uuwi na ako ngayong gabi sa batangas. ngayon kasi ay july 21. anong meron? it's my father's birthday. kahit gabi na ay mabati ko naman sya personally.
tomorrow, may reunion pala kami. reunion ng pamilya macuha. ang mga kamag-anak ko sa olongapo at mindanao ay magpupuntahan daw doon sa batangas para nga magreunion. sa totoo lang, wala akong kilalang kamag-anak sa mindanao, pero sabi ng tatay, 11 daw yung kapatid nya dun. nag-asawa kasi ulit yung lolo ko nung mapadpad sya sa mindanao at doon nagkalat ng lahi. hehehe. originally kasi naman talaga, yung mga macuha ay nasa batangas. kaya kung may makikilala kayo dyan sa mindanao na macuha ang apelyido, malaki yung chance na kamag-anak ko yun.
sa mga nagtatanong kung kaano-ano ko si lisa macuja, tiya ko sya. joke lang. obvious naman na magkaiba ang spelling ng apelyido namin eh. hehehe. malay nyo, andun pala sya bukas sa reunion. hehehe.
ano pa ba? yung yahoo account ko, wala pa rin. mukhang napakialamanan na ang lahat ng details ko, hindi na gumagana yung recover password. anyway, nag-e-mail pa ulit ako sa yahoo. nangyari na rin daw ito sa officemates ko at mga 1 week daw bago nya nakuhang muli yung account nya, andun pa raw yung contacts pero lahat ng e-mail, wala na. ok lang, as long as makuha kong muli yung account ko. bakit kaya naisipan noong ihack ako? siguro, feeling nya, isang karangalan sa kanya ang makuha ang yahoo id ko. kasi, nag-iisa isa yun sa mundo, solong solo, unique na unique. baka ipapangalan nya sa anak nya. hehehe.
kanina, tumawag sa akin yung dati kong officemate. ano daw ang aking mga pinagsasasabi at humihingi daw ako ng pangalan ng babaeng available sa one-night stand. tsk tsk. maniac pa yung nanghack ng account ko. ey, kung ichachat kayo nung yahoo account ko... yun nga, marhgil ang yahoo id, wag kayong pahalata na alam nyo na nahack ako. sakyan nyo lang, at kung kaya nyong magsetup ng EB, sige, ituloy nyo, tapos, inform nyo ako. at babalatan ko sya ng buhay. hahahaha!
at para sa hacker ko, kung nagbabasa ka nito. kawawa ka naman, ang kaluluwa mo, isang yahoo id ko lang pala ang katumbas. magrereklamo naman ako sa langit kapag hindi kita nakita sa impyerno. hahahaha!
happy weekend!
yun lang.
nga pala, may bago sa textmates.
7 comments:
namiss ko 2loy ang family reunions namin noon sa pinas, every wkend may reunion kami haha.
anu b yang hacker n yan, anu bang mapapala nia kang mag hack cia.. sna naman wg ma hack ung account ko, at hndi na dn safe mag net sa mga shops ngyn..
just droppin by!
happy weekend!
Sira ulo talaga yang hacker na yan! I still cant see what he gains from wasting his time!
I havent been to a full blown family reunion! As in yung almost all of your relatives are in attendance. I hope I get to experience that one day!
Enjoy ur family reunion.. forget the hacker...
naku teka, ikaw ba ang nagchat sa kin nung kanina (sunday) around 5:50pm?
eto ang sabi sa ken:
Marhgil Macuha (7/23/2006 5:51:54 PM): lala
Marhgil Macuha (7/23/2006 5:51:55 PM): musta na
Marhgil Macuha (7/23/2006 5:51:57 PM):
Marhgil Macuha (7/23/2006 5:52:04 PM): lalo ka gumaganda ah...
may kasama pang buzz... pero hindi ko naabutan... pero naniwala ako sa mga sinabi hahahaha sinagot ko pa nga e, late na ng malaman ko na naglog out na pala.
yun lang. i hope u had a happy weekend :D
onga pala, may bago kaming blog http://mp3byrequest.blogspot.com
<=jologs wave=>
kamusta naman un baka may nakagalit ka
kaya ayan nihack nya tuloy account mo.
Naku, di na talaga mapigilan ang kasikatan mo, marami ng tao ang gustong makialam ng husto sa buhay mo, hahaha!
Wala ka na bang tagboard??? O, naduduling lang ako?
Post a Comment