malulugi siguro ang kumpanya kapag laging early dismissal. :lol:

Jigs said...

Siguro, iniisip nila na ang mga empleyado ay marunong ng lumangoy sa baha?

HAHAHA! OO nga noh! Unfair sa working class! Binabaha din naman ang mga nagtatrabaho! LOL! Di nila naisip yun!